NAIWAN akong nakatulala habang nakatitig sa mga mapupula niyang labi na kani kanina lang ay kumuha sa una at ikalawang halik ko.
Literal na natulala talaga ako at tila nawala ako sa sarili ko ng halikan niya ako. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa ang bagay na iyon. Kung bakit niya ako hinalikan. Kung bakit niya ginugulo ang isipan ko. Hindi ko alam! Wala akong ka alam-alam at mukhang ito ang magiging dahilan ng pagkabaliw ko.
Tila nawala ako sa sarili ko matapos niyang akong halikan, tila nawala ang espirito ko sa katawan ko dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin.
Should I slapped him because he just stole my first kiss? Should I kill him because hindi pa siya nakuntento sa una at humirit pa talaga siya ng ikalawa? Or should I cursed him loud and so bad? I don't know! Hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin at kung ano ang dapat kung i-react.
Kung magalit ba ako sakan'ya o hindi. Pero isa lang talaga ang malinaw sa utak ko at iyon ay ang bakit niya 'ko hinalikan? Bakit niya hinalikan ang labi ko?
Wala sa sariling ako'y napahawak sa labi ko dahil sa kaisipan ko na iyon. Minuto na ang lumipas magmula ng mawala ang pagkakalapat ng labi niya sa labi ko, pero heto't nakatulala pa rin ako na tila bay ninakaw ng kung nino man ang lahat ng enhibisyon na nasa katawan ko.
Kung hindi ko pa naramdaman ang pagdapo ng mga palad niya sa bewang ko'y hindi pa ko makakabalik sa sarili ko.
Napahawak ako sa dalawang kamay niya na nakahawak sa bewang ko ng maramdaman ko ang paghawak niya rito. Kalauna'y tiningala ko siya at saka pinukulan ng isang nagtatakang mga tingin.
Nagtataka kung bakit niya hinawakan ang bewang ko at kung bakit niya ko hinalikan kanina?
Tila nasagot ang nauna kong tanong na iyon ng maramdaman ko ang bahagya niyang pag angat sa akin gamit ang bewang ko. Kalauna'y pinaupo niya ako sa sink at saka kinuha ang first aid kit na kani-kanina lang ay kinakalikot niya sa likod ko. Yes ang first aid kit ang kinakalikot niya kanina sa likod ko, na siyang naging dahilan kung bakit naglapat ang mga labi namin.
Nalagyan ko na ng petroleum jelly 'yong paso ko kung kayat hindi na ako nagtaka pa ng makita ko kung paano siya kumuha ng sterile bandage sa first aid kit.
He was about to put those sterile bandage sa bandang may dibdib ko ng pigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa palapulsuhan niya.
Pinigilan ko siya sapagkat tanging bra na lang ang suot suot ko ngayon at ghad nakakailang. Nakakailang knowing that he is a man, and he have the free access to saw my boobs. At mas lalo pa akong naiilang dahil sa kaisipang he just kissed me lately, he just stolen my first kiss and second kiss.
"Ako na," pigil ko sakan'ya habang nakahawak sa palapulsuhan niya.
Hinawakan niya naman ang kamay kong nakahawak sa palapulsuhan niya, "No, ako na," tanggi naman niya sabay alis sa kamay kung nakahawak sa palapulsuhan niya.
Ilalagay na sana niya iyon ngunit hindi na niya ito naituloy pa ng mabilisan kung iharang sa bandang dibdib ko ang mga braso ko, na siyang naging dahilan kung bakit napatigil siya at kung bakit ako bahagyang napangiwi.
Medyo kumirot kasi yong paso ko ng masagi ng braso ko yong paso ko e.
Napabuntong hininga naman ang lalaki na nasa harapan ko dahil doon, napabuntong hininga siya ng malalim na tila ba'y sa pamamagitan niyon ay pilit niyang hinahabaan ang presensiya niya, "Alisin mo yan, Marra," utos niya.
But me, being a hard headed woman hindi ako nakinig, "I won't," matigas kong ani sakanya, umaasa na sana'y maiintindihan niya ako.
Hindi lang umaasa, aba'y dapat lang na maintindihan niya!
Hindi ko alam kung ano ang nakain ng punyemas na ito at kung bakit gustong gusto niyang siya mismo ang gumawa sa bagay na iyon, kung bakit gustong gusto niya na siya mismo ang maglagay ng sterile bandage na iyon sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero may hinala ako kung bakit. At iyon ay ang para maka chansing! Para ma chansingan niya 'ko! Sa pamamagitan ng pagtitig sa dede ko habang linalagyan ng bandage ang dibdib ko.
Sa kaisipang iyon ay umusbong ang bolbol ko sa katawan dahil sa galit. Sa galit na hindi pa talaga siya nakuntento sa pagnanakaw sa unang halik at ikalawang halik ko't ngayon ay may plano pa talaga siyang chumansing sa akin. Aba'y piste lang!
May batas ba na puwede kong maisampa sakanya dahil sa pagnanakaw sa unang halik ko? Kasi kung oo, nararapat lang ang isang ito na sampahan ng kasong iyon.
Because he is a damn thief! He just stole my first kiss kasi e.
"Let me do it, Marra," sa pagkakataong ito'y nangungusap na ang tuno ng pananalita niya kaya mas lalo ko pang napatunayan doon na tam nga ako. Na tama nga ako sa hinala kung gusto niyang chumansing sa akin.
E kasi naman kung hindi ang pagcha-chansing ang pakay niya sa akin ba't parang eager na eager siyang lagyan ng bandage ang dibdib ko?
Mas lalo pang umusbong ang galit sa puso ko dahil sa kaisipang kong iyon. May pa sabi sabi pa siyang don't be shy on me honey, dahil wala ka namang dede na maari kung pagnasaan e.
Pero 'yon pala ang gago pinagnanasaan na talaga ako! Piste niya!
"Ayoko," matigas at madiin kong ani sakanya.
"Please?" pangungulit niya sabay hawak sa balikat ko.
Itinaboy ko naman ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko at saka siya pinanlisikan ng mga mata, "Ayoko nga sabi e, at saka isa pa, ano—"
Hindi ko na naipagpatuloy pa ang pag ra-rant ko sakan'ya ng makarinig ako ng pagkatok na siyang umagaw sa atensiyon ko.
Napatingin ako sa gawi nong pintuan ng marinig ko ang pagkatok ng kung nino man dito. Napatingin naman ang lalaking kaharap ko doon.
"Sir kanina pa po kayo pinapalabas ng mama mo," ani nong boses sa labas na sa palagay ko'y si Hill ang may-ari.
Narinig ko naman kung paano mapabuntong hininga ng malalim si Dashiel dahil doon, bago padarag na muling inilagay ang sterile bandage sa first aid kit.
Kalauna'y ang sunod sunod na pagmumura nalang nito ang narinig ko, "Damn that old hug!" I heard him said bago sinagot ang tawag na iyon ni Hill.
"Sabihin mo sakan'ya na papunta na 'ko," ani niya bago muling bumaling sa gawi ko,
"Make sure to treat that f*****g burned, honey because I can't make it," sabi niya bago ako iniwan ng nakatulala.
Naiwan akong nakatulala habang nakatingin sa pintong nilabasan niya. Naiwan akong nakatulala habang di makapaniwala sa mga narinig ko mula sa labi niya.
Hindi sa mga huling kataga na sinabi niya ako natulala. Kundi sa nauna pang sinabi niya, ang mga katagang damn that old hug!
Naiwan akong nakatulala pagkat hindi ako makapaniwala na narinig ko mismo ang mga katagang iyon mula sa bibig niya. Hindi ako makapaniwalang nagawa niyang murahin ang sarili niyang ina na siyang nagluwal sakan'ya. Hindi ako makapaniwalang ang taong nagpakahirap ng siyam na buwan para lang mabuhay siya'y nagawa niyang babuyin.
Hindi ako makapaniwala pagkat paano niya nasambit ang mga katagang iyon na tila ba'y wala lang ito sakaniya?
At hindi ko rin alam kung bakit ko ba prinoproblema iyon, pero siguro dahil ito sa kadahilanang, family oriented ako. Lumaki ako na may paggalang sa mama ko at sa lola ko. Kaya siguro ako umaakto ng ganito.
Damn that jollibee chicken flag!
Nakayuko akong lumabas mula sa cr matapos kung gamutin ang sarili ko. Suot suot ko na sa pagkakataong ito ang bagong damit na ibinigay sa akin.
Nakayuko 'kong inihakbang ang mga paa ko palayo sa gawi nong cr. Nakayuko ako pagkat hinahanda ko lang ang sarili ko sa atensiyong maaring makuha ko pagkarating na pagkarating ko palang doon.
Nakayuko ako kung kaya't hindi ko napansin na may tao na palang nakaantabay sa akin..Namalayan ko na lang ito ng higitin nito ang palapulsuhan ko sabay higit sa akin papasok sa isang kuwarto.
Pagtingala ko ay doon ko nakita si Hill, nagkasalubong ang kilay nito habang nakaigting ang pangang nakatitig sa gawi ko, "What did he do to you?" Hill asked, sinuri niya pa ang buong kabuuan ko. Na tila ba'y may hinahanap siya sa katawan ko.
"N-othing," sagot ko naman sakan'ya habang pilit na binabaklas ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko.
Muli ako nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, kalauna'y napabuntong hininga ito, "Kakilala mo ba iyon?" tanong nito sa akin bago tuluyang binitawan ang kamay kung hawak hawak niya.
Umiiling ako bilang tugon sa tinuran nito, totoo naman 'di ba? Hindi ko naman talaga 'yon kilala e, I only know his name, his achievement pero hindi ko kilala ang tunay na siya at ang tunay niyang ugali, I don't even know kung saan siya nakatira at kung saan sino ang mga magulang niya, kung kaya't stranger pa rin siya para sa akin.
Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano muling umigting ang bagang ni Hill ng marinig ang tinuran ko, "Kung ga'yon, why the hell he is acting like that?" tanong niyang muli.
I shrugged for the second time, kasi ako rin mismo ay hindi alam kung bakit siya umaakto ng ganoon, kung bakit siya umakto na tila ba'y napaka protective niya sa akin, at do'n naman sa loob ng cr hindi ko rin alam kung bakit ganoon na lang ang inakto niya doon, una, naging protective siya, pangalawa, naging maalalahanin siya, ikatlo, nagalit siya tas kinalaunan parang sinakluban siya ng langit at 'yong pang huli bakit niya ako hinalikan.
Hindi ko alam, wala akong ka alam-alam kung bakit siya umakto ng ganoon, e samantalang hindi ko naman siya kilala. Yes I know his name, but not his being him. Kung kaya't bakit umakto siya ng ganoon?
Hill hands turned into fist ng makita niya ang sagot ko. At ng tinignan ko ang mga mata niya ay doon ko nakita ang nag aapoy na emosyon ng mga mata niya.
Ang kaninang Hill na nanginginig sa takot na parang bakla ng tanongin siya ni Dashiel kung nasaan ang gawi nong cr, ngayon ay nawala at napalitan ng galit. Nagtaka tuloy ako kung bakit naging ganoon na lang ang inakto niya. Bigla bigla kasing nagbago e, parang 'yong kay Dashiel lang.
Pero ang kaibahan nga lang—ay wala palang kaibahan dahil parehong hindi ko sila mabasa. Pabago bago ng emosyon e. Parang mga psycho at timang. Nakakapagtaka tuloy.
At hindi ko inaakalang mas magtataka pa ako ng bigla bigla na lang ako nitong hinigit papunta sa mga bisig niya sabay bulong sa mga katagang,
"Damn that man! Mukhang dadagdag na naman 'yon sa magiging karibal ko!"