"Oo, ako nga Thirst ko," ang nakangiting sagot no'ng poging nilalang sa harapan ko.
Kalauna'y tinakbo niya agad ang pagitan niya at ang pagitan ni Prof, at ng marating niya ang gawi ni Prof ay agaran niya itong yinakap ng mahigpit na tila ba'y na miss na miss niya si Prof.
Samantalang si Prof naman ay nanatiling nakapako sa kinatatayuan nito habang ang gulat ay naka rihestro sa mukha.
Samantalang ako naman ay naiwang nakatulala habang nakatingin sa gawi nilang dalawa.
Kasabay ng kanyang pagyakap kay prof ay ang panunuot rin ng pagtataka sa buong lalamunan ko, pagtataka, kung ano ang meron sa gitna nilang dalawa at kung bakit kung makayakap ang lalaki na iyon kay Prof ay tila ba'y miss na miss niya si Prof. Na tila ba'y hindi sila nagkita ng ilang taon.
Pagtataka, kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa at kung bakit first name basis sila kung tawagin nila ang isa't-isa.
Akala ko'y sasagutin ni prof ang mga yakap no'ng lalaki sakanya dahil sa pag-aakalang na miss niya rin ito, gaya no'ng nararamdaman ng lalaki para sakanya, pero mukhang akala ko lang pala iyon dahil gano'n gano'n na lang ang pagkaawang ng bibig ko ng makita mismo ng dalawang mata ko kung paano niya itinulak ang lalaking iyon palayo sa gawi niya, na siyang naging dahilan kung bakit bahagyang napa atras ang lalaki.
Nakita ko kung paano dumaan ang pagkabiglang emosyon sa mga mata no'ng lalaki, humakbang muli ang lalaki palapit kay prof, sunod sunod naman napa-atras si prof dahil doon, napatigil lang ito ng tuluyan itong mapasandal sa mesa.
"Huwag kang lalapit!" rinig kong sigaw ni prof sa lalaking patuloy na humahakbang palapit sa gawi niya na siyang naging dahilan kung bakit ako nakabalik sa sarili kong ulirat.
Kung kanina'y takang taka ako kung ano ang namamagitan sa gitna nilang dalawa, dahil kung makaakto si guy ay parang miss na miss niya si prof, ngayon naman ay mas nagtaka pa ako kung ano ang namamagitan sa gitna nilang dalawa ng marinig ko ang sigaw na iyon ni Prof, ang sigaw na may halong pagkatakot. Pagkatakot, na siyang umagaw sa atensiyon ko. Pagkatakot na hindi ko alam para saan.
"A-ng sabi ko'y huwag kang lumapit!" ang nanginginig sa takot na sigaw ni Prof habang pilit na pinipigilan ang pagtangkang paglapit no'ng lalaki sa gawi ni prof.
Mas lalo naman akong nagtaka dahil doon. Isang nagtatakang tingin ang ipinukol ko sa kanilang dalawa, nagtataka kung ano ba ang nangyayari sa gitna nilang dalawa, at kung bakit makaasta si prof ay tila ba nakakita siya ng multo—no let me rephrase it—mamatay'ng tao, samantalang, 'yong lalaki nama'y kung makaasta ay tila ba'y miss na miss niya si Prof at mahal na mahal niya ito.
Wala sa sariling nasapo ko ang noo ko at saka nagulo ang buhok ko dulot ng frustration. Frustration para sa kanilang dalawa.
Hindi ko inaakalang ako yong ma fru-frustrate sa gitna nilang dalawa! At hindi ko inaakalang mas lalo pa akong ma fru-frustrate ng marinig ko ang mga katagang sinambit nong poging lalaki,
"I'm sorry love, I didn't mean it," ang nakayukong ani no'ng lalaki habang pilit na hinahawakan ang mga kamay ni Prof.
Samantalang, si Prof naman ay pana'y taboy lang sa kamay no'ng lalaki na pilit humahawak sa mga kamay niya.
Imbes na sagutin ni Prof ang lalaking iyon sa mahinahong paraan ay isang napakalas na sampal ang isinagot niya dito, sampal na siyang naging dahilan kung bakit napalingon 'yong lalaki sa kanan niyang gawi, isang palatandaan na ang lakas ng pagkasampal ni Prof na iyon. Sa lakas nito'y umalingawngaw ang tunog na gawa no'ng pagsampal na iyon sa buong lugar.
Napangiwi naman ako dahil doon bago ko tinalikuran ang gawi nilang dalawa.
Ipinagpatuloy ko ang naudlot kong paglalakad. Ipinagpatuloy ko ang naudlot kong paglabas bago pa man ako tuluyang ma frustrate dahil sa pagiging clueless ko sa nangyayari sa gitna nilang dalawa. Ipinagpatuloy ko ang naudlot kung paglabas bago pa man ako tuluyang mabaliw sa kakaisip kung ano ba ang meron sa gitna nilang dalawa at kung bakit kung makaakto sila ay para bang kilalang kilala nila ang isa't-isa.
Isang hakbang na lang sana ang kulang at tuluyan na sana akong makakalabas sa office na iyon ni Prof pero bago pa man ako tuluyang makahakbang ay napatigil na ako ng marinig ko ang mga katagang isinigaw ni prof na siyang naging dahilan kung bakit ako napatigil sa balak kong paglalakad.
"Alin ang hindi mo sinasadya?! Ang pangangaliwa mo habang ta'yo pa o ang pagpatay mo sa sarili mong anak na nasa sinapupunan ko?!" rinig kung galit na galit na sigaw ni prof. Hindi ko na kailangan pang lingunin ang gawi nila upang alamin kung paano pinaghahampas ni prof ang lalaking iyon, dahil dito pa lang ay dinig na dinig ko na ang mga tunog na dulot ng kanyang mga paghahampas sa lalaki.
"Oh, ano Thunder ba't di ka m-akasagot?!" sa pagkakataong ito'y ramdam na ramdam ko na ang pagkabasag ng boses niya.
"For pete's sake! You k-illed our unborn child Thunder! You f*****g killed him! You killed him! You psycho!" dagdag pang galit na ani nito.
Hindi ko inaakalang mas lalo pa akong mapapako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang mga sumunod na katagang binitawan nito, kasabay niyon ay ang pag-awang ng mga bibig ko.
Nakaawang ang bibig ko ng nilingon ko ang gawi nilang dalawa dulot ng pagkabigla, pagtataka at hindi makapaniwala. Pag lingon ko sa gawi nilang dalawa ay doon ko nakita si Prof na ngayon ay ang lakas lakas na ng pag-iyak habang nakasubsob sa dibdib nong lalaki, habang 'yong lalaki naman ay pilit siyang yinayakap habang binubulong ang mga katagang I'm so sorry love.
Ang clueless na si ako kanina, ay unti unti ng nakakaintindi. Ang clueless na si ako, ay unti unti ng naiintindihan kung ano talaga ang tunay na namamagitan sakanilang dalawa. Hindi ko na kailangan pang kompirmahin iyon dahil sa mga inaakto pa lang nila, ay unti unti ko ng nakukuha kung ano talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa.
They are ex lovers...
Ang mga katagang iyan ay ang tanging madedepina ko sa kung ano man ang meron sakanilang dalawa ngayon. They were ex lovers, and that was the reason kung bakit kung makaakto ang lalaki ay tila ba'y miss na miss niya si Prof.
They are ex lovers and I guess kakailanganin nila ng masinsinang pag-uusap. Pag-uusap sa gitna nilang dalawa.
Nang dahil sa kaisipang iyon ay muli ko silang tinalikuran at saka nagmamadaling umalis sa lugar na iyon. Sa ikaraming pagkakataon ay 'tsaka pa lang ako nakahinga ng maluwag ng tuluyan na 'kong makalabas sa opisina ni Prof.
Mygad! Psychology ang kinuha ko, pero bakit ganon? Bakit parang pang theatre ang palagi kung nasasaksihan, ang iyotan nila tas ngayon naman ang dramahan! Mukhang dapat ko na ngang iwasan ang pagpunta sa opisinang iyon, kung ano ano na lang kasi ang nasasaksihan ko doon e! Mygad.
Napapitlag ako ng marinig ko ang tunog ng bell, nang mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin ng pagtunog ng bell na iyon ay dali dali akong lumakad papunta sa room namin upang kuhanin ang bag kong naiwan ko roon.
Tahimik na ang classroom ng makapasok ako sa room, siguro'y nandoon na ang mga kaklase ko sa room na pagdadausan namin sa susunod namin klase.
Pinuntahan ko ang gawi ng upuan ko kanina, para kunin ang bag ko na nandodoon. Dali dali ko itong kinuha dahil sa kaisipan na baka ma late na naman ako sa next subject ko. Naging terror pa naman si Prof Jade dahil sa ginawa ng mga kaklase ko no'ng nakaraan. Takot ko lang no!
Dali dali akong lumabas sa room namin bago ko dali daling binagtas ang daan papunta sa susunod naming classroom na siyang pagdadausan ng susunod namin klase.
Hinihingal akong pumasok sa loob ng room ng marating ko na ito, at laking pasasalamat ko sa diyos ng makita kong wala pa roon si prof. Ibig sabihin hindi pa ako late at hindi pa ako mapapagalitan!
Hinihingal akong umupo sa upuan ko, hindi inaalintana ang mga kaklase ko at ang nakakalusaw na titig na pinapakawalan no'ng si Jude.
Hindi ko alam kung ano ang meron sa akin at kung bakit makatitig si Jude sa akin ay para bang proud na proud siya sa akin or something. Kahapon pa siyang naging ganyan and it is really getting onto my nerves. Geez. Nakakalusaw kasi ang paraan ng pagtitig niya. Nakakailang!
"Hoy babae, saan ka galing?" tanong ni Candice sa akin pagkaupo na pagkaupo ko pa lang.
Tamad kong tinignan ang gawi nito, "Sa office," iyon lang ang naging sagot ko sa tanong niyang iyon bago ko isinubsob ang ulo ko sa desk ko.
Hindi ko na kailangan pang tignan ang pagmumukha niya para alamin ang pagnguso niya dahil paniguradong napanguso talaga ito dahil sa naging turan ko.
Time flew so fast, mabilis na lumipas ang oras to the point na hindi ko man lang namalayan na hapon na pala at ito na 'yong last subject namin for this day.
Bored na bored lang akong nakahilig sa bintana ng classroom habang ang tingin ay nasa labas. Bored na bored na ako sa totoo lang, sino ba naman kasi ang hindi ma bo-bored kung ganoon ka bagal magsalita ang prof na nasa harapan, tas ang hina hina pa, kaya paniguradong wala ka talagang maiintindihan.
At saka isa pa, alam ko na naman yang mga pinagsasabi niya e, nag advance reading kasi ako, dahil sa kaisipang paniguradong hindi ko na naman maiintindihan yang mga pinagsasabi ni Prof dahil sa ang hina nitong magsalita at ang bagal pa. Kumbaga, nag self study ako
Mukhang hindi lang ako ang na bo-bored sa klase na ito dahil rinig na rinig ko ang pag dinghay ni Candice sa tabi ko, isang palatandaan na kagaya ko rin ay bored na bored siya.
Nakatanga lang ako sa buong oras ng pagtuturo ni ma'am, nakatanga, na tila ba'y wala akong buhay at gana sa mundo. 'Tsaka pa lang ako nabuhayan at ginanahan bigla ng marinig namin ang bell, isang palatandaan na tapos na ang klase namin.
"Good bye, class," ang pagtatapos ni ma'm sa mahaba niyang klase na siya lamang ang nakaintindi.
Hindi na nito hinintay pa ang pag sagot namin sa goodbye class niya, dahil agad agad itong lumabas sa classroom namin, na tila ba'y mas excited pa siya kesa sa aming makauwi na. Damn that old prof!
Ba't hindi nalang kasi siya mag resign? Ang tanda tanda na niya kasi e!
Pagkatayo na pagkatayo ko pa lang ay agaran ko ng inis-streched ang mga kamay ko at ang katawan ko.
Ho! Mukhang drain na drain ang buo kong katawan at utak dahil sa maghapong klase na iyon. Gusto ko na lang humilata tuloy sa kama ko buong magdamag.
Gustuhin ko mang sundin ang gusto ko ay alam kong hindi puwede dahil sa kadahilanang may trabaho pa ako.
It's already 6 in the evening ng tuluyan na akong makalabas sa campus. Tinungo ko ang sakayan ng jeep—waiting shed upang doon maghintay ng jeep na maari kung masakyan para mapuntahan ko ang lugar na pagtratrabahuan ko ngayong gabi.
Pero kapag minamalas ka nga naman e no! Bigla kasing bumuhos ang ulan ng walang pasabi kung kaya't ang ending ay medyo nabasa ako.
Dahil sa pagkataranta na hindi mabasa ay naipayong ko ang bag ko sa ulo ko bago tinakbo ang waiting shed na siyang tinutukoy ko.
Sumilong ako doon para magpatila ng ulan at para na rin makasakay agad kung baka sakali mang may dumaan na jeep. Alam kong imposible na may dumaang jeep dito sa harapan ko sa mga oras na ito, imposible dahil kapag umuulan kasi'y nagiging matumal ang pagdaan ng mga jeeo dito. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil ito sa batas ng lalawigan namin.
Sa batas na kung saa'y mahigpit na ipinagbabawal ang pag biyahe ng mga pampublikong sasakyan sa tuwing umuulan, ginawa nila ang batas na iyon, para maiwasan ang sakuna o banggaan, palagi kasing may nababanggaan na sasakyan dito sa amin tuwing umuulan e, siguro iyon ang dahilan kung bakit nila ipinatupad ang batas na iyon.
Akala ko'y wala na talagang jeep na dadaan sa harapan ko dahil sa batas na iyon kung kaya't gano'n gano'n na lang ang pagkangiti ko at ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko ang diyep na paniguradong dadaan sa harapan ko.
Kumaway kaway ako, habang sinisigaw ang mga katagang para, umaasa na sana ay marinig iyon ng driver nang sa gayon ay tumigil ito sa harapan ko, pero mukhang malas nga talaga ako ngayon, dahil gano'n gano'n na lang ang pagbagsak ng mga balikat ko ng makita kung puno na ang diyep na iyon. Kung kaya't hindi na ito tumigil pa sa harapan ko.
At mas lalo ko pang napatunayan na malas nga talaga ako ng makakita na naman ako ng drama. Argh! I really hate dramas!
Ang drama na kung saa'y nag-sisigawan ang dalawang lovers sa gitna ng daan, ni hindi man lang inaalintana ng mga ito ang ulan at ang katotohanang baka masagasaan sila.
Malayo man sila sa gawi ko, hindi ko man marinig ang mga pinag-uusapan nila dahil sa lakas ng ulan ay malakas ang kutob ko na nag-aaway ang dalawang taong iyon, may pa hampas hampas at taboy kasi si ate girl kay kuya boy e.
Taray nilang dalawa ah! Sa gitna pa talaga ng ulan piniling mag away, ano 'to drama?!
Mas lalo ko pang napatunayan na nag-aaway nga ang dalawang iyon ng makita ng dalawang mata ko kung paano napasalampak sa sahig si kuya boy dulot ng pagtulak ni ate girl sakanya.
Matapos niyon ay tinalikuran ni ate girl si kuya boy na siyang naging dahilan kung bakit dali daling napatayo si kuya boy mula sa pagkakasalampak niya at saka napahawak sa kamay ni ate girl, like he was begging her to stay.
Lumuhod siya sa basang daan habang nakahawak sa kamay ni Ate girl na nakatalikod sa gawi niya.
Hindi ko man naririnig sila, pero sigurado ako na nagmakaawa ang lalaki sa babae para lamang manatili ito. But ate girl pushed him away, na siyang naging dahilan kung bakit ito napasalampak muli sa daan. Dali dali namang tumakbo si ate girl sa papalayo sa gawi ni kuya guy.
Samantalang si kuya guy naman ay naiwang lugmok na lugmok habang nakatingin sa papalayong bulto ni ate girl.
Napailing na lang tuloy ako dahil sa nasaksihan! Kung ako siguro si kuya boy, hindi ko ipipilit ang sarili ko kay ate girl, gagamitin ko ang kaguwapuhan ko at ang kalakihan ng tite ko para maghanap ng iba. Tss. Kawawang kuya boy.
Lumipas ang ilang minuto at wala pa rin dumadaan na jeep kung kaya't ang tanging ginawa ko lang ay ang panooorin si kuya guy na nakasalampak sa sahig habang nakatingin sa kawalan, hindi inaalintana ang lamig na dulot ng kanyang basang katawan.
Bahagya naman akong naawa sa aking nasaksihan, bahagya namang nanlambot ang puso ko habang nakatingin sa lugmok na lugmok na si kuya guy. Hindi ko alam kung bakit ako naawa sakanya, pero siguro dahil na rin sa kaisipang minsan ko na ring naranasan ang posisyon niyang iyan.
Ang kaibahan nga lang ay hindi ang boyfriend ko ang dahilan kung bakit ako napunta sa posisyon na iyon noon, kundi ang mama ko.
Naalala ko pa, ganyang ganyan rin ang posisyon ko noon habang nakatingin sa papalayong bulto ng sasakyan ng mga police. Sa sasakyan ng mga police na kung saay lulan si mama. Nagmakaawa pa ako noon, nagmakaawang ibalik nila sa akin si mama hanggang sa tuluyan akong atakehin ng hika ko na siyang naging dahilan kong bakit ako hinimatay.
Magpahanggang ngayon ay sariwa pa rin sa ala-ala ko ang tagpong iyon. Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil iyon sa kadahilanang, iyon ang kuna-unahang beses na nalugmok ako ng todo todo. Dahil iyon ang kauna-unahang beses na nasaktan ako.
Mas lalo pang bumuhos ang ulan kung kaya't mas lalo pa akong naawa sakanya. Basang basa na kasi siya at pansin na pansin ko rin ang panginginig niya isang palatandaan na giniginaw na talaga siya.
Napabuntong hininga naman ako dahil doon bago napasabi sa mga katagang,
"Bahala na," ang labas sa ilong na ani ko bago tinakbo ang gawi ni kuya guy upang yayain itong sumilong. Nilalamig na kasi ito e.
Nang makalapit sa gawi niya'y kinilabit ko ang balikat niya, ilang beses ko pa muna itong kinilabit bago ito tuluyang lumingon sa gawi ko.
At hindi ko inaakalang kasabay ng paglingon niyang iyon ay ang pagkalaglag ng panga ko dahil sa gulat.
Gulat dahil a-ng lalaking nakita ko kani-kanina lang sa office ni ma'am at ang lalaking lugmok na lugmok sa harapan ko ay iisa.
Thunder.