Kabanata 20

2146 Words
MINUTO lamang ang lumipas simula ng makabalik siya sa gawi ko mula sa pagbubukas nito sa main door nitong cr. Hindi ko alam kung sa anong paraan niya kinausap si Hill at kung bakit ang bilis naman ata niyang nakabalik rito, but there's one thing that I am sure and that is padabog niyang pinagsaraduhan ito ng pinto. Ang lakas kasi no'ng kalabog dulot ng pagsirado niya rito e, rinig pa nga hanggang dito. "Are you done?!" Napaayos ako ng tayo ng marinig ko ang turan niyang iyon, sinabayan niya pa ito ng pagkatok sa pintuan nitong cubicle na kinaroroonan ko. "Hindi pa," sagot ko naman sa tanong nito kahit na'y ang totoo ay kakatapos ko pa lang, kakatapos ko pa lang sa paglalagay ng tubig sa bandang may dibdib ko. Natatakot kasi ako e, kaya ako nagsinungaling sakanya. Natatakot ako sa maari niyang gawin sa akin sa oras na lumabas ako sa pintuang iyan. Natatakot ako lalo na't sa pagkakataong ito'y ramdam na ramdam ko na ang inis na naramdaman niya. Hindi ko alam kung bakit siya naiinis pero siguro dahil ito sa kadahilanang ang tagal tagal ko na rito sa loob ng cr at kanina pa siya naghihintay sa labas. Mula dito sa loob ay rinig na rinig ko kong paano siya mapabuntong hininga ng malalim na tila ba'y sa pamamagitan niyon ay mas hinahabaan pa niya ang presensiya niya. "Do you really think that you can fool me, honey?" sa pagkakataong ito'y seryoso na ang boses niya. Ang kaninang mapaglarong boses niya ay biglang nawala. Ang dating mapaglarong tuno ng pananalita niya'y biglang nag seryoso. Tumayo ako ng matuwid at saka inisip ng maayos ang susunod na hakbang na dapat kong gawin. Ngunit hindi pa man ako nakakapag isip ay narinig ko na lang ang baritonong boses nito na muling dumagundong sa buong lugar. "You will open this door or I will gonna crash this down?!" he asked, this time, the irration of his voice is really visible. Bahagya naman akong natakot dahil doon. E, kasi naman nakakatakot na kasi ang boses niya e, parang 'yong sa kanina lang, yong sa muntikan na kong maghubad. Napalunok ako at saka mabilisang napaisip ng tamang paraan. At sa hindi inaasahan ay nakaisip ako ng dalawang paraan, and that choices are lalabas ako at saka siya harapin o mananatili ako rito at hihilingin ko na lang sakanyang iwanan ang first aid kit sa tapat sink ng cr at saka siya lumabas ng cr nang sa gayon ay ako na lang ang maggagamot sa sarili ko. "Marra, bubuksan mo 'to o sisirain ko ito?" ulit na tawag nito ngunit kagaya no'ng naunay hindi ko ito pinansin bagkos nga'y ipinagpatuloy ko ang naudlot kong pag-iisip. Pag-iisip sa kung saan sa dalawang choices na iyon ang dapat kung sundin. Sa oras kasi na lumabas ako'y malaki ang tiyansa na siya ang maglalagay sa first aid sa dibdib ko, at kapag nangyari iyon ay literal na nakakahiya talaga, lalo na't hindi ako sana'y na naka hubad sa harapan ng isang lalaki lalo na't sa magiging guro ko pa. So, it's a big no for me. Samantalang kung mananatili ako rito at saka ko hihilingin sakanyang iwanan na lamang ang first aid kit sa tapat ng pinto ng cubicle na ito'y ako pa mismo ang maggagamot sa bagay na iyon sa sarili ko, and it only means hindi na ako mahihiya pa dahil wala na naman pang dapat akong pag hihiyaan. Tila nagliwanag ang utak ko dahil sa ikalawang naisip 'ko. Mukhang ang ikalawang choices ang mas pabor sa akin. "Lalabas ka o sisi—" hindi ko na hinayaan pang tapusin ang gusto nitong sabihin. Pinutol ko na ito. "—Iwan mo na lang do'n sa sink ang first aid kit, pagkatapos ay maari ka ng umalis." pagpuputol ko sa balak sana nitong sasabihin. "What?" tila nagulat nitong sagot ko pagdana ng ilang segundo. "What did you said?" ulit pa nito. Napabuntong hininga naman ako dahil doon, hindi niya ba narinig ang mga tinuran ko? E, samantalang ang lakas lakas naman no'ng boses ko. "Ang sabi ko'y iwanan mo na lang sa sink ang first aid kit, pagkatapos ay maari ka ng umalis." sagot ko sa tanong niya. "B-ut—"aangal pa sana ito ngunit hindi ko na ito hinayaan pa. Pinutol ko na. "Leave sir, I don't need you," pagpuputol ko. Narinig ko naman kung paano ito napabuntong hininga ng malalim bago isinambit ang mga katagang hindi ko inaakalang sasambitin niya. Akala ko kasi'y aangal pa siya, sa itsura ba naman niyang iyon paniguradong hindi iyon pumapayag pag hindi ang kagustuhan niya ang nasusunod kung kaya't gano'n gano'n na lang ang pagkagulat ko ng marinig ko ang mga katagang isinagot niya. "Okay," he said. The tone of his voice while saying those words is like natalo siya ng ilang milyon sa lotto. Na tila ba'y pasan pasan niya rin ang mundo at pinagsakluban siya nito. I don't know why, why he is acting like that all of the sudden. Why he is acting so weird, na tila ba'y luging lugi siya dahil sa sinabi ko sakanya. Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay ang mga yapak niyang paalis ang sumunod na narinig ko. Kalauna'y ang pagbukas ng pintuan at ang pagsirado nito ang narinig ko. Isang palatandaan na tunay ngang umalis na siya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa narinig ko na iyon. Nagpalipas pa muna ako ng ilang minuto sa loob ng cubicle bago ko napagpasyahang lumabas. Naninigurado lang kasi ako na wala na talaga siya rito sa loob ng cr at hindi niya lang ako pinagloloko. At ng wala pa rin akong narinig kahit na'y ilang minuto na ang lumipas ay doon ko pa lang napagpasyahan lumabas mula sa cubicle na pinagtataguan ko. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay ang tahimik na atmosphere na agad ang bumungad sa akin, isang palatandaan na ako na lang talaga ang nag-iisa rito sa loob. Lumapit ako sa gawi ng sink at saka sinimulang gawin ang dapat kung gawin. Sa kalagitnaan ng paggagamot ko sa paso na natamo ko'y may kung anong mariin at maiinit na pagtitig akong naramdaman na siyang naging dahilan kung bakit ako napatigil sa ginagawa ko. At ng tignan ko ang salamin na nasa harapan ko'y wala sa sariling ako'y sunod sunod na napalunok ng makita ko ang taong may ari ng mga titig na iyon. At mas lalo pa akong napalunok ng makita ko ang pagsilay ng isang malagim na ngiti sa mga labi nito. He looks like a psycho with those smile. A psycho na tila ba'y papatayin ako. Sa kaisipang iyon ay kinabahan ako. At dahil doo'y dali dali akong napaharap sa gawi nito. "A-kala ko bay n-akalabas ka na," ang nauutal kong ani sakanya habang pinagmamasdan ko ang unti unti niyang paglapit sa gawi ko. Isang matamis na ngiti naman ang isinagot nito sa tanong ko, sinabayan niya pa itong ng pag tawa habang humakbang palapit sa gawi ko. Samantalang ako nama'y unti unting ng napapa atras dulot ng kaba na nararamdaman ko. Wala sa sariling ako'y napalunok at saka kinabahan ng mas matindi kesa sa nauna ng maramdaman ko ang pagtama ng katawan ko sa sink, isang palatandaan na wala na akong maatrasan pa. At ang paglunok ko na iyon ay nasundan pa ng ilang paglunok ng makita kong ilang dipa na lang ang layo namin mula sa isa't-isa. "D-iyan ka lang," ang nauutal ko na utos sakanya habang pinagmamasdan ang paglapit niya. At imbes na sundin ang utos ko'y mas humakbang pa ito palapit sa gawi ko. "D-iyan ka lang," ulit ko pa, umaasa na sana'y sa pagkakataong ito'y makikinig na siya sa tinuran ko. But being him, a punyemas guy, he never listened. Dahil imbes na sundin ang utos ko'y mas linakahin pa nito ang mga paghakbang nito, making the distance between the two of us gone. Ang ilang dipa na layo na kung noo'y namamagitan sa amin ngayon ay wala na. Na siyang naging dahilan kung bakit para na akong malulumpo dahil sa lakas ng pangangatog ng mga tuhod ko. Mabuti na lang at naroon ang sink na maari kung pagkuhanan ng lakas. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kung maka epekto siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kung makapangatog ang tuhod ko dahil sa kanya. At hindi ko rin alam kung bakit siya ganito kung makaasta, e samantalang nilinaw ko naman sakanya kanina pa na umalis na siya dahil hindi ko na naman siya kailangan pa. Kaya bakit pa siya naririto? Bakit pa niya ko pinaniwala na umalis na siya sa pamamagitan ng pagbukas at pagsira kuno sa pinto? Bakit pa siya naririto, e samantalang nilinaw ko na naman sakanya na hindi ko na siya kailangan pa. Huwag mo sabihing, hindi niya naintindihan ang sinabi ko sakanya kanina kaya siya narito pa rin? Wala sa sariling ako'y napailing dahil sa naisip. Napailing ako dahil napakaimposible talaga niyon e, napakaimposibleng mangyari ang bagay na iyon lalo na't si ma'am Buenaventura na nga mismo ang nagsabi sa amin tungkol sa achievement niya sa buhay, kaya napakaimposibleng hindi nito naintindihan agad ang tinuran ko. Wala sa sariling ako'y napatingala ng maramdaman ko ang bahaya niyang pag-ayos sa ilang buhok na nasa noo ko, at hindi ko inaakalang sa pag-angat ko ng tingin na iyon ay ang pag tatagpo ng aming mga mata. Ang mata niya na kung saa'y punong puno ng intimidad na titig. "W-hat are you doing?" ang nauutal ko na tanong sakanya. Tila natauhan naman siya dahil agad agad niyang ibinaba ang mga kamay niya mula sa pagkakahawak sa buhok ko. Mula sa buhok ko'y lumipat ang mga kamay niya sa likod ko na siyang naging dahilan kung bakit ako mas napalunok pa, ang pagitan kasi naming dalawa ay mas lumiit pa, tumatama na nga ang binti niya sa tuhod ko e dahil sa ginawa niyang iyon. "W-hat are you doing?" tanong ko ulit sakanya. Ang uneasyness na nararamdaman ay hindi ko na masukat pa. "Sir, I am asking you," ani ko pa. Habang pilit na umaasa na sana'y sa pagkakataong ito'y sasagutin na niya ang tanong ko. Pero mukhang sa pag-asa lang talaga ako dahil imbes na sagutin ang tanong ko'y ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa nitong pagkalikot sa kung anong bagay na nasa likod ko and the worst part is that yumukod siya ng kaunti na siyang naging dahilan kung bakit ko nararamdamam ang pagtama ng hininga niya sa leeg ko. "S-ir—" I was about to asked the same question on him, ngunit hindi ko na ito naituloy pa ng maramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa labi ko na siyang naging dahilan kung bakit manlaki ang mga mata ko at ang mga mata niya. Na tika ba'y pareho kaming dalawa nagulat sa biglaang nangyari. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa mga mata niya habang magkalapat pa rin ang mga labi namin sa isa't-isa. At doon ko nakita ang unti unting pagpikit ng mga nanlalaki niyang mga mata, na tila ba'y dinamdam niya ang labi ko sa labi niya. At tama nga ako sa hinala ko na iyon dahil naramdaman ko na lang kinalaunan ang pagsimulang paggalaw ng labi niya sa labi ko. Tila natauhan naman ang buong katawan ko dahil sa ginawa niyang iyon dahil nagawa ko siyang sampalin at saka itulak palayo sa akin, na siyang naging dahilan kung bakit naputol ang halik niya sa akin. "What that's for?" galit kong tanong sakanya. Habang pilit na pinipigilan ang sarili na huwag mag wala kahit nay galit na galit ako. E kasi naman, sino ba ang hindi magagalit kung hinalikan ka na lang ng walang pasabi ng punyemas na iyon at ang masama pa niyon ay ang first kiss ko ang halik na iyon. First kiss ko ang ninakaw niya na iyon. "What that's for?" ulit ko pa na tanong sakanya ng wala akong makuhang sagot mula sa nauna kong tanong sakanya. Nag-iwas siya ng tingin dahil sa tanong ko na iyon. Kalauna'y nagbaba siya ng tingin atsaka humakbang palapit sa gawi ko. Napakuyom naman ang kamao ko dahil doon. "Sir, tinatanong kita, para saan ang halik mo na iyon?" ulit ko pa na tanong sakanya, pilit na hinahabaan ang pasensiya ko kahit nay sa totoo lang ay gustong gusto ko ng bigwasan ang pagmumukha niya. "Sir—" hindi ko na naituloy pa ang balak ko pa sanang sasabihin ng maramdaman ko na lang ang pagdapo ng mga daliri niya sa labi ko sabay bulong sa mga katagang, "Shh," ang pagpuputol niya sa balak ko pa sanang sasabihin na siya namang naging dahilan kung bakit hindi ko naituloy pa ang balak ko pa sanang sasabihin. "It was just accident," dagdag pang ani niya, ang tinutukoy ay 'yong naunang halik niya, "But this..." hinalikan niya ako ulit. "..is not."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD