Kabanata 28

2482 Words
KABANATA 28 NATAHIMIK ang lalaki dahil sa narinig na tila bay pati rin ito'y nagulat sa mga narinig kagaya ko. At bago pa man ito makabawi mula sa pagkakagulat ay inunahan na ito ng punyemas, "O siya't mauuna na kami pare ah?" tanong ni Dashiel rito. "Ha? O siya't sige," ang tanging naisagot no'ng lalaki. Matapos marinig ang sagot no'ng lalaki ay humarap si Dashiel sa gawi ko ng may matamis na ngiti sa mga labi, na tila ba'y ang saya-saya niya dahil sa mga sinabi niya. Inirapan ko siya bago muling tinangkang silipin ang lalaki na kausap niya, pero sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko na naman ito naipagpatuloy pa ng iharang no'ng punyemas ang sarili niyang katawan sabay hawak sa batok ko pasubsob sa mukha niya. "Don't you dare to look at him, because if you dare, I won't hesitate to impregnant you, like wha't I've said to Deon," he said huskily while stroking my hair. Wala sa sariling ako'y napalunok ng sunod-sunod dahil sa narinig. Wala sa sariling umayos ako ng tayo mula sa pagkasubsob ng mukha ko sa dibdib niya at tiningala siya. Isang hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol ko sakan'ya ng tiningala ko siya, na siya rin namang naging dahilan kung bakit siya mapangiti ng kay tamis sabay halik sa noo ko. "Let's go, honey," aniya matapos kitilan ng mabilisang halik ang noo ko. Naiwan akong nakatulala dahil sa ginawa niya. Muli ko lang namalayan ang sarili ko ng maramdaman kung hawak hawak na niya ang kamay ko, habang hinihila ako papalapit sa motorsiklo niyang nakaparada malapit sa gawi namin. At nang makalapit ay agaran niyang ikinabit sa ulo ko ang helmet na kani-kanina lang ay suot suot ko. Inayos niya ang pagkakalagay ng helmet sa ulo ko, at wala sa sariling ako'y napatitig sa maganda niyang pagmumukha habang ginagawa niya ang bagay na iyon. Nagkasalubong ang aming mga tingin ng magbaba siya ng tingin at wala sa sariling ako'y kinalibutan ng maramdam ko ang diin ng mga titig niya na iyon na tila ba'y abot hanggang sa kasukasuan ko. At hindi ko inaakalang mas lalo pa akong mapapalunok ng makita ko ang dahan-dahan niyang pagyuko habang nakatingin sa mga mata ko. "W-hat a-re you doing?" ang nauutal na tanong ko sakan'ya dulot ng pagkakaba ng makita ko ang dahan-dahang pagbaba ng mukha niya at ng tingin niya mula sa mga mata ko papunta sa labi ko. His lips formed into smirk because of that question, kasabay niyon ay ang marahang pagdampi ng mga daliri niya sa labi ko. He gently brushed my lips using his long and thick finger's while staring intently at my eyes. The burning desire in his eyes is visible at that moment. I bit my lower lip when I felt how he sexually brush his finger on my lips Nakita ko naman kung paano umukit ang matamis na ngiti sa mga labi niya na tila ba'y nasiyahan siya dahil sa nakita niyang pagkagat ko sa pang ibabang labi ko. "You have the most reddish lips that I've ever seen," he whispered huskily before claiming my lips, "And you also have the sweetest lips that I've ever taste," ang dagdag pang sabi niya matapos kitilan ng isang matamis na halik ang mga labi ko. Wala sa sariling ako'y napatanga dahil sakan'yang sinabi. Tila ang mga katagang binitawan niya ay hirap na hirap prosesohin ng aking utak. He smiled sweetly before claiming my lips once again. He give a peck on it at ng matapos ay hinawakan niya ang bewang ko gamit ang magkabilaan niyang kamay. Wala sa sariling napakapikt naman ako sa balikat niya upang doon kumuha ng suporta ng maramdaman ko ang pag-angat ko mula sa lupa. Isinakay niya ako sa motorsiklo niya at ng matapos ay siya naman ang sumakay rito. "Kumapit ka," utos niya sa akin, at dahil na trauma na ako sa sinapit ko kanina—sa muntikan ko ng pagkahulog dahil sa hindi ko ginawang pagkapit sakanya—sa paghiwalay ng kaluluwa ko sa sariling katawan koy dulot ng kan'yang mabilis na pagpapatakbo ay wala sa sariling kumapit ako sa bewang niya. Akala ko'y sapat ng dahilan ang ginawa kong pagkapit sakan'ya para umalis na kami but I was wrong, I was f*****g wrong, dahil hindi pa talaga nakuntento ang punyemas, hindi pa ito nakuntento dahil mula sa pagkakapit ko sa bewang niya'y hinigit niya ang kamay ko payakap sa bewang niya which made my boobs touched his back. "That's the right way to hold me, honey," he sexily said while chuckling, "Shall we?" tanong pa nito. Hindi pa man ako nakakasagot sa tanong nito'y naramdaman ko na lang ang pagbuhay niya sa makina ng motorsiklo niya. And later on.. I just felt the cold wind touching my skin and blowing my hair as I hugged him tight. The city lights that we passed by gives me some nostalgia. Like it is so good on my eyes that I can't get enough to it. Sabayan mo pa ng mga christmass lights na kay sarap ring pagmasdan. Malapit na ang pasko, kung kaya't hindi na ako nagtaka pa ng makakita ako ng mga chirstmass lights at kung bakit ganito na rin kalamig ang hangin ngayon. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sakan'ya ng makababa na ako mula sa pagkakasakay ko mula sa motor niya. Inayos niya muna ang pagkakalagay niya sa helmet niya bago sinagot ang tanong ko, "We will eat," sagot nito sa tanong ko sabay hila sa mga palad ko papasok sa loob ng restaurant. Napairap naman ako sa narinig ko, like heck, alam ko naman na kakain kami rito pero bakit? Bakit sa ganitong klaseng lugar pa na mukhang mamahalin? Wala pa naman akong pera pambayad. Hawak hawak niya ang bewang ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng restaurant, at sa bawat paghakbang niya na iyon ay ang bawat pagtangka ko ring, umurong na lang at saka bumalik sa motorsiklo niya. E kasi naman, pang mayaman ang restaurant na ito e, 'tas dito kami kakain? Wala pa naman akong pambayad. Nalaman kung pang mayaman ang restaurant na ito dahil minsan ko ng nakita ang pangalan ng restaurant na ito sa magazine, sa magazine na kung saay tungkol sa sampung pinakakamahal na restaurant rito sa pilipinas. At ang restaurant na ito ay napabilang sa listahan na iyon. Ghad, anong gagawin ko? Wala akong pera pamabayad. Gusto ko mang umurong ay hindi ko magawa dahil sa kadahilanang hawak-hawak niya ang bewang ko at kahit anong gawi ko pama'y hinding-hindi na ako makakawala pa mula sa pagkakahawak niya. Nang makapasok sa loob ng restaurant ay ang nakangiting mukha agad ni kuyang waiter ang bumungad sa amin, he greeted us, and Dashiel greeted him back. Samantalang ako naman ay pinasadahan ng tingin ang buong kabuuan ng restaurant at wala sa sariling parang umurong ang mga paa ko ng makita ko ang presyo ng mga pagkain nila na nasa malaking TV sa harapan. Ghad?! Tae, 20 thousand pesos? Para sa isang pagkain lang? Putangina, pang tatlong buwanang sahod ko na iyan ah, ano ba ang pagkain nila dito, gold? 'Yong mga plato at kutsara ba na ginagamit rito ay gold kung kayat ganon na lang kamahal ang mga pagkain nila dito?! Ghad, sino ba ang may-ari ng restaurant na ito at ng maireklamo ko sa gobyerno, ang mahal kasi ng paninda e. "What's the problem?" rinig kong tanong no'ng lalaking nakahawak sa bewang ko ng mapansin siguro nitong para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa mga nakita ko. "S-ure ka ba talagang dito tayo kakain?" bulong na tanong ko rito, "Wala akong pera pambayad, Dashiel," mahinang dag-dag na bulong ko pa rito. Mahina sapagkat nakakahiya naman kasi e, nakakahiya kung maririnig no'ng ibang kumakain ang mga sinabi ko. Ang elegante kasi ng mga ito e, samantalang ako ay isa lang estudyante na maraming racket para mabuhay na napunta rito, 'tas kasa-kasama pa ng poging lalaki at mukhang mayaman na ito, baka ano pang masabi nila 'pag nalaman nilang ang isang kagaya ko'y kasama ang lalaking kagaya niyang nakapasok rito. Wala sa sariling napatingin ako sa mga mata niya ng maramdaman ko ang bahagya niyang pag pisil sa bewang ko, "Don't worry, puwede ka naman nilang paghugasin ng plato rito ng mga one month e," ani nito sa akin na siyang nagpasimangot sa akin. Nakita ko ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito dahil sa inakto ko. Kalauna'y ang pagpigil ng tawa nito ang mga narinig ko na siyang naging dahilan kung bakit mas lalo akong napasimangot. Sige, tawa pang punyemas ka, baka inaakala mong nakakalimutan ko na ang mga pambubuwesit na ginawa mo sa buhay ko? Baka inaakala mong nakalimutan ko na ang mga sinabi mo kanina do'n sa lalaki? Na misis mo ako at buntis ako. Sige pa tumawa ka pa, dahil may oras ka rin sa akin. Ang mga katagang iyon ay ang tanging naisabi ko sa utak ko habang nakatingin sa gawi niyang nagpipigil ng tawa. Hirap na hirap na itong magpigil sa kakatawa, pulang pula na nga ang mukha nito e, napairap tuloy ako. "Alam mo, itawa mo kaya 'yan ng malakas delikado kasi kapag sa puwet mo 'yan lumabas," sarkastiko kung ani dito bago ito iniwan. Pinuntahan ko ang gawi no'ng waiter na kanina pa naghihintay sa amin sa upuan na nakalaan namin. Nang makalapit ako sa gawi nito'y agaran ako nitong pinaghila ng upuan, umupo naman ako doon. Wow, infairness ah, ang ganda ng treatment nila rito sa mga kliyente nila, isa siguro ito sa mga dahilan kung bakit mahal ang mga pagkain rito. Ma try ko nga 'to kung magkaka-business man ako. "What is your order ma'am?" tanong no'ng waiter sa akin ng makaupo na ako ng matiwasay—ng maiupo ko na ang puwet ko ng matiwasay. "Ha? E?" nauutal kong tanong rito dahil sa totoo lang hindi ko alam ang oorderin ko, hindi ko nga alam ang mga pangalan ng mga pagkain rito e, at saka isa pa, wala naman siyang menu na ibinigay sa akin e, don't tell me 'yong menu na nasa malaking TV ang tanging menu nila rito? Napaisip ako, "Tubig na lang?—ahh oo, tub—" hindi ko na naipagpatuloy pa ang balak ko pa sanang sasabihin ng may marinig akong nagsalita. "Give her some vegetarian food," pagpuputol ng kung sino man. At ng liningon ko ang gawi no'ng pinanggalingan ng boses na iyon ay doon ko nakita ang punyemas na ngayon ay nakasimangot na, na tila ba'y natalo ito ng ilang daang milyon sa sabong. Napapaisip tuloy ako, kung bipolar ba ang lalaking ito, pabago bago kasi ng emosyon e, hindi ko mabasa-basa. "Copy sir," sabi no'ng waiter bago tumalikod, aalis na sana ito pero hindi na nito naipagpatuloy pa iyon ng muli itong lumingon sa gawi namin, "How about yours, sir?" the waiter asked. "One Finestra's Omi Wagyu," sagot nito sa tanong no'ng waiter. Napatango naman ang waiter samantalang ako naman ay napatanga. Liek heck, ano raw? Finyestrasy Omshi Wangluy? Ang hirap namang bigkasin, ano ba 'tong mga pagkain ng mga mayayaman akala mo gold, ang sosyal ng pagkain e. Umupo ang lalaki sa harapan ko ngunit hindi ko ito pinagtuonan ng pansin dahil magpahanggang ngayon ay naiinis pa rin ako. Nanatili akong tahimik habang hinihintay ang order namin, samantalang siya naman ay tahimik lang rin sa isang tabi habang nag ce-cellphone. Ka chat siguro nito ang jowa nito. Minuto ang lumipas bago tuluyang naihatid ang order sa amin at wala sa sariling nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang laman ng plato na iyon. Putangina?! Ito na ba yon ang 20 thousand nila? Really? Isang takos lang kanin at ilang dahon ng repolyo at pechay? Putangina? Ito na ba 'yon?! 20 thousands for this? No, baka nagkakamali lang ako, nagkakamali lang ako sa hinuha ko. Pero putangina talaga e, ganito yong nakita ko sa menu na nasa TV nila at para mas mapatunayan ko pa sa sarili ko na ito iyon ay nilingon ko ang gawi no'ng TV upang alamin kung ito nga ba 'yon, at mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ito nga 'yon! 'Yong 20 thousand. "Kumain ka na," napatingin ako sa gawi ni punyemas ng marinig ko ang turan niya na iyon. At doon ko napagtanto na wala na pala sa gawi namin ang waiter, at kasulukuyang kinakain na ni punyemas ang inorder niya na hindi ko mapangalanan kung ano, basta may steak ito. Inusog ko ang upuan ko palapit sa mesa bago tumingkayad palapit sa gawi niya, "Sigurado ka ba talaga dito?" bulong na tanong ko rito. Nakita ko naman kung paano dumaan ang pagtataka sa mga mata nito dahil sa sinabi ko, "Ha? Bakit naman?" tanong nito habang ngumunguya. "E kasi ang mahal mahal, samantalang tatlong dahon lang naman ng pechay ang pagkain na isi-nerve," sagot ko sa tanong nito na siyang naging dahilan kung bakit nabulunan siya. Dali dali tuloy akong napatayo mula sa pagkakaupo ko sabay lapit sa gawi niya, "Ayos ka lang ba?" tanong ko rito habang hinahaplos ang likod nito. "Tubig oh," dagdag ko pang alok rito na siyang tinanggap naman nito. Dali dali nitong ininom ang tubig na ibinigay ko sakan'ya, aside kasi sa tatlong dahong opchay at repolyo ay may tubig rin silang isinerve. "Ho!" rinig kung sabi ni punyemas sabay suntok sa dibdib niya, "Muntik na ako don ah!" dagdag pang sabi nito. Napairap naman ako bago muling umupo sa upuan ko, "So sigurado ka ba talaga?" tanong kong muli rito ng makita kung medyo ayos na ito. "Alam mo, ang mas mabuti pa'y kumain ka na lang," sagot nito sa tanong ko sabay tulak sa plato palapit sa gawi ko, "And please don't mind the bills honey, I can pay it," he added with assurance tone on his voice. "Sige, aasahan ko 'yan ah?" tanong ko rito . Tumango naman ito bago muling sumubo. "Pero huwag kang mag-aalala babayaran rin kita kapag medyo nakaluwag-luwag na 'ko," pampalupag loob na sabi ko rito. Baka kasi umiyak to e, mukhang malaki pa naman ang babayaran niya. Babayaran kita kahit na'y ikaw naman talaga ang may kasalanan kung bakit napunta ako sa lugar na ito, babayaran kita kahit na'y kasalanan mo naman talaga kung bakit ganito kalaki ang mababayaran natin. Gusto ko sanang idagdag ang mga kataga na iyon pero sinarili ko na lang ang mga iyon baka kasi tuluyang maiyak ang punyemas e, mukha pa naman siyang maiiyak na. "Huwag na," tanggi nito. "Ay hindi yan puwede sa akin, sir, kasi ano kita sugar daddy para magbayad sa mga kakainin ko?" tanong ko rito, tama naman ako 'diba? E kasi naman hindi ko naman siya sugar daddy para pagbayarin ko 'di ba? "If that's make you feel better about the bills, then yes, I am your sugar daddy, honey," sagot nito sa tanong ko na siyang nagpalaki sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD