"TOTOO ba 'to?" ang di makapaniwalang tanong ko habang hinuhubad ang helmet na suot suot ko.
Kakarating pa lang namin at kakababa ko pa lang mula sa motor na sinasakyan namin at hindi ko inaakalang ang tanawin na ito ay ang agad na bubungad sa mga mata ko.
Napakaganda. Napakaganda nitong nakikita ko.
Ang mga kataga na iyon hindi sapat para mai-depina ko ang tanawin na nakikita ko ngayon. Hindi sapat because this scenery is more than that.
Wala sa sariling ako'y napangiti ng matamis ng maramdaman ko ang pagtama ng malamig na panggabing hangin sa pagmumukha ko pagkahubad na pagkahubad ko pa lang sa helmet na suot-suot ko.
Kasabay ng pag-ihip ng hangin na iyon ay ang pagsiliparan rin ng nakalugay kong mga buhok.
"Maganda ba?"
Wala sa sariling nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman ko ang pagtama ng kan'yang hininga sa batok ko habang sinasambit niya ang mga kataga na iyon.
Mula sa likod ko ay sinikop niya ang nakalugay kong buhok bago ito inisang ilagay sa balikat ko. At mula rin doon sa likod ko'y niyakap niya ako na siyang naging dahilan kung bakit 'ko nahigit ang sarili kong hininga, sa ikalawang pagkakataon.
"M-aganda," ang nauutal kong bulong na sagot sa itinanong niya bago dinahan-dahan sa pagkalas ang mga kamay niyang nakayapos sa bewang ko.
Kinalas ko ito dahil sa kadahilanang naiilang at na so-soffucate ako, naiilang ako dahil sa kadahilanang hindi ako sanay sa ganito, hindi ako sanay na may pasimpleng yumayakap sa akin at lalong lalo na't lalaki ito.
Nang matagumpay kong naikalas ang mga kamay niyang nakayakap sa akin ay pasimple akong humakbang papalayo sa gawi niya.
Humakbang ako papalayo sa gawi niya at pumunta papalapit sa nakakabighaning tanawin na hindi ko inaakalang totoo pala.
Akala ko kasi'y ang mga ganito kagandang tanawin ay sa mga pelikula ko lang makikita at sa mga libro ko lang mababasa, pero nagkakamali lang pala ako, dahil ako mismo sa sarili ko—gamit mismo ang mga mata ko'y nakasaksihan ko kung gaano kaganda ang tanawin na hindi ko inaakalang totoo pala.
Mula rito sa burol na kinatatayuan ko'y kitang-kiita mismo ng dalawang mata ko ang napakatahimik na karagatan na kay gandang pagmasdan, at mas gumaganda pa ito dulot ng malaki at bilog na buwan na parang humahalik rito.
Mula sa pagtitingin-tingin sa napakandang tanawin ay wala sa sariling ako'y napatingin sa gawi ni Dashiel ng makita ko kung paano ito maglakad papunta do'n sa may patag na bahagi ng burol.
Kalauna'y ng marating nito ang patag na bahagi ng burol ay hinubad nito ang suot suot nitong leather jacket. Kalauna'y inilatag niya iyon sa damuhan, making me think na ginawa niya bang blanket ang bagay na iyon
Nang mailapag na niya ito sa damuhan ay muli siyang bumalik sa gawi ko.. Nang makalapit sa gawi ko'y kinuha nito mula sa akin ang helmet na dala dala ko pa pala magpahanggang ngayon, ni hindi ko man lang ito namalayan dahil sa kadahilanang nalibang talaga kasi ako sa tanawin na nakikita ko e.
Kinuha niya ang helmet mula sa akin na siyang ibinigay ko naman. Nang mapasakanya na ito'y nilagpasan niya ako, napatingin tuloy ako sa gawi na pinuntahan niya at doon ko nakita kung paano niya inilagay ang helmet sa manibela ng motorsiklo niya.
Nang matapos ay muli itong bumalik sa gawi ko.
Agaran ko namang iniwas ang tingin ko mula sakan'ya bago dali daling napaayos ng tayo, baka kasi isipin ng lalaking iyon na kanina ko pa siya pinagmamasdan e.
Wala sa sariling nahigit ko ang hininga ko ng maramdaman ko kung paano niya hinawakan ang kamay ko bago niya pinagsiklop ang mga palad namin.
Aangal na sana ako ngunit hindi ko na naipagpatuloy pa iyon ng marahan ako nitong kinaladkad papunta sa inilitag niya.
Pinaupo niya ako doon bago siya umupo sa tabi ko.
Isang mahabang katahimikan ang namutawi sa gitna naming dalawa matapos ang tagpong iyon. Na tila ba'y pareho kaming nagpapakiramdaman kung sino sa aming dalawa ang mauunang magsalita.
Nang hindi ko na kinaya pa ang katahimikan na namumutawi sa gitna naming dalawa ay itinuon ko ang atensiyon ko sa napakagandang tanawin na nasa harapan ko upang libangin ang sarili ko kahit papano man lang.
Inilibang ko ang sarili ko sa pamamagitan ng napakandang tanawin na ito, kung sana'y may cellphone lang ako paniguradong nag pi-picture picture na ako ngayon. Napakaganda kasi ng tanawin e, ito 'yong tipo ng tanawin na hinding-hindi mo magagawang pag-aksayahan, ito 'yong tipo ng tanawin na pag se-selfiehan mo talaga.
Lumipas pa ang mga minuto at pareho pa rin kaming tahimik, ni isa sa gitna naming dalawa ay walang nagbalak na magsalita, na tila ba'y pareho naming pinapakiramdaman ang isa't-isa kung sino ang mauunang magsasalita.
Akala ko'y magiging ganoon na lamang ang tagpo namin hanggang sa umuwi kami, ngunit ang pag-aakala ko na iyon ay isang maling pag-aakala ko lang pala... dahil lumipas ang ilang minuto at tuluyan na ngang nabasag ang katahimikan na namumutawi sa gitna namin dalawa dulot ng pagsasalita niya.
"This place is amazing right?" pamababasag niya sa katahimikan.
Napalingon ako sa gawi niya dahil doon, at doon ko nakita kung paano kumislap ang mga mata niya habang nakatingin sa buwan na nasa kalangitan.
Isang tango ang isinagot ko sa tinuran niya bago ko muling itinuon ang aking atensiyon sa tanawin na nasa harapan ko.
In my peripheral vision ay nakita ko naman kung paano ito lumingon sa gawi ko, "But you're more amazing," he whispered softly.
Mahina lang ang pagkakabulong niya sa mga kataga na iyon pero dahil sa kadahilanang napakatahimik ng lugar na ito at tanging ang mga gangis lamang ang nag-iingay ay narinig ko pa rin kung ano ang mga katagang ibinulong niya.
Wala sa sariling pinamulhanan ako ng mukha dahil sa mga narinig ko na sinabi niya. Kasabay ng pamumula ko na iyon ay ang dali dali kung pagyuko upang maitago ko ang pamumula ko. Baka kasi makita niya ang pamumula ko at baka kung ano pa ang masasabi niya pag nagkataon e.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kung bakit naging ganoon na lamang ang epekto ng mga sinabi niya sa akin, pero—ghad hindi ko maipaliwanag. Basta't ang alam ko lamang ay parang kinilig ako dahil sa sinabi niya na iyon. Kinilig ako na parang ewan.
"Cute," he murmured bago nagpakawala ng isang chuckled na mas naging dahilan pa kung bakit ako mas pinamulhanan pa ng pagmumukha.
Matapos sambitin ang mga kataga na iyon ay naramdaman ko na lang kung paano niya marahang hinawakan ang ulo ko bago niya ito pinahilig sa balikat niya.
Napaupo naman ako ng matuwid dahil doon na siyang naging dahilan kung bakit nawala ang pagkakahilig ng ulo ko sa balikat niya.
Akala ko magagalit siya dahil hindi natuloy iyong balak niya but he just chuckled bago niya muling hinawakan ang ulo ko at saka marahang na ipinahilig sa balikat niya.
"Stay still," bulong niya sa tenga ko na siyang nagpabigay ng kilabot sa kaibuturan ko. Ibinulong niya ang mga kataga na iyon ng maramdaman niya sigurong muli, ang pagbabalak ko na umalis mula sa pagkakahilig ko sa balikat niya.
Kahit gusto ko mang umupo ng maayos ay wala akong ibang nagawa kundi ang humilig sa balikat niya dahil para talaga akong napako sa puwesto ko dulot ng mga kataga na isinambit niya na iyon—para ring may kung ano sa akin nq gustong sumunod sa utos niya kahit na'y ayaw ko naman talaga.
Matapos ang tagpo na iyon ay isang mahabang katahimikan na naman ang namutawi sa gitna naminf dalawa at ng tingalain ko siya upang alamin sa pagmumukha niya kung bakit siya biglang natahimik ay doon ko napagtano na mukhang ang lalim lalim ata ng iniisip niya kung kaya siya natahimik. Nanahimik na lang rin ako at saka bago muling nilibang ang sarili sa tanawin na nakikita ko.
Sa ikalawang pagkakataon ay muling nabasag ang katahimikan na iyon ng magsalita siya.
"Marra," tawag niya sa pangalan ko na siyang naging dahilan kung bakit nabasag ang katahimiman namumutawi sa gitna naming dalawa sa ikalawang pagkakataon, and I don't know why kung ako lang ba ang nakakaramdam sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko but his voice is like a humming lullaby while saying those words.
Mula sa pagkakahilig sa balikat niya ay umayos ako ng pagkakaupo, "Po?" I asked.
"Alam mo ba na ang lugar na ito ay aksidenteng nadiskubre ko lang?" he asked, umiling naman ako, like heck, malay ko ba. Malay ko bang aksidente niya lang pa lang nadiskubre ang lugar na ito.
Hindi naman kasi ako ay siya para malaman ko na aksidente niya lang pala na diskubre ang lugar na ito, at saka isa pa hindi ko naman alam ang takbo ng buhay niya e para malaman ko na aksidente niya lang pa lang na diskubre ang lugar na ito.
In my peripheral vision, I saw how he smiled sadly bago niya itinuon sng atensiyon sa harapan, "I w-as just sixteen years old t-hat time," his voice broke.
"When my m-om forced me to have s*x with one of her kumadre," he also added na siyang naging dahilan kung bakit ako bahagyang nagulantang. Mula sa pagtitingin sa tanawin na nasa harapan ko'y wala sa sariling ako'y napalingon sa gawi niya dulot ng nagulantang ako sa rebelasyon niya.
Isang hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol ko sakan'ya, hindi makapaniwala dahil hindi talaga ako makapaniwala sa rebelesasyon niya. Like heck, what did he just said? His mom forced him to have s*x with someone at the age of sixteen? Ghad, what a big revelation.
Ang hindi makapaniwalang tingin na ipinukol ko sakan'ya ay unti unting napalitan ng pagkaawa ng makita ko kung paano niya palihim na pinunasan ang luha na kumuwala sa gilid ng mga mata niya, "Damn! Ba't ako nag open up sa babaeng ito?" rinig kong bulong niya sa sarili niya bago tumayo mula sa pagkakaupo niya. Naiwan naman akong nakatulala lalo na ng makita ko kung paano niya ako tinalikuran.
Like heck, matapos niyang sambitin ang mga kataga na iyon ay iiwan lang niya akong nakatulala rito sa ere? Habang bitin na bitin sa mga impormasyon na binitawan niya? Ghad, aba'y hindi naman ata tama iyon.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko bago dali daling tumakbo papunta sa gawi niya, pinigilan ko siyang makalayo sa gawi ko sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya, napalingon naman ito sa gawi niya, "Ano? Iiwan mo na lang ba ako? Matapos mo 'kong bitinin sa tsismis mo?!" nagkasalubong ang kilay kong tanong sakan'ya.
Akala ko magagalit siya sa akin kung kayat agaran ko ring pinagsisihan ang mga kataga na isinambit ko sakan'ya, but I was wrong, I was f*****g wrong dahil imbes na magalit sa akin ay ngumisi lamang ito.
Inirapan ko naman ito ng makita ko ang pangisi nito, "Ano na? Sasabihin mo sa akin, o tutuhurin ko 'yang p*********i mo?" mataray kong tanong rito.
Ang ayaw ko kasi sa lahat ay binibitin ako sa chissmiss.
He chuckled, "This girl is really cool ha," he whispered.
Kung kanina'y narinig ko ang mga kataga na isinambit niya, ngayon naman ay hindi, dahil ang hina hina kasi nito, hindi kagaya no'ng nauna.
"Ano na? Sasabihin mo sa akin o hindi?" ulit ko pang tanong rito.
"Baka ipagsabi mo e," he said while smiling na siyang nagpausbong sa bolbol ko.
"Ayy gago ka naman pala e," galit kong ani rito sabay suntok sa balikat nito. Like heck, gago naman pala ang lalaki na ito e, e kasi naman bakit niya pa sinimulang mag share sa akin kung hindi naman pala talaga ako mapagkakatiwalaan? Gago lang. At saka isa pa, gano'n na ba talaga kapangit ang pagmumukha ko na ito para hindi niya magawang pagkatiwalaan?
Bahagya siyang napadaing dulot ng suntok na binitawan ko sakan'ya, susuntukin ko na sana itong muli ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng mahigit ko na lang ang hininga ko ng maramdaman ko ang biglaan niyang pagyakap sa akin sabay sabi sa mga katagang,
"I have a horrible past, honey, and I am afraid that after you heard my past ay pandidirihan mo ako," he whispered while hugging me.