Kabanata 32

1958 Words
"SORRY na, nasabi ko lang naman kasi iyon dahil kalalaki mong tao pero para kang babae kung umiyak e," ang nakanguso kong panghihingi ng paumanhin sakan'ya habang sinusundan ang bawat paghakbang na pinapakawalan niya. Humihingi ako ng tawad sakan'ya dahil narealize ko kasi na mali pala ang nagawa kong pang-aasar na bakla sakan'ya dahil lang sa umiyak siya. Well infact he just want to ease the burden that his feeling by sharing it to me and by crying. "So 'pag umiiyak ang lalaki ay bakla na, ganoon?" he tss. Mas lalo pang humaba ang nguso ko dahil doon, kasabay niyon ay ang mas pagka guilty ko. "Hindi," nakanguso kong sagot sakan'ya. "'Yon naman pala e," ani niya bago binilisan ang pagkakalakad niya. Napahakbang rin tuloy ako ng mabilis. "Sorry na," ulit ko pang hingi ng patawad sakan'ya habang hinahabol siya. He just tss na mas naging dahilan pa kung bakit mas napahaba pa ang nguso ko, ang hirap naman kasing suyuin ng lalaking ito e, dinaig pa ang babae. At saka isa pa, dinaig pa namin ang magjowa kung magsuyuan kami ah, infairness. "Hoy, sorry na," ulit ko pa and for the third time he just tssed. "Ano ba kasi ang dapat kong gawin para mapatawad mo 'ko?" tanong ko sakan'ya ng mapagtanto ko na mukhang hindi madadaan ang lalaki na ito sa isang simpleng sorry lang. At tama nga ako sa hinuha ko na iyon dahil napatigil ito sa ginagawa nitong paglalakad bago nakangusong nilingon ang gawi ko, "Kiss me," he said while pouting. Napairap naman ako dahil doon, sinasabi ko na nga ba, sinasabi ko na nga ba't ang lalaki na ito ay may plano talaga, kaya naman pala kung makaasta ay parang babae. Napairap ako, "Ayaw ko." "Okay. Madali lang naman akong kausap e," sabi nito bago muling tinalikuran ang gawi ko. Napairap naman ako bago labag sa loob na napasabing, "Sige na nga," labag sa loob na ani ko rito na siyang naging dahilan kung bakit napalingon ng nakangiti ang kurimaw sa gawi ko. "Pero sa cheecks lang ah?" I asked and he nodded. Dali dali naman akong tumingkayad para mahalikan ko ang pisnge niya. Hahalikan ko na sana ang pisnge niya ngunit hindi na ito natuloy pa. Hindi na ito natuloy pa dahil imbes na sa pisnge niya dumapo ang mga labi ko ay sa labi niya ito dumapo. Bigla kasi siyang lumingon sa gawi ko ng hahalikan ko na sana ang pisnge niya e, kaya ang ending, sa labi niya dumapo ang labi ko. "Sarap," ang nakangiti nitong ani sabay kindat sa akin pagkakalas na pagkakalas pa lang ng mga labi namin. Napatulala naman ako bago wala sa sariling napahawak sa labi ko. Did he just stole my fourth kiss? Ang wala sa sariling bulong ko habang nakahawak pa rin sa labi ko. At ng marealize ko ang tungkol sa bagay na iyon ay gano'n gano'n na lang ang naging panlalaki ng mga mata ko bago ko hinabol ang gawi ng punyemas na iyon. Binabawi ko na, punyemas nga talaga ang lalaki na iyon at hindi na dapat pang tinatawag na Dash as in Dashboard. "Arghh!" ang naiinis kong ani bago ko hinabol ang lalaki na iyon. Natatawa rin naman itong tumakbo papalayo sa gawi ko na siyang naging dahilan kung bakit mas lalo pa akong nainis. Nasa kalagitnaan kami ng aming paghahabulan ng makaramdam ako ng pagpatak na siyang naging dahilan kung bakit ako napatigil mula sa ginagawa kong pagtakbo. Tumingala ako upang tignan kung saan galing ang mga pagpatak na iyon, at ng mapagtanto ko kung saan iyon galing ay doon ko lang na-realize na patak pala ito ng ulan at nanggagaling ito sa langit. "Hoy babae, magpapaulan ka lang ba diyan?" Nakabalik ako sa sarili kong ulirat ng marinig ko ang pagtawag at tanong na iyon. At ng sundan ko ng tingin kung saan nanggaling ang boses na iyon ay doon ko nakita si punyemas na ngayon ay nakasilong na sa isang kubo, na sa palagay ko'y ang kubo na tinutukoy niya. Dali-dali naman akong kumaripas ng takbo papalapit sa gawi nito, natatakot kasi akong mabasa e, wala pa naman akong dalang extra t-shirt. "Aww," daing nito ng batukan ko ito pagkalapit na pagkakapit ko pa lang sa gawi niya, inakala siguro nito na papalampasin ko 'yong ginawa niya e no. "Para saan 'yon?" ang taka nitong tanong habang kinakamot ang batok. Inirapan ko ito, "Edi para sa ginawa mong pagnakaw sa ikaapat na halik ko," sagot ko sa tanong niya na siyang ikinangisi niya. "Ahhh, ganoon?" he asked, tumango naman ako, "Puwes! Huwag kang pumasok sa loob ng kubo ko ah," ani nito bago ako nito pinagsaraduhan ng pintuan. Naiwan naman akong nakanganga habang di makapaniwalang tinitignan ang nakasiradong kubo na nasa harapan ko. Aba'y gago 'tong lalaki na to ah! Ang bulong ko ng makabawi mula sa pagkakagulat bago kinatok ng kinatok ang pintuan na nasa harapan ko. Pero ang gago hindi man lang nakinig. Imbes kasi na pagbuksan ako ay nakarinig ako ng kung anong tunog na sa palagay ko'y galing sa seradura ng pinto, na siyang naging dahilan kung bakit ko naisip na ini-lock niya ang pinto. At dahil sa kaisipan ko na iyon ay mas linakasan ko pa ang pagkakatok ko sa pintuan na nasa harapan ko, 'kung gawa lang siguro sa kawayan ang pintuan na ito, kagaya noong sa amin paniguradong nabutas na ito dahil sa paraan ng pagkatok ko rito. Pero hindi e, matigas kasi ito, na sa palagay ko'y gawa sa isang matigas at purong kahoy kagaya ng narra. "Dashiel! Buksan mo 'tong pintuan!" ang malakas kong sigaw habang kinakalampag ang pintuan na nasa harapan ko. Tanging isang malakas na pagtawa lamang ang isinagot nito sa inutos ko, "Mamaya na, maliligo muna ako," ang natatawa nitong ani na siyang naging dahilan kung bakit ako napanguso at saka napatigil sa ginagawang pagkatok. Tangina ng lalaking 'yon! Pasalamat siya't na ilock niya itong pintuan kasi kung hindi, paniguradong sinugod ko na 'yon. Mas lalo pang lumakas ang ulan kesa kanina, na siyang sinabayan naman ng malakas na pag-ihip ng hangin. Gininaw tuloy ako lalo na't naambonan ang gawi ko dahil sa pag-ihip ng hangin. Napaupo ako sa harapan ng pintuan ng hindi ko na kinaya pa ang lamig, kung alam ko lang sana na uulan, edi sana'y dinala ko na lang 'yong jacket niya na iniwan namin do'n. Tas yong helmet na rin na nasa motor niya. Speaking of motor, ano kaya ang nakain ng tarantadung 'yon at ba't di na lang dinala 'yong motor niya dito? May pasabi-sabi pa siya na malapit lang ang kubo mula roon sa burol, pero ang punyemas sinungaling talaga, kasi anong malapit don? E mga sampung minuto rin kaya 'yong nilakad namin bago namin narating ang gawi na 'to. Partida! Tumakbo pa kani no'n ah! Tangina talaga 'tong lalaking 'to! Pasalamat siyat walang kidlat kasi kung hindi— "Ayy!" Hindi ko na naipagpatuloy pa ang pag ra-rant ko sa isip ko ng mapatili na lang ako dulot ng malakas na pagkulog at kidlat. Kakasabi ko pa nga lang na pasalamat siya't walang kidlat, pero heto't kumikidlat na and take note may kasama pang kulog na isa sa mga kinatatakutan ko ah. "Ayy!" Muli akong napatili bago dali-daling napatabon sa tenga ko, gamit ang mga palad ko ng muli akong makarinig ng pagkulot at pagkidlat. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko bago ko paulit-ulit na kinakalampag ang pintuan na nasa harapan ko. "Open this damn door, Dashiel!" ang pasigaw ko na utos habang kinakalampag ang pintuan na nasa harapan ko, umaasa na sana'y bubuksan ito ng tarantadu. "Dashiel!" ulit ko pa ng hindi ito sumagot mula sa loob, "Buksan mo 'tong pintu—ayy!!" Hindi ko na naipagpatuloy pa ang balak ko pa sanang sasabihin ng muli na namang kumulog at kumidlat, pero sa pagkakataon na ito'y tumama ang kidlat sa puno na malapit sa gawi ko, leaving me trembling because of nervous and at the same time, scared. Napaluha na lang tuloy ako dahil sa takot habang paulit-ulit na kinakalampag ang pintuan na nasa harapan ko, "D-ashiel! Open this damn door! Maawa ka naman oh!" My voice broke while saying those words What's wrong with this man? Kani-kanina lang ay ayos naman siya ah 'tas ngayon ginaganito na niya ako dahil lang sa pagbatok ko sakan'ya? Nakasama ba talaga ng ganoon ang ginawa kong pagbatok sakan'ya? E samantalang hindi naman 'yon ganon kalakasan ah, at saka isa pa, ginawa ko lang naman ang pagbatok ko na iyon dahil sakan'ya ah. Muli 'kong kinalampag ang pintuan na nasa harapan ko, umaasa na sana'y pagbubuksan na niya ako, dahil ang kulog ay mas lalo pang lumakas. Tila narinig naman ng langit ang kahilingan ko na iyon, dahil after many times of knocking, the door finally open. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pintuan na nasa harapan ko'y agaran na akong napayakap sa taong nagbukas sa akin, hindi inaalinta ang parang basa nitong katawan na medyo mainit, dahil ang tanging inaalala ko lang sa mga panahon iyon ay ang tumago mula sa malakas na pagkidlat na iyon. Naramdaman ko naman kung paano mapasinghap ang lalaking yinakap ko, siguro nabigla ito. Isiniksik ko ang sarili ko sa gitna ng mga matitigad nitang mga dibdib habang tinatakpan ang tenga ko, umaasang sa pamamagitan niyon ay hindi ko na maririnig pa ang tunog ng pagkidlat na iyon. Yinakap ako pabalik no'ng lalaking yinakap ko, bago nito isinirado ang pinto. He carresed my hair while murmuring dome words, "Shh..I'm sorry," the guy said while caressing my hair, mas lalo ko namang isiniksik ang sarili ko dito. "I didn't know that you're afraid of thunder," dag-dag pang ani nito. Napatungo naman ako dahil doon bago mas isiniksik ang sarili ko dito. Wait?! Teka lang ba't amoy safeguard ang lalaking ito? Well, infairness the safeguard smell really suits on hi—the fudge?! Ano 'yong matigas na bagay sa may puson ko?! Popsicle stick ba yon? Ha? May popsicle stick ba na malaki?! At saka isa pa ba't may popsicle stick? Ice cream ba tong kayakap ko? May ice cream ba na amoy safeguar—the heck?! Wala sa sariling nanlaki ang mga mata ko at napatayo ako ng matuwid ng may mapagtanto ako, nang mapagtanto ko kung bakit amoy sabon itong lalaking 'to, kung bakit parang basa ang dibdib nito at higit sa lahat kung bakit may naramdaman akong matigas sa puson ko. Dali-dali akong napakalas sa pagkakayakap ko sakan'ya bago dali-daling napatalikod mula sa gawi niya upangvmaitago ko ang pamumula ng mukha ko. Like heck, did I just feel his popsicle on my stomach? Ghad! nakakahiya! Tas yumakap pa ako sakanya ng walang pasabi dahil sa takot at pagkapraning at higit sa lahat, yumakap ako sakan'ya without freaking minding na hubad baro siya at tanging tuwalya lamang ang suot niya dahil sa kadahilanang bagong ligo siya. Parang may kung anong kilabot ang dumaloy sa aking buong katawan ng maramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko na siyang naging dahilan kung bakit ako napatayo ng matuwid. "Hey, what's wrong?" he asked habag pilit akong pinapaharap sa gawi niya, "Answer me, honey," dagdag pang ani niya pero nanatili pa rin akong nakatalikod, "Face me, honey," he commanded ng wala siyang makuhang kahit anong salita mula sa akin paglipas ng ilang segundo. Umiling ako ng sunod-sunod bilang sagot sa inutos niya, "Ayoko." "Why?" matigas ang tunong pananalita niya. "B-ecause.." Sasabihin ko ba o hindi? Nakakahiya kasi e, pero siguro dapat ko ngang sabihin sakan'ya para tumahimik na siya mula sa pangungulit. "Because?" he asked coriously. "B-ecause your popsicle stick is visible." sagot ko bago iniyuko ang ulo ko. Lupa kainin muna ako. Natahimik ang lalaki ng ilang segundo bago ko narinig ang malakas na pagtawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD