THAT was a long and tiring night.
Ang mga katagang iyon ay ang tanging madedepina ko sa gabi ko kagabi.
Long and tiring day sapagkat pinagalitan kasi ako no'ng manager namin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kusina.
Dahil late na nga raw ako, gumawa pa ako ng eskandalo. Medyo masasakit ang mga katagang ibinato ni Sir Manager sa akin kagabi, pero ayos lang naman. Keri naman. Total kasalanan ko naman iyon e, kaya walang dapat na ipag-alala.
Matapos ang yakapan session ni Hill sa akin kagabi ay agad naman kaming bumalik sa kusina upang tumulong doon, pero imbes na makatulong agad ako ay hindi nangyari iyon pagkat ang bunganga—ang mga masasakit na salita agad ni Sir Manager ang bumungad sa akin.
Pinagalitan muna ako nito bago ako nito hinayaang magtrabaho.
Sa loob ng ilang oras na pagtratrabaho ko kagabi'y naging busy ako, kung kaya't hindi ko na naitanong pa kay punyemas ang mga katagang gusto kong itanong sakanya. Naging busy ako kagabi, to the point na hindi ko man lang namalayan ang pag-alis nito sa caffe. Ni anino nga nito matapos ang tagpo sa cr ay hindi ko na nakita, ang pag-alis pa niya kaya?
Dinagsa kasi ng costumers ang caffe kagabi kung kaya't hindi ko namalayan ang pag-alis niya at ang anino nito. Dinagsa ang caffe kagabi dahil sa kadahilanang maulan, at sa tuwing maulan ay aasahan mo na talagang dadagsa ang costumers sa caffe para magpa-init.
Nakakapagtaka nga e, e kasi naman kung nilalamig sila, ba't hindi na lang sila magpainit ng tubig gamit ang mga takore nila, bakit kailangan pa talaga nilang lumabas at gumastos para lang makainom ng kape?
Mga mayayaman talaga e no, minsan hindi mo maiintindihan ang trip sa buhay.
Tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa katre ko upang pumasok na sa trabaho.
Gusto ko pa sanang matulog at humilita buong araw sa katre ko, kaso bawal. Bawal dahil sabado ngayon at kapag sabado ay may trabaho ako, kahit na'y gusto ko pang humilata kasi sembreak.
Bawal, dahil kung hindi ako kikilos saan kami pupulutin? Saan kami makakakuha ng perang pangkain namin? At higit sa lahat, saan ako makakakuha ng pang bayad ko sa tuition para sa susunod na sem at pang noche buena namin?
'Di ba, wala akong mapagkukunan? Kung kaya't kahit na'y gustong gusto ko pa talagang matulog ulit ay hindi ko na lang ginawa. Bumangon na lang ako at saka sinimulang gawin ang ritwal ko sa katawan.
Hindi na gaano kahapdi ang paso na natamo ko kagabi kung kaya't hindi ako nahirapan pang hubarin ang damit na suot suot ko, pero kahit ganon pama'y nanatili pa rin roon ang pulang marka na iniwan ng iyon kagabi.
Matapos gawin ang ritwal ko sa katawan ay bumaba na ako sa unang palapag nitong pinagdagpi dagpi naming bahay.
At kagaya no'ng mga nagdaan ay si lola na naman sa kusina ang nadatnan ko, nagluluto ng pagkain habang kinakanta ang paboritong musika niya na ang luma luma na.
At kagaya rin nong mga nagdaan ay nakalimutan pa rin ako nito, nakalimutan pa rin ako nito kung sino ako sa buhay niya, naalala lang ako nito ng sabihin ko sakan'ya ang mga katagag,
"Lola ako po 'to si Marra 'yong apo ko."
Ilang minuto muna ang nagdaan bago ako nito nakilala, napailing na lang tuloy ako dahil habang nagtatagal ay mas lalo pang lumalala 'yong sakit ni Lola.
Nawawalan na tuloy ako ng pag-asa sa gamot na iniinom niya. Imbes kasi na matulungan nito si Lola na mabawas bawasan 'yong pagiging makakalimutin niya, mas tumitindi pa ang pagiging makalimutin nito.
Noon kasi, minuto lamang magmula ng sambitin ko ang mga katagang iyon sakan'ya ay naaalala na niya ako, samantalang ngayon naman ay tatagal pa ng limang minuto bago ako nito maaalala.
Naiingit tuloy ako sa paborito niyang kanta kasi mas mabuti pa iyon dahil naaalala niya, samantalang ako'y hindi.
Inaamin ko, Lola's girl ako, sakan'ya kasi ako lumaki e. Kung kaya't hindi ko talaga naiiwasan na huwag masaktan sa tuwing hindi niya ako naaalala.
Lola is the one who taught me what is the importance of a family. Si lola rin mismo ang nagturo sa akin kung paano maging family oriented.
Kung kaya't ng marinig ko ang mga katagang isinambit kahapon ni Dashiel, medyo na down talaga ako. Yong natitirang respesto ko para sakan'ya ay nawala dahil sa sinabi niya.
'Yong natitirang respeto ko na naiwan mula sa pagkuha niya sa una at ikalawang halik ko ay nawala dahil sa mga sinabi niya kahapon. Kung kaya't naubos na talaga ang respeto na natitira ko para sakan'ya.
Magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan niya kung bakit niya ako hinalikan at kung bakit kung makaakto siya kagabi ay concern na concern siya sa akin.
Actually, ang balak ko sana kagabi'y tatanongin ko siya kung para saan iyong mga halik niya, pero hindi ko na ito naituloy pa dahil hindi na ako nakapag break dahil sa rami ng tao kagabi.
Matapos kumain ay tumayo ako sa kinauupuan ko at saka pumunta sa gawi ni lola upang yakapin ito at halikan ang pisnge nito.
Ilang minuto ko rin muna itong linambing bago ko napagpasyahang umalis na para sa trabaho ko. Kagaya no'ng nakaraan ay inihabilan ko kay Aling Bebang si lola. Pumayag naman ito sa ikaraming pagkakataon na siyang ikipinagpasalamat ko.
'Pangako aling bebang, kapag ako yumaman, dadalhin rin kita sa pagyaman ko.' ang bulong ko sa kawalan bago sinimulan ang paglalakd papunta sa karenderiya.
Dahil sembreak na, 8 hours akong mag duduty sa carenderia. Iyon kasi ang nakapagsunduan namin ni Madam kahapon e. Ayos lang naman sa akin dahil 'yong magiging sahod ko ay magiging kagaya nong kay Ate Elen. Minimum Wage.
Pagkatapos ng 8 hours ay pupunta ako sa car wash upang sumadline ng kaunti, pagkatapos nong sa car wash ay pupunta ako sa caffe para magtrabaho.
Ang mga iyon ay ang schedule ng gagawin ko sa araw na ito. At mukhang ang araw ko na ito ay magiging kagaya no'ng kahapon, Long and Tiring day.
Nang marating ko ang carenderia ay kaunti lamang na costumer ang bumungad sa akin, kaunti lang since wala ng pasok.
Mostly kasi, 'yong mga estudyante lang sa school namin ang kumakain rito at 'yong ilang trabahador no'ng construction site sa tapat. Kung kaya't hindi na ako nabigla pa ng makita kong kaunti lang ang tao ngayon, kasi gaya nga ng sinabi ko'y walang pasok ngayon.
"Good morning, Madam," ang bati ko kay Madam pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa carenderia.
Isang tingin mula ulo hanggang paa lamang ang isinagot nito sa bati kong iyon bago nito muling ibinaling ang tingin sa kino-compute nito gamit 'yong calculator.
Napakibit balikat na lamang tuloy ako dahil doon, bago tinungo ang daan papunta sa kusina..
Hindi ko na lang pinansin ang naging reaksiyon na iyon ni Madam sapagkat hindi na naman bago iyon sa akin, hindi na iyon bago sa akin lalo na kapag wala siya sa mood or galit siya. Kung kaya't ipinagpatuloy ko na lang ang naudlot kong paglalakad papasok sa loob no'ng kusina.
Si Ate Elen na busing busy sa pagluluto at 'yong dalawang kasamahan naming lalaki ang unang nabungaran ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kusina.
Naghahanda ang mga ito sa pagdagsa ng mga costumer namin mamaya-maya lang. Break time kasi no'ng mga nagtratrabaho sa construction site kung kaya't paniguradong dadagsain na naman itong carenderia.
Sa tuwing break time kasi'y dito sila pumupunta para mag snack, ewan ko nga kung bakit e, pero siguro dahil ito sa lasa ng luto ni Ate Elen. Sa lasa na kung saa'y binabalik-balikan nila.
"Good morning," ang bati ko sakanila gamit ang pinasaya kong boses.
Pare-pareho namang napalingon ang mga ito sa gawi ko matapos kung sambitin ang mga katagang iyon, "Good morning Marra the Mars."
Wala sa sariling ako'y napasimangot bago napailing sa gawi ni Jason ng marinig ko ang tinuran nito. Ang sagwa sagwa na nga kasi ng pangalan ko e, pero mas pinasagwa pa ng gago.
Hindi ko alam kung ano ang nakain ni mama noon at kung bakit niya ipinangalan sa akin ang Marra. Ang rami rami naman kasing puwedeng pangalan na puwede niyang ipangalan sa akin e. Maari niya akong pangalanan na Mercy kagaya no'ng sakanya pero hindi niya ito ginawa. Bagkos ay ang ipinangalan niya sa akin ay Marra na katunog no'ng Mars.
'Yan tuloy palagi tuloy akong inaasar ng gagong Jason na iyon na Marra the Mars.
Isang tawa ang nakapagpabalik sa akin sa sariling ulirat ko, ang tawa na nagmumula kay Ate Elen na tila ba'y tawang tawa ito dahil sa ginawang pang-aasar no'ng Jason na iyon sa akin.
Mas pa lalo tuloy akong napanguso dahil doon. Binelatan naman ako no'ng gagong si Jason na parang bata na mas naging dahilan pa kung bakit ako mas nainis sakan'ya.
Mabuti na lamang at tinawag siya ni Madam sa labas kasi pag nagkataong nanatili pa siya rito, hindi ako magdadalawang isip na ibato 'tong bag na dala-dala ko sakanya. Naiinis na kasi talaga ako sakan'ya e.
Nang makita ko ang gago na nakalabas na'y 'tsaka ko pa lang tinungo ang gawi no'ng lababo upang hugasan ang mga hugasin na nakaantabay roon.
ALAS TRES na ng hapon ng ako ay umalis sa carenderia. Sakto lamang ang oras na iyon para sa ikalawang raket ko.
Dala-dala ang bag ko'y tumawid ako sa kabilang bahagi ng kalsada upang doon maghintay ng masasakyan patungo sa car wash na pagtratrabahuan ko.
Tumawid ako sa pedestrian lane, sa pedestrian lane na kung saa'y muntikan na akong mamatay dahil sa punyemas na iyon.
Ang bilis bilis kasing magpa-maneho ng punyemas na iyon e, muntikan na tuloy akong ma-deads dahil doon, mabuti na lamang at naka break ang punyemas na iyon, kasi kung hindi'y paniguradong patay na ako ngayon.
Nang makatawid ay agaran kung tinungo ang gawi nong jeepney stop at doon naghintay ng masasakyan. Ilang minuto muna akong naghintay bago tuluyang nakasakay.
Medyo malapit lang ang car wash na pagtratrabahuan ko kesa sa caffe na pinagtratrabuhan ko rin tuwing gabi, kung kaya't minuto lamang ang lumipas ay narating ko na ang lugar na iyon.
Nagbayad muna ako bago bumababa. Nang makababa ay si Kuya Noel agad ang naabutan ko na ngayon ay busing busy sa paghuhugas ng sasakyan.
Lumapit ako sa gawi nito at saka ito binati, "Boss!" agaw ko sa pansin nito.
Lumingon naman ito sa gawi ko, "Oh, ikaw na pala iyan iha," ang nakangiting ani nito bago pinatay ang hose na dala dala.
Ibinababa nito ang hose na dala dala nito at saka lumapit sa gawi ko.
Nang makalapit siya sa gawi koy nagmano ako sakanya, isang tapik sa balikat naman ang isinagot nito sa pagmano ko na iyon.
"Tamang tama ang pagdating mo iha, lalo na't mukhang rarami ang costumer natin ngayon dahil sa gaganaping drug race mamaya," nakangiting ani nito.
Nagtatakang napa-angat naman ako ng tingin dahil sa tinuran nito, "Ho?" taka kong tanong rito.
Anong drug race ang tinutukoy niya? 'Yong paligsahan ng mga shabu o yong paligsahan ng mga sasakyan? Kalito naman, bat naman kasi drug race 'yong pangalan? Wait—anong drug race, Marra? Drag race, kamo.
Napailing ako dahil sa naisip. Iba talaga pag sabog ka dahil sa trabaho, kung ano-ano na lang ang naiisip mo.
"Drag race? Saan naman po 'yon?" dagdag ko pang tanong sakanya.
Ngumisi siya, "Do'n sa kabilang kanto, gusto mong sumama mamaya?" tanong niya sa akin.
Napatango ako bago sunod sunod na umiling. Tumango ako para sa unang tinuran niya, umiling naman ako dahil sa yaya niya sa akin.
"Hindi po, may trabaho pa po kasi ako sa gabi e," sagot ko sakan'ya.
"Ganoon ba?"
Tumango ako, "Sige sige basta sa susunod sumama ka ah, maraming lalaki don," nang-aasar at nakangiting ani ni Kuya Noel sa akin. Napanguso naman ako dahil doon.
E kasi naman anong meron kung maraming lalaki roon? E hindi naman ako mahilig sa mga lalaki. Ito talagang si Kuya Noel kung ano-ano na lang ang pinagsasabi.
Pinsan ni Kuya Noel si mama kung kaya't parang anak ang turing niya sa akin at kung kaya't na rin ganito lang ito kung makapang asar sa akin.
"Joke lang," tumatawang ani nito, "Gusto lang naman kasi kitang magkajowa, eighteen ka na kasi pero ni isang beses ay hindi ko pa narinig na nagkajowa ka, samantalang yong isang pinsan mo, si Marga ayon buntis na."
Mas lalo pa akong napanguso dahil doon, "Si Marga po kasi iyon tito, hindi ako," nakanguso kong ani nito. "At saka isa pa po, marami pa akong pangarap no," dag-dag ko pang ani rito.
Wait—sino ba 'yang si Marga, Kuya Noel? Di ko kasi kilala e.
Gusto ko sanang idagdag ang mga katagang iyon sa mga naunang kataga na sinabi ko sakan'ya, ngunit hindi ko na lang iyon itinuloy baka kasi masapok niya ako e. Masapok dahil pinsan ko 'yong tao pero hindi ko kilala, baka ano pa masabi nito 'pag nagkataon.
Isang ngiti ang kumuwala sa labi nito bago muling tinapik ang balikat nito, "Aasahan ko 'yan ah?" nakangiti nitong tanong. Tumango naman ako.
"Sige sige, magbihis ka na at baka mabasa iyang suot suot mong damit mamaya," ani nito sa akin na siyang sinunod ko naman.