Kabanata 1

2250 Words
KABANATA 1 Bahay, eskwela at trabaho. Sa loob ng ilang taong pamumuhay ko dito sa mundo, sa tatlong iyan lang umiikot ang buhay ko. Sa tatlong iyan lang umiikot ang buhay na meron ako. Nakakasawa at nakakapagod man, ngunit wala akong mapagpipilian dahil sa buhay na 'to, ako piniling ilagay ng diyos. Bata palang ako, mulat na ako sa katotohanan. Sa katotohanang kung saa'y wala akong mga magulang at kailangan kong magtrabaho ng maigi kung gusto kong magkaroon ng makakain at kung gusto kong mabuhay sa mundo na ito. Sa murang edad na meron ako'y ang pagtratrabaho na agad ang kinamulatan ko. Ang pagtratrabaho para mabuhay ako. Sa murang edad na meron ako'y dapat ang mga magulang ko sana ang nagtratrabaho para sa akin, para sa pamilya namin, para may mapang tostos kami sa pang araw-araw namin at higit sa lahat, para may mapang-aral ako. Pero sa kasawiang palad...wala ako non, wala akong mga magulang na maari kong masandalan sa tuwing kailangan ko ng masasandalan. Wala akong mga magulang na magpapa-aral sa akin at bubuhay sa akin, kung kaya't doble kayod ang ginagawa ko sa pagtratrabaho ko para lang magkaroon ako ng pangtostos para sa pag-aaral ko at para sa pangkain namin ng lola ko. At my very young age, I never had the chance to met my dad, while my mom? They took her away from me. They took her away from me. And it was all started when I was four. "Mama, what are you doing?" a four years old of me confiously asked. Mula sa pagkakatanaw sa bintana habang hawak hawak ang kanyang mabilis na nag si-sitaas babang dibdib ay lumingon ito sa gawi ko. Pag-aalala ang unang tumatak sa puso't isip ko para sakanya ng makita ko ang kanyang hitsura ng lumingon siya sa gawi ko. Putok ang kanyang labi, at may mga dugo na kumukuwala mula dito, her hair is so messy, na tila ba hindi niya iyon nasuklay ng ilang taon. The haggardness of her face is also visible which made me confused. Confused, on what happened on her, at bakit tila kung makaakto siya'y hinabol siya ng 'kong ano man? At may pinagtataguan siya. "Ma, are you okay?" I asked again, sabay pasada ng tingin sa buong kabuuan niya. She nodded, "A-hm y-eah," nauutal may pinilit niya paring ngumiti, like that smile is an assurance of her to me, assurance that she's fine. Napabuntong hininga nalang tuloy ako dahil sa kasinungalingan niya. Yeah, she said that she's okay, but deep inside I know that she's not. I know that there's something who bothered her. Muli siyang sumilip sa bintana at kalauna'y dali dali ring nagtago. Ng dahil sa mga weird na pag kilos niya'y hindi ko napigilan ang sarili 'ko na huwag makiusisa rin sa pinapanood niya. Mula sa hagdanan ay dali dali akong bumaba, atsaka pumunta sa gawi ng bintana upang sumilip rin. Umakyat ako sa sofa na nakalagay malapit sa bintana para makasilip rin ako sa labas. Kapag kasi hindi ko ginamit ang sofa, ay paniguradong hindi 'ko makikita ang sa labas. Medyo mataas kasi ang bintana kumpara sa height na meron ako. I was about to do the same thing that she's doing, pero hindi ko na natuloy pa iyon ng pigilan niya 'ko. Pinigilan niya 'ko sa pamamagitan ng pagsira sa mga bintana. She closed it, na siyang naging dahilan kung bakit hindi ko tuloy masilip ang sa labas. She even hugged me tight, bago niya ko kinarga atsaka dinala sa ikalawang palapag ng aming bahay. Nagpumiglas ako mula sa pagkakarga niya, gusto ko kasing makita rin iyong sinisilip niya e. Gusto ko rin kasi makita yong bagay na naging dahilan kong bakit siya naging ganito kung umakto. I want to know the reason. "Put me down, mama!" utos ko sakanya, umaasa na sana susundin niya ang utos ko kahit na'y alam kong imposible. She's my mom, and I am just only her daughter. Her four years old daughter. Means that she is not obliged to do whatever I want her to do. I tried so hard na makawala ako mula sa pagkakahawak niya sa akin. Ngunit wala paring nagbabago. My mom is so strong. She have the enough strength. "Let me see it, please mama," ang ani ko sakanya ng mapagod ako sa kakapumiglas pero magpa hanggang ngayon ay hindi niya parin ako binibitawan. Hindi ko alam kung ano ang meron sa akin, at kung bakit gustong gusto kong malaman ang bagay na sinisilip niya kanina it was just... there's something on me who kept on telling me that I should see those. Because there's something on it. I know that bata pa ako, para manghimasok. But it was just. I really want to. Hindi 'ko alam kung bakit ako may ganitong pag-iisip. E samantalang ang bata bata ko pa para dito. I am just four years old, but here I am trying to solve the problems in my head. Pagkarating na pagkarating namin sa kuwarto ko'y agad agad niya 'kong binitawan atsaka dali daling pumunta sa gawi ng mga bintana upang isarado ang mga ito. She even closed the curtains on it. "Ano ba kasi iyon mama at bakit ayaw mong ipaalam sa akin?" tanong ko sakanya, sa pagkakataong ito'y 'yong panghuling bintana na ang isinisirado niya. "Wala lang 'yon anak," she answered, bago siya lumingon sa gawi ko, atsaka nagsimulang maglakad palabas sa kuwarto. "Paano pong wala? E, kung makaasta nga kayo'y--" hindi ko na natapos pa ang balak kong sabihin ng may sumabat sa usapan namin ni mama mula sa likod ko. "Mercy, mag-usap nga tayo," ani ni lola kay mama. Dali dali namang tumango si mama atsaka lumapit sa gawi ko. My mom kissed my head before whispering that it was just nothing. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya mula sa loob ng kuwarto ko, upang siguro'y makapag-usap na sila ni lola. Pero bago yon ay sinirado niya pa muna ang pintuan ng room ko. Na tila ba'y sa pamamagitan niyon ay sinisigurado niya na hinding hindi ko maririnig kung ano man ang pag-uusapan nila ni Lola. And yeah, she did it right. Dahil ni isang kataga na mula sa labas--mula sa pinag-uusapan nila ay wala akong narinig. Para silang nagbubulungan lang at hindi nag-uusap. Ang dalawang pares ng paa ay nasa harapan parin ng pintuan ng room ko, isang palatandaan na nandodoon parin sila, at imposible ang naiisip ko. Naisip ko kasi ang posibilad na kung kaya't hindi ko naririnig an pinag-uusapan nila dahil nandodoon sila sa baba at nag-uusap. Pero ng makita ko ang dalawang pares ng paa nila'y nawala ang agam-agam ko. Sadyang sinadya lang siguro nila na hinaan ang boses nila para hindi ko marinig. Ng mabagot sa kakatingin sa dalawang pares ng paa nila--ng mabagot kakahintay na makakuha ng impormasyon mula sakanila'y, mula sa pakakadapa ko sa sahig ay bumangon ako atsaka naglakad papunta sa katre ko upang doon umupo, atsaka hintayin nalang ang pagbukas ng pinto. Tanggap ko na kasi. Tanggap ko na kasing hinding hindi ko maririnig ang pinag-uusapan nila. Bagot kong kinuha ang teddy bear ko mula sa gilid ng bahagi ng katre ko. Kinuha ko ito atsaka yinakap. "Lola, ano po ba ang nangyayari?" ang tanong ko sa lola ko ng magising ako kinahapunan dahil sa ingay ng mga sirena ng sasakyan ng police at dahil sa ingay ng boses ng mga tsismosa naming mga kapitbahay. Kanina, habang hinihintay ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto ko--ang pagtatapos ng pag-uusap nila ay nabagot ako. Literal na nabagot talaga ako, to the point na dinalaw ako ng antok. Kaya ayon nakatulog ako habang hinihintay silang matapos sa pag-uusap nila. 'Tas ngayon nga'y nagising ako dahil sa nakakarininding ingay. Wala sa sariling ako'y napatingala sa gawi ni lola ng lumipas ang ilang segundo at wala parin akong nakukuhang sagot mula sakanya. At ng tumingala ako ay doon ko nakita ang lumuluha at nasasaktang reaksiyon ng mga mata niya habang nakatingin sa isang partikular na lugar--sa lugar ng kinaroroonan ni mama. "Lola, ano po ang ginagawa nila kay mama?" ang tanging naitanong ko sakanya ng sinundan ko rin ng tingin ang tinitignan niya--at doon ko nakita si mama na pilit na pinasasakay nong dalawang lalaki si mama sa kotse. Nang mapagtanto ko na wala akong makukuhang sagot mula kay lola dahil busing busy ito sa pag-iiyak nito at imposibleng makuha ko pa ang atensiyon nito'y hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Dali-dali na 'kong tumakbo palapit sa gawi nila upang tanongin ang mga police kung ano ang ginagawa nila kay mama, at bakit nila ito sapilitang pinapasakay sa kotse na dala dala nila. "Manong police, saan niyo po dadalhin ang mama ko? At ano po ang ginagawa niyo sakanya?" Ng dahil sa tanong ko na iyon ay napatigil ang dalawang police sa ginagawa nilang pag-uusap. Sabay rin na lumingon ang dalawang police sa gawi ko. Tinapik ng isang police ang balikat nong isang police, na tila ba'y isa iyong pahiwatig na yong isang police na ang bahalang mag paliwanag sa akin. Pagkatapos niyon, ay pumasok na ang police sa sasakyan niya. Lumuhod ang isang mamang police sa harapan ko na siyang naging dahilan kung bakit magpantay ang mga tingin namin, "Hinuhuli namin ang mama mo, iha," ang sagot nito sa tanong ko na siyang naging dahilan ng pagkalito ko. "Ho?!" gulat kong ani, "Bakit naman po?" ang pagtataka ay obvious na obvious sa boses ko. "May nagawa po bang mali si mama kung kaya't hinuhuli niyo siya?" Tama naman ako diba? Na kapag hinuhuli ng isang police ang isang tao ay ang ibig sabihin no'n ay may nagawang mali ang taong iyon. Ang sabi kasi ni mama sa akin, masasamang tao lang daw ang hinuhuli ng mga pulis, kung kaya't ba't nila hinuhuli si mama? E sa pagkakaalam ko'y hindi naman ito masama? At saka isa pa mabait kaya si mama. Kung kaya't ba't nila hinihuli ito? Sasagot na sana ang mamang police na nasa harapan ko, pero hindi na nito ito natuloy pa ang balak nito ng sumabat sa usapan namin yong isang police. "Pre, tara na," sabat nong isang police. Agad namang tumayo ang police na nasa harapan ko atsaka ako tinalikuran nito upang siguro'y para pumasok na kotse. At bago pa man ito tuluyang makapasok sa kotse nito'y tinanong ko na ito na siyang naging dahilan kung bakit ito napatigil, "Mamang police," agaw ko sa atensiyon nito. "May ginawa po bang m-asama ang mama 'ko?" Akala ko sasagutin na nito ang tanong 'ko, ngunit nagkakamali lang pala ako, dahil isang pilig lamang sa ulo ang ibinigay nito sa akin bago walang pag-aanlingan na pumasok sa loob ng kotse. Dali dali akong napalapit sa kotse nila ng makita ko itong sumakay atsaka ko ito pinaghahampas gamit ang mga maliliit kong kamao, "Mamang police! Mamang police!" tawag ko sa mga atensiyon nila habang kinakatok ang windshield ng sasakyan nila, umaasang sa pamamagitan niyon ay sasagutin nila ang tanong ko. "May nagawa po bang masama ang mama ko?" Sa pagkakataong ito'y nagsimula ng manubig ang mga mata ko dahil mukhang walang pag-asa na sagutin nila ang tanong ko. Muli kong pinaghahampas ang windshield ng sasakyan nila, umaasa na sana'y sa pagkakataong ito'y may makukuha na akong sagot. Ngunit akala ko lang pala iyon, dahil imbes na bumaba mula sa kotse na sinasakyan nila at sagutin ang tanong ko'y pinaandar nila ito palayo sa akin. "Mamang police!!" ang tanging naisigaw ko ng makita ko kung paano dahan dahang umandar ang sasakyan na sinasakyan nila palayo sa gawi 'ko. "Mamang police!!" sigaw ko pa, habang ang mga mata ay lumuluha na, na parang isang sirang gripo. At mas lalo pa akong napaluha ng makita ko ang pagdaan ng ikalawang kotse sa harapan ko at lulan niyon ay ang ang isang babae lumuluha rin habang nakatingin sa gawi ko. "Mama?" ang naninigurado kong tanong sa kawalan ng makita ko siyang lulan sa ikalawang sasakyan na iyon. Naninigurado kong siya nga ba talaga iyon at hindi ako pinaglalaruan ng mga mata ko. At ng mapagtanto ko na siya nga talaga iyon. Na siya nga talaga ang babaeng lumuluha na lulan ng sasakyang iyon ay wala sa sariling naisigaw ko ang mga katagang "Mama!!" "Mama!!" ang wala sa sariling sigaw ko bago napatakbo ng mabilis, upang mahabol ko ang kotse na sinasakyan niya. Tumakbo ako ng tumakbo habang ang mga luha ay patuloy parin na umaagos na siyang nagiging dahilan kung bakit nanlalabo ang mga tingin ko. Muntikan na nga akong madapa dahil sa panlalabo ng mga mata ko, ngunit hindi ko iyon inalinta, dahil sa mga oras na iyon ay isa lang ang nasa utak ko, at iyon ay ang mahabol ang sasakyan na kumuha sa mama 'ko. Ngunit ganon ganon nalang ang pagkatigil ko sa ginagawa kong pagtakbo ng maramdaman ko ang pagkapos ng hangin sa baga ko na siya ring naging dahilan kung bakit hingalin at atakihin ako ng hika 'ko. Wala sa sariling napahawak ako sa bandang may puso ko ng maramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko kasabay niyon ay ang dahan dahan kong pag upo sa isang tabi ng maramdaman ko rin ang panlalabo ng paningin ko. Sa pagkakataong iyon ay nanlalabo ang paningin ko dahil sa sakit na nararamdaman ko at hindi dahil sa luhang patuloy paring kumukuwala mula sa mga mata ko. M-ama.... ang tanging naibulong ko sa kawalan habang nakatingin sa nanlalabo at papalayong bulto ng sasakyan na sinasakyan niya. I take a deep breath as I close my eyes... Mama, mahal kita....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD