NAPATIGIL ako sa balak kong paghuhubad sa polo na suot suot ko ng maramdaman ko ang pagyapos niya sa akin mula sa likod ko at ng marinig ko ang pag sambit niya sa mga katagang iyon.
"You dumbass! Close your f*****g eyes!" ang galit niyang ani sa lalaking kaharap ko—sa lalaking naging kabungguan ko.
Namutla at nataranta naman ang lalaking kaharap ko ng marinig niya ang turan nitong lalaking nakayapos sa akin, dali dali nitong ipinikit ang mga mata nito at saka dali daling napatalikod mula sa gawi ko dulot ng pagkataranta.
"Where's the restroom?!" galit niya pang tanong.
Nakita ko naman kung paano mataranta ang mga kasamahan ko rito sa caffe dahil sa tanong niyang iyon.
Kalauna'y dali daling napaturo ang mga ito sa isang partikular na lugar, sa lugar na kung saa'y naroroon ang restroom.
"T-hat way po sir," ang lakas loob na ani ni Hill, isa sa mga kasamahan ko rito sa caffe at kaibigan ko.
Naglakas loob siyang sabihin ang mga katagang iyon pero ang pagkautal sa boses ay hindi niya pa rin naiwasan. Siguro dahil natatakot siya, natatakot siya sa aura at intensidad nitong lalaking nakayapos sa akin kung kaya't hindi niya naiwasan ang pagka utal. Kunsabagay, nakakatakot nga naman itong lalaking nakayapos sa akin, sa boses pa nga lang nito'y natatakot na ako, paano pa kaya sila na pati ang galit nitong aura ay nararamdaman nila?
Umalis ang lalaking iyon mula sa pagkakayapos sa akin, nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Pero ang paghinga ko ng maluwag na iyon ay agaran rin napalitan ng pagkahigit ng hininga ng maramdaman ko ang pagdapo ng mga palad niya sa palad ko.
Napatingin ako sa gawi niya ng maramdaman ko ang padapo ng mga palad niya sa palad ko at hindi ko inaakalang gano'n gano'n na lang ang pagkalaglag ng panga ko at ang pagkalaki ng mga mata ko ng makita ko ang pagmumukha ng lalaking yumapos sa akin kanina, na ngayon ay hawak hawak na ang kamay ko.
"S-ir?" ang di makapaniwalang tanong ko habang nakatingin sa gawi niya.
Nakita ko naman kung paano umigting ang panga nito ng marinig nito ang turan ko, kasabay niyon ay ang mas paghigpit pa ng pagkakahawak niya sa kamay ko na siyang naging dahilan kung bakit ako bahagyang napangiwi.
Babawiin ko na sana ang kamay ko mula sa pagkakahawak n'ya dahil sa kadahilanang medyo mahapdi na ang kamay ko dulot ng higpit ng pagkakahawak niya rito, ngunit hindi ko na ito naituloy pa ng hilahin nito ang kamay ko patungo sa cr.
Nakayuko naman akong nagpatiuna sa mga hila niya, wala kasi akong choice kundi ang magpahila sakanya e. Wala akong choice pagkat sa pagkakataon na ito'y ramdam na raman ko na ang mga mapanuring tingin ng mga tao na nandidito sa caffe sa gawi namin.
At hindi ko inaakalang kung hindi ko mararamdamam ang mga titig na iyon ay 'tsaka ko pa lang maaalala kung nasaan kami.
Nandidito kami ngayon sa caffe, sa caffe na pinagtratrabuhan ko, sa caffe na maraming tao sa pagkakataon na ito dahil maulan, which also means maraming mga mata ang magmamatyag sa amin na ngayon ay nagmamatyag na nga.
Napahiya ako dahil sa kaisipan ko na iyon. Wala sa sariling ako'y mas napayuko pa ng maramdaman kong ang dating tingin na nagmamasid sa amin ay mas rumami pa.
Malalaki ang mga bawat paghahakbang na pinapakawalan ni Dashiel, kung kaya't ng marating namin ang gawi ng cr ay para akong nakipaghabulan sa sampung aso dahil sa hingal na nararamdaman ko.
Labis ang paghingal na ginagawa ko ng marating namin ang gawi nong cr. Ikaw ba naman ang makipaghabulan sa isang higante, na ang isang hakbang niya ay dalawang hakbang mo na, sino ang hindi hihingalin doon?
Napa angat ako ng tingin mula sa pagkakatanaw ko sa door knob ng makita ko kung paano hindi tinuloy ni Dashiel ang paghihipit sa seradura na iyon. Isang nagtatakang tanong ang ipinukol ko sakanya, nagtataka kung ano ang meron at kung bakit hindi niya itinuloy ang balak niyang paghipit sa seradura na iyon.
Tila nasagot naman ang tanong ko na iyon ng makita mismo ng dalawang mata ko kung paano siya lumingon sa gawi ni Hill, na ngayon ay nag-aalala ng nakatingin sa gawi ko.
"Give me some extra clothes for her," utos niya kay Hill, hindi ko na nakita pa ang naging reaksyon ni Hill sa sinabi na iyon ni Dashiel. Hindi ko na ito nakita pa dahil mabilisang binuksan ni Dashiel ang pintuan na nasa harapan namin at saka ako kinaladkad papasok sa loob nito.
Akala ko'y ihahatid niya lang ako dito, kaya aalis din siya agad but I was wrong. I was freaking wrong dahil imbes na umalis ito'y hinawakan nito ang magkabilaang bewang ko at saka ako nito pinaupo sa sink ng banyo.
Napahawak naman ako sa magkabilaan nitong balikat ng maramdaman ko ang pag-angat ko mula sa kinatatayuan ko.
"Stay still," utos niya pagkaupo na pagkaupo ko pa lang ng matiwasay sa sink, "I'll just find the first aid kit," dagdag pang ani niya bago ako nito tinalikuran at saka pumunta sa isang gawi nitong banyo.
Naiwan naman akong nakatulala habang di makapaniwalang nakatingin sa bulto niyang papalayo na mula sa gawi ko.
At ng tuluyan na itong makalayo sa gawi ko ay doon ko palang muling naramdaman ang hapdi na dinulot no'ng tanginang kape na iyon.
Napa-aray tuloy ako ulit. Mahapdi kasi e. Ngayon ko lang kasi muling naramdaman ang hapdi na dulot niyon, kaya ngayon lang ulit ako napa aray, na siyang ipinagpasalamat ko naman dahil kahit papano hindi ko naramdam ang hapdi na iyon kanina. And he is the reason kung bakit hindi ko ito naramdaman kanina.
May kabutihang dulot rin pala ang punyemas na iyon e no? E kasi ng dahil sakanya'y napigilan niya ako sa pagpapahiya ko sa sarili ko at ng dahil rin sakanya'y minsan ko ng nakalimutan ang hapdi na idinulot nong tanginang kape na iyon.
Segundo lamang ang lumipas bago ko muling nakita si Dashiel na papalapit sa gawi ko. Dala dala nito ang first aid kit na tinutukoy nito.
Napatitig naman ako sa mukha niya habang pinagmamasdan ko ang unti unti niyang paglapit sa gawi ko. Seryoso lamang ang mukha niya habang naglalakad papunta sa gawi ko, hindi ko alam kung bakit pero dahil siguro galit siya, galit siya dahil nasayang ko lang 'yong oras niya dahil sa katangahan ko.
Tiim bagang niyang inilapag ang first aid kit sa gilid ko. Pagkatapos ay muli nitong hinawakan ang bewang ko at saka ako ibinababa mula sa pagkakaupo ko sa sink.
Kalauna'y pinatalikod ako nito mula sa gawi nito, kung kaya't ang kinalabasan ay nakaharap na ako sa gawi ng salamin sa pagkakataong ito.
"W-hat are you doing?" ang nauutal kong tanong sakanya ng makita ko ang paghawak niya sa dalawang magkabilaang kuwelyo ng polo ko.
Napabuntong hininga ito at saka napagulo sa buhok niya ng wala sa oras, na tila ba'y bigla siyang nainis.
"Aystt!" rinig ko pang bulong nito habang ginugulo ang buhok.
Gulong gulo na ang buhok niya ng muli ko siyang makita sa pamamagitan ng salamin na nasa harapan ko. Ngunit bakit ganon? Bakit mas pumogi pa ata siya?
Unfair naman, dahil kapag ako kasi ang gumagawa sa bagay na iyon ay mas nagmumukha pa akong pangit—worst is kakatawanan.
"Take it off."
Napapitlag ako mula sa kinatatayuan ko at saka napatigil sa pagtititig sa gawi n'ya ng maramdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa leeg ko habang sinasambit ang mga katagang iyon.
"H-a?" ang nauutal ko namang tanong sakanya habang nakatitig sakanya sa pamamagitan nitong salamin na nasa harapan ko.
Sa pagkakataong ito'y medyo malapit ang mukha niya sa leeg ko habang ang mga tingin niya ay nakatuon lamang sa akin sa pamamagitan nitong salamin na nasa harapan namin. At iyon ang dahilan kung bakit ramdam na ramdam ko ang pagtama ng hininga niya sa leeg ko sa tuwing naguusap kami.
I heard him chuckled, "I said, take your polo off, honey."
Wala sa sariling kinalibutan ang buo kong katawan ng marinig ko ang turan niyang iyon. Kinalibutan ako dahil sa kadahilanang ang sexy sexy kasi ng boses niya habang sinasambit ang mga katagang iyon e, sexy na tila ba'y nang-aakit ito.
"H-a? I mean, b-akit naman?"
Nalilito ko namang tanong dito, and for the second time, he chuckled again, "So that we can treat your burn, in your chest part, honey," he answered sabay halik sa balikat ko, kasabay rin ng paglapat ng labi niyang iyon sa balikat ko ay ang paghila niya sa polo na suot suot ko pababa.
Hindi na ako nakapalag pa ng hubarin niya ng tuluyan ang polo na suot suot ko, hindi na ako nakapalag pa dahil para akong nawala sa sarili kong ulirat ng maramdaman ko ang bahagyang paglapat ng labi niya sa balikat ko, na siyang naging dahilan kung bakit nawala ako sa sariling ulirat ko.
At nang muli akong nakabalik sa sarili kong ulirat ay namalayan ko na lang na hubad na pala ang polo na suot suot ko at tanging bra na lang ang tumatakip sa dede ko.
Dali dali naman akong napatakip sa dalawang dede ko, at wala sa sariling ako'y napangiwi ng maramdaman ko ang pagtama ng mga daliri ko sa parte ng balat ko na nasunog.
Pero kahit gano'n pama'y hindi ko pinansin ang hapdi na iyon dahil ang tanging intindi ko lang sa pagkakataong ito ay ang makalayo sa gawi ng lapastangan at punyemas na ito.
Dali dali akong umalis mula sa gawi niya habang takip takip ko pa rin ang dede ko gamit ang braso ko.
Naiwan naman itong nakanganga habang nagkatingin sa gawi ko ng may pagtataka.
"Hey, where are you going?" agaran niyang tanong ng makita ako nitong umalis sa gawi niya.
"A-hmm ano," nauutal kong ani, tinaasan naman ako nito ng kilay na wari bang hinihintay nito ang susunod kong sasabihin, "Babasain ko muna ang dibdib ko gamit ang tubig para mawala ng bahagya ang hapdi bago mo lapatan ng first aid," mabilisan na dagdag ko pang sagot sa tanong niya.
Nakita ko naman kung paano kumunot ang noo niya dahil sa naging sagot ko, ngunit hindi ko na ito inintindi pa, bagkos ay dali dali akong pumasok sa isa sa mga cubicle ng cr at saka ini-lock ito.
Habol hininga akong napasandal sa pintuan pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa cr. Hahawakan ko na sana ang dibdib ko para maramdaman ang t***k ng puso ko ngunit hindi ko na ito naituloy pa ng maalala kong mahapdi pala ito dulot ng pagkapaso nito.
Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kong makatambol ang puso ko, na para bang may sampung kabayo na nagsisitakbuhan rito.
Pero isa lang ang alam ko at iyon ay ang siya ang dahilan nito—ang presensiya niya ang dahilan nito.
Damn. What is happening with me? And why the hell he is acting so weird?
The last thing I checked inis na inis siya sa akin at ganoon rin ako sakanya. Kaya bakit? Bakit ganito na lang kung makaakto siya pagdating sa akin?
Damn. This is making me insane. At bago pa man ako tuluyang mabaliw ay lumapit na ako sa gawi no'ng balde na may lamang tubig upang lagyan ng tubig ang dibdib ko, ng sa ga'yon ay mawala na itong hapdi ng dibdib ko.
Hindi ko alam kung paano at bakit pumasok sa utak ko na ang pagbabasa sa dibdib ko gamit ang tubig ay ang magpapawala sa hapdi nito, pero kahit gano'n pama'y nagpapasalamat ako, nagpapasalamat ako dahil sa kadahilanang ng dahil dito'y nakagawa ako ng rason para malayuan siya. Para makaiwas sakanya.
"Are you done?!" wala sa sariling ako'y napaigting ng marinig ko ang tanong na iyon, kasabay ng kanyang pagsambit sa mga katagang iyon ay ang pagkalampag niya sa pintuan nitong cubicle na kinaroroonan ko.
Napaayos naman ako ng ta'yo dahil doon, "H-indi pa," ang nauutal kong sagot sa tanong niya.
"What? H-indi pa?! E kanina ka pa diyan ah," rinig kong ani nito. Ang pagtataka sa boses ay mahihimigan.
"E, ano kasi—" hindi ko na naituloy pa ang balak ko ng pinutol nito ang balak kong sasabihin.
"Are you avoiding me?" tanong niya na siyang nagpatigil sa balak ko sanang sasabihin.
Nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig ko ang turan niya kasabay niyon ay ang pag awang ng bibig ko. What the hell?! Paano niya nasabi na iniiwasan ko siya? Wait! Iniiwasan ko naman talaga siya ah?
"Nahihiya ka ba sa akin?" dagdag pang tanong nito ng wala itong makuhang sagot mula sa nauna nitong tanong sa akin.
"H-indi... Hindi ah," agad kong agap sa tanong niya habang umiiling na tila ba'y nakikita niya ang pag iling ko.
"Oh, come on, honey you can't fool me, alam kong nahihiya ka sa 'kin," he chuckled.
"Hi—" I was about to deny it again pero hindi ko na ito naituloy pa ng putulin na naman niya ang balak ko sanang sasabihin.
"Don't be shy on me, honey. Dahil wala ka namang dede na maari kong pagnasaan e."
Pinamulhanan ako ng leeg papunta sa mukha ng marinig ko ang ani niyang iyon. Like f**k, what did he just said? Wala akong dede? E, anong tawag nitong dede ko? Dede ng aso? Puta ba siya.
"Hoy!—" bubulyawan ko na sana ang punyemas na iyon pero hindi ko na ito naituloy pa ng makarinig kami ng pagkatok, pagkatok mula sa main door nitong sa cr.
Kasabay ng pagkatok na iyon ay ang pagkarinig namin sa mga katagang, "Uhmm sir, andito na po yong mga damit na inutos niyo," ang ani ni Hill mula sa labas.
Narinig ko naman kung paaano napabuntong hininga ang punyemas na iyon, kalauna'y ang mga yapak nito paalis ang narinig ko na siyang ikinahinga naman ng dibdib ko ng maluwag.