SUOT-SUOT ko na ang uniform ko sa carwash ng ako'y lumabas mula sa cr.
Agad akong lumapit kay Kuya Noel upang magpaturo sakan'ya kung ano ang dapat gawin. Nakalimutan ko na kasi e. Last year pa kasi 'yong huli kong pagtratrabaho rito e, kaya ganoon.
Tinuruan naman ako nito na siyang ikipinagpasalamat ko naman. Hindi ko alam kung bakit siya lamang ang mag -isa rito at kung bakit hindi na siya nagtangka pang humanap ng katulong rito e samantalang ang lakas lakas nitong car wash niya.
Maraming costumers ang car wash niya—dinadagsa nga ito minsan e, ito lang kasi ang nag-iisang car wash na naririto sa lugar na ito, kaya siguro ganoon.
Sa sobrang lakas nito'y hindi ko alam kung bakit hindi siya nag hire ng iba pang tauhan.
"Kuya Noel, bakit hindi po kayo nag hire ng pernamenteng tauhan para sa car wash mo?" tanong ko sakan'ya ng hindi ko napigilan ang matabil kong dila na huwag sambitin ang mga kataga na iyon dulot ng pagtataka, "E, samantalang ang lakas lakas naman nitong carwash mo?" dag-dag ko pang tanong rito.
Nag-angat ito ng tingin sa akin, "Tumutulong kasi rito minsan si Kuya Silva mo kaya hindi na ako nag-abala pang maghanap ng tauhan," sagot nito sa tanong ko.
Napatango naman ako. Ahh... kaya naman pala, tumutulong naman pala si Kuya Silva rito. Si Kuya Silva ay 'yong nag-iisang anak niyang lalaki na wala rin ibang ginawa kundi asarin ako.
Nang maturuan na niya ako at ng malaman ko na ang mga basic steps on how to clean a car ay agaran ko ng nilinisan ang sasakyan na naka-antabay sa akin.
I cleaned it and after a minutes, natapos ko rin ito.
Matapos kong malinis ang unang sasakyan na naka-ntabay sa akin ay sinunod ko ang ikalawang sasakyan na naka-antabay sa akin.
Dala-dala ang timba at ang gamit pang linis, tinungo ko ang ikalawang sasakyan na dapat kong linisan.
Gamit ang hose ay pinaliguan ko muna ang sasakyan gamit ang tubig bago ko ito pinaliguan ng sabon.
Kalauna'y sinimulan ko na itong kuskusin. I scrub the every part of it really really well.
Sa kalagitnaan ng aking pagkukoskos sa bintana no'ng sasakyan ay may isang magarang motorsiklo ang dumating sa car wash.
Hindi ko alam kung anong klaseng motorsiklo iyon, hindi naman kasi ako ganoon ka maalam pagdating sa mga motorsiklo, maalam lang ako pagdating sa mga sasakyan. Pero kahit ganoon pama'y ang motorskilo talaga na iyon ay ang umagaw sa atensiyon ko. Inagaw nito ang atensiyon ko to the point na napatigil ako sa ginagawa ko.
Bumaba mula sa pagkakasakay sa motor na iyon ang isang lalaking may 6'0 ata ang height, suot suot nito ang isang leather jacket at helmet.
Tila nag slow-motion ang lahat sa paningin ko habang nakatingin ako sa gawi niyang unti unting hinuhubad ang suot suot na helmet.
At hindi ko inaakalang gano'n gano'n na lang ang magiging panlalaki ng mga mata ko ng makilala ko ang lalaking iyon—ang mukha sa likod ng helmet na iyon.
Dali-dali akong napatago sa likod nitong sasakyan na hinuhugasan ko, dali-dali akong nagtago sapagkat magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka move on sa halik na iginawad niya, at ang masama pa roon ay tila ako pa ang nahihiya sa sarili ko, kesa sakan'ya na siyang humalik sa akin ng walang pasabi.
"Tito," ang nakangiting bati no'ng punyemas kay Kuya Noel. Na siyang naging dahilan naman kung bakit ako nagtaka, e kasi naman bakit tito ang tawag niya kay Kuya Noel?
Huwag mong sabihing uncle niya rin si Kuya Noel?
Nasagot ang mga katanongan ko na iyon ng marinig ko ang mga sumunod na katagang binitawan ni Kuya Noel.
"Uy ikaw pala 'yan iho, muntik na kitang di makilala ah," ang nakangiti namang pabalik na bati ni Kuya Noel sakan'ya habang pinapatay ang hose na hawak hawak.
Lumapit punyemas sa gawi ni Kyya Noel at saka nagmano rito, bahagya naman umawang ang bibig ko dahil sa kadahilanang hindi ko kasi inaakalang may respeto rin pala sa katawan ang punyemas na iyon e.
All I thought kasi wala, since minura nga niya 'yong mama niya no'ng nasa restaurant pa kami. Tas no'ng hinalikan niya ko'y hindi siya nagpaalam sa akin—wait what?! May magnanakaw ba ng halik ang nagpapaalam? 'Di ba, wala?
"Si Silva ba hanap mo?" tanong ni Tito kay Dashiel matapos itong magmano rito.
"Opo tito," sagot naman no'ng punyemas, ang timbre ng boses ay magalang pa rin.
"Wala rito si Silva iho e."
Bumagsak ang mga balikat no'ng punyemas ng marinig nito ang tinuran ni Kuya Noel, para itong nadismaya. "Ganoon po ba tito?"
Kuya Noel nodded, which made him more sad, "Asan po pala siya tito?" he asked.
"May inasikaso na papeles iho."
"Ahhh," Dashiel said while nodding.
"Matatagalan pa po ba siya tito?" Dashiel asked again.
"Kanina pa 'yon iho e, baka mamaya-maya ay dadating na rin 'yon. Kung gusto mo, do'n ka muna sa loob ng bahay at doon mo na lang siya hintayin," sagot at pang-aaya ni Kuya Noel sakan'ya.
Nakita ko naman kung paano siya sunod sunod na napailing dahil sa mga tinuran ni Tito, "Naku, naku huwag na po tito, dito na lang po ako maghihintay sakan'ya," ang sunod sunod nitong pagtanggi sabay lapit sa upuang kahoy na nasa gilid.
"Ha? E? Baka sumakit ang likod mo niyan iho, hindi ka pa naman sanay sa ganyan," ang medyo na nag-aalala na ani ni Kuya Noel sakan'ya.
"Naku, huwag na po kayong mag-alala sa akin Tito, sanay ako sa ganito."
Matapos sambitin ang mga katagang iyon ay hinubad niya ang leather jacket na suot suot niya. Inilapag niya ito sa upuang kahoy at saka umupo sa katabi nong jacket.
"Ah sige sige iho," sumang-ayon na lang si Kuya Noel rito kahit na'y nag-aalala pa rin ito para sakan'ya. Pumayag na lang siya dahil alangan namang papatayuin niya pa ito, e samantalang nakaupo na naman ito ng matiwasay?
"Gusto mo ba ng maiinom, iho?" tanong ni Kuya Noel.
Umiling naman 'yong punyemas, ibig sabihin na hindi nito gusto. "Huwag na po kayong mag-abala pa tito, ayos na po ako dito at saka isa pa po, hindi pa naman po ako nauuhaw e," tanggi nito sa alok ni Kuya Noel.
Napairap naman ako dahil doon. Sus! Naghihiya-hiyaan pa ang punyemas akala mo naman hindi ko nabasa sa ekpresyon ng mukha niya kung paano siya matakam sa sinabi ni tito.
Hindi ganoon kalayo yong kinaroroonan nila sa kinaroroonan ko, kung kaya't mula rito ay rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila at kitang kita ko rin ang bawat reaksiyon ng mga pagmumukha nila.
"No Dashiel, sa ayaw at sa gusto mo'y iinom ka ng juice, tinanggihan muna ako sa unang alok ko at alam mo naman ata ang batas ko 'di ba?"
Tumango si Dashiel at kasabay ng kan'yang pagtango na iyon ay ang pagdaan ng kalituhan sa mga mata ko.
Anong rules pinagsasabi ni Kuya Noel?
Tila nasagot ang mga katanongan ko na iyon dahil sa mga isinagot ni Dashiel, "Yeah I know it tito at iyon ay ang isang beses ka lamang dapat na tumanggi sa alok ni Tito Noel," bagsak ang mga balikat at nakangusong ani nito.
Napailing naman si Tito dahil sa tinuran ni punyemas.
Kalauna'y bumaling sa gawi ko si Kuya Noel, dali dali naman akong napatago at saka umaaktong linilinis ang likurang bahagi ng sasakyan.
"Marra iha?" tawag ni Kuya Noel sa akin.
"Po? Bakit po?" sagot ko sa tawag nito, nanatili pa rin nakatago at hindi na nagtangka pang sumilip.
"Maari mo bang pagtimplahan ng maiinom itong kaibigan ng Kuya Silva mo?" Kuya Noel asked.
Gusto ko siyang ilingan, gusto kong tumanggi sa tinuran nito dahil magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang makita ang pagmumukha ng gagong iyon.
Natatakot kasi ako sa maaring mangyari sa oras na makita ko siya e, dalawa lang kasi ang posibleng mangyari kapag nakita o makalapit siya sa akin.
At iyon ay ang sasampalin ko siya dahil sa ginawa niyang pagnakaw sa nauna at ikalawang halik ko o mahihimatay ako dahil sa hiya.
Ang dalawa lang na iyon ay ang maaring mangyari sa akin kung kaya't ganito na lang ako katakot ngayon.
"Sige po." Hindi man maluwag sa dibdib ko, hindi man gusto ng puso ko'y wala akong ibang nagawa kundi ay ang umo-o sa tinuran niya. Boss ko siya ngayon at kung ano man ang ipag-uutos niya ay dapat at nararapat ko lang itonf sundin.
At saka isa pa, gaya nga no'ng sinabi ni Dashiel kanina, may rules si Kuya Noel at iyon ay ang sa ikalawang pakikiusap ni Kuya Noel ay hindi ka na maari pang tumanggi. E, sa tumanggi na ako kanina ng hilingin niya akong sumama sa drag race mamaya. Edi, hindi na ako puwedeng makakatanggi pa.
Bagsak ang mga balikat na inilapag ko ang mga tools sa paglilinis ko sa balde. Pinatay ko muna ang hose bago nakayuko at nakatungong lumakad papunta sa gawi nila.
Hindi man ako nakatingin sakan'ya ay alam na alam ko pa rin na nakatitig siya ng mariin sa gawi ko. Ramdam ko kasi e. Ramdam ko ang mga maririin na titig na pinupukol niya sa akin.
Nakakanginig ng tuhod ang mga titig na binibitawan niya, pero hindi pa rin ako nagpatinag dahil baka magtaka pa si Kuya Noel sa aaktuin ko kung baka sakali.
Tinungo ko ang daan papasok sa likod ng garahe. Sa likod kasi ng car wash na ito ay naroroon ang malaking bahay nila, ang bahay na kung saa'y si Kuya Noel at si Silva lamang ang nakatira.
Hiwalay kasi si Kuya Noel at 'yong asawa niya dahil sa kadahilanang palagi nitong sinasaktan si Silva noon dahil sa hindi malaman na dahilan.
"Sino 'yon tito, bago mo ba 'yong trabahador?" bago pa man ako tuluyang makapasok sa likod nitong car wash ay narinig ko pa ang mga tanong niyang iyon na siyang nagpapantig sa tenga ko.
E kasi naman bakit pa niya tinanong kung sino ako, e samantalang alam na naman niya ang pangalan ko, he even fuckinf kissed me and I even saw him f*****g another girl, kaya paano niya nagawang magpanggap na hindi niya ako kilala. Nakakasama siya ah, ganoon na ba talaga ako kapangit para itanggi niya?
Wait, bakit ba ako umaakto ng ganito? Bakit ba ako bahagyang nasaktan ng dahil sa kaisipan na iyon?! Damn.
"Ah 'yon ba? Si Marra 'yon, nag pa-part time sa akin this sem break para may pang tuition raw siya next sem, mabait at madiskarte ang bata na iyon," rinig ko pang sagot ni tito sa tanong ni punyemas bago pa man ako tuluyang makapasok sa likod nitong car wash nila.
Bahagyang nanlambot ang puso ko dahil sa narinig. Ito pa lang kasi ang kauna-unahang pagkakataon na may narinig akong pumuri sa akin.
All my life, palagi kung hinihiling sa kalangitan na sana ay dumating rin ang araw at may pupuri sa akin na ibang tao, 'yong tipong maririnig mo talaga ang sinserad sa boses nito habang pinupuri ka, and that was Kuya Noel actually did, he fullfilled that wish of mine.
Ang magarang sala nila ang unang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay nila. Ang magarang sala na napupuno sa mga antigong bagay ang unang nabungaran ko.
Mga antigong bagay na mamahalin at dapat ingatan mula sa mga taong kagaya kong dukha. Hindi ko alam kung bakit ako inutusan ni Tito na mag timpla ng maiinom mag-isa sa loob ng magarang bahay nila. E, samantalang alam naman niya na kaya kung magnakaw ng kung anong gamit niya rito ng hindi niya napapansin.
Pero siguro dahil ito sa kadahilanang malaki ang tiwala niya sa akin noon pa man, at ni isang beses ay hindi ko pa ito nasira.
Sa tuwing bakasyon o sem break kasi noon ay palagi akong suma-sideline sa car wash nila, at dahil doon ay nag ka-close kami, to the point na ang laki-laki na ng tiwala na ibinibigay nila sa akin. At kahit kailanman ay hinding hindi ko babasagin ang tiwala nila na iyon.
Tinungo ko ang daan papunta sa kusina nila upang makapagtimpla na ako. Binuksan ko ang refrigerator nila at doon kumuha ng isang ice.
Biniyak ko ito bago ko ito inilagay sa pitsel na naroroon rin. Pagkatapos ay kumuha ako ng isang sachet ng juice at saka ibinuhos rito.
Hahaluhin ko na sana ang juice na iyon ngunit hindi ko ito naipagpatuloy pa ng may maramdaman akong titig mula sa likuran kung bahagi.
Titig na nakakawala sa sistema. Titig na nakakalimot sa ginagawa mo.
Ang mga iyon ay ang tanging madedepina ko sa mga titig na ibinibigay niya sa akin.
Nang lumingon ako sa pinanggalingan ng mga titig na iyon ay hindi na ako nagtaka pa ng makita ko siya, 'cause obviously siya lang naman ang kakilala kong makatitig ng ganito ka tindi sa akin e.
"A-no ang kailangan mo?" tanong ko sakan'ya, pilit na hindi na nagpapatinag sa mga titig niya.
Umalis ito mula sa pagkakahamba niya sa pintuan at saka umayos ng tayo.
"You," sagot nito sa tanong ko na siyang nagpalito sa akin.
"H-a?" I asked. He just smiled, siguro na recognize niya ang stutter sa voice ko habang sinasambit ang mga katagang iyon. Stutter na hindi ko alam kung ano ang dahilan.
He smirked, "Wala," sagot nito bago naglakad papunta sa gawi ko.
"A-no nga yon?!" pangungulit kong ani rito habang unti-unting umaatras palayo sa gawi niya habang siya naman ay patuloy naman na lumalapit sa gawi ko.
Alam ko kasi na meron talaga e. Na meron talaga siyang sinabi na hindi ko lang talaga naintindihan.
Wala sa sariling nahigit ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang pagtama ng bewang ko sa isang matigas na bagay, isang palatandaan na wala na akong maatrasan pa dahil napasandal na ako sa lababo.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti nito ng makita niya siguro na wala na akong maatrasan pa. Napalunok ako.
"Wala nga."
Napakapit ako ng mahigpit sa gilid ng sink ng maramdaman ko ang pagsisimula ng pangangatog ng tuhod ko. Kumapit ako roon upang doon kumuha ng lakas nang sa gayon ay maiwasan ko ang pagkabuwal.
"M-eron nga," ang nauutal ko namang ani rito. Sa pagkakataon na ito ay ilang dipa na lang ang layo ng agwat namin mula sa isa't-isa. Kaya gano'n gano'n na lang ang pagkautal ko.
He tsked bago marahang yumuko, napaiwas naman ako ng tingin dahil doon.
"Ang kulit mo talaga," bulong nito sa may tenga ko habang iniimpit ang ilang takas kung buhok sa tenga ko.
Literal na kinalibutan ako sa mga katagang sinambit niyang iyon, parang nagsitayuan nga ang balahibo ko sa katawan dahil roon e, pero hindi ko inaakalang mas lalo pang magsisitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang mga katagang sumunod na isinambit nito,
"Ang sabi ko'y sa ayaw at gusto mo'y sasama ka sa amin ni Silva mamaya sa drag race," bulong nito sa akin bago umalis sa gawi ko at saka tinungo ang gawi nong reff.
Naiwan naman akong nakatulala habang nakatingin sa ma-muscle niyang likod na visble na visible sa t-shirt na suot-suot niya.