Kabanata 2

2273 Words
KABANATA 2 HIKAIN ako, ngunit ang hika ko na iyon ay hindi naging hadlang sa akin kung bakit ako nagpu-pursige sa pagtratrabaho ko. Sa katanuyan nga'y dalawa ang trabaho na meron ako, isa sa umaga at isa naman sa gabi pagkatapos ng klase ko. Kung sa iba'y pagkagising na pagkagising palang nila'y ang paghahanda na agad para sa eskwela ang inaatupag nila'y ako naman ay ang paghahanda para sa trabaho ang inaatupag ko. Kung sa gabi'y ang pagpapahinga at ang paggagawa lang ng mga assignments sa eskwela ang inaatupag ng iba, ako nama'y ang pagtratrabaho sa isang fast food chain ang inaatupag ko. Yeah, alam ko, alam ko na maaari akong magkasakit dahil sa ginagawa ko, alam ko na pam-patay na sa katawan ko itong ginagawa ko lalo na't may hika ako. But I don't have any choice dahil paano ko masusustentuhan ang bawat kakailanganin ko sa pang araw-araw namin kung hindi ako magtratrabaho? Paano ako makakapag-aral kung hindi ako magsusumikap? Paano kami makakakain at mabubuhay sa mundong ito kung hindi ako kakayod sa trabaho? Ako lang ang nag-iisang bumubuhay sa lola ko at sa sarili ko, kung kaya't doble kayod talaga ang ginagawa ko lalo na't may mga gamot na maintenance ng iniinom ang lola ko. Doble kayod, to the point na nakakalimutan ko ng alagaan ang sarili 'ko. The life is so cruel to me. Ang mga katagang iyan ay ang tanging madedepina ko sa buhay na meron ako. The life or the destiny rather is so cruel to me, to the point na sa murang edad na meron ako'y ang pagtratrabaho agad ang inaatupag ko. Which made me think what is the feeling of being a normal student. Which made me think kung ano kaya ang pakiramdam ng isang normal na estudyante? 'Yong tipong gigising ka lang sa umaga para maghanda sa klase at wala ng ibang aatupagin pa, 'yong tipong ang pag-aaral mo lang ang aatupagin mo sa skwelahan at hindi ang tabaho na naghihintay sa iyo. 'Yong tipong ang assignments mo lang ang aatupagin mo sa gabi at hindi ang trabaho mo. All of those? I wan't to feel it. I wan't to feel how it feels to be a normal student. Gusto ko ring maranasan ang mga bagay na nararanasan ng mga normal na estudyante... gusto ko ring maranasan ang mga bagay na nararanasan nila.. Wala sa sariling nakapa ko ang pisnge ko ng may maramdaman akong basa dito. At nang makapa ko ito'y doon ko palang napagtanto na umiiyak na pala ako. Na luha pala iyong nakapa ko. Damn. 'Ni hindi ko man lang namalayan ang sarili ko na umiiyak na pala ako dahil sa lalim ng iniisip ko. Dali dali akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ko ng mapagtanto ko kung anong oras na pagkatapos ay wala sa sariling ako'y napatampal sa noo ko ng mapagtanto kong ma la-late na ako. Damn! Ke aga-aga pa kasi pero kung ano-ano na ang pinag-iisip ko, 'yon tuloy di 'ko tuloy namalayan ang oras. Dali dali akong bumaba sa baba upang makakain na, at hindi ko inaakalang mapapangiti ako sa tanawin na makikita ko. Ang tanawin na kung saa'y hinding hindi ako magsasawa sa kakatitig, ang tanawin na kung saa'y nasa kusina ang lola ko, nakatalikod ito sa gawi ko habang busing busy sa ginagawa nitong pagluluto. Sa totoo lang, mas malapit pa ako sa lola ko kesa sa mama ko. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil iyon sa kadahilanang siya ang nasa tabi ko ng nagdalaga ako, siya ang nakamulatan kong nasa tabi ko habang lumalaki ako. "Ang bango naman po niyan lola," ang papuri ko sakanya ng maamoy ko ang aroma ng niluluto niya. Lumapit ako sa gawi nito atsaka ko siya niyakap mula sa likod, napalingon siya sa gawi ko at ng magtagpo ang aming mga mata ay doon ko nakita ang kalituhan doon, "Sino ka?" Wala sa sariling ako'y napako mula sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang tanong niyang iyon. Napabitiw rin ako mula sa pagkakayakap ko sakanya dahil doon. Mapait akong napangiti kasabay niyon ay ang pamamasa ng mga pilik mata ko. Ano ka ba self, hindi ka pa ba nasasanay? I smiled because of that thought. Yeah, right. Hindi pa ba ako nasasanay? E, samantalang ganito naman talaga parati ang bumubungad sa akin? I cleared my throath nang sa gayon ay mawala ang nakabara sa lalamunan ko, "A-no ka ba naman lola? Nakalimutan mo na naman ba ang pinakamaganda mong apo?" Pinilit ko ang sarili ko na maging masaya habang binibigkas ang mga katagang iyon, "Ako 'to si Marra, ang pinakamaganda mong apo." Muli ko siyang yinakap matapos kong sabihin sakanya ang mga katagang iyon pagkatapos ay palihim kong pinunasan ang namamasa kong mga mata. Sa tuwing nakakalimutan niya 'ko ay hindi ko talaga naiiwasan ang sarili ko na huwag maiyak. It was just it hurts me, it hurts me knowing that the lola whom I love the most, forgets me...forget about me. She have this kind of sickness who made her forget the things and the person who is important to her. She have this kind of sickness who made her forget her memories, and that sickness is the sickness that we called alzheimer's. She was being diagnosed with this kind of sickness two years ago and until now hindi pa rin siya gumagaling. Kinalas niya ang kamay ko mula sa pagkakayapos ko sakanya pagkatapos ay lumingon siya sa gawi ko gamit ang naniningkit niyang mga mata, na wari ba'y sa pamamagitan niyon ay sinusuri niya ko kung nagsasabi ba ako ng totoo. Nginitian ko naman siya, upang ipakita sakanya na confident ako sa mga sinabi ko. Ngunit napawi ang ngiti ko ng lumipas ang mga minuto at hindi niya parin ako nakikilala, magsasalita na sana ako na huwag nalang niyang intindihin ang mga sinabi ko at kalimutan nalang niya ang presensiya ko pero hindi ko na ito naituloy pa ng makita ko kung paano sumilay ang isang ngiti sa labi niya, pagkatapos ay lumapit siya sa gawi ko atsaka ako nito niyakap. "Ikaw nga apo 'ko." Napangiti ako dahil sa mga narinig ko na tinuran niya ngunit ang ngiti ko na iyon ay napawi ng marinig ko ang mga katagang idinagdag niya sa mga nunang sinabi niya. "Ba't ngayon ka lang ha? Saan ka na naman naggagalang bata ka at ba't inumaga ka na naman sa pag-uwi?" Palihim akong napairap dahil sa tinuran niya pero kahit papano'y masaya naman ako dahil sa kaisipang naaalala niya parin ako kahit papaano, which means that umeepekto rin pala kahit papano ang mga gamot na ibinibili ko para sakanya. Isang halik lamang sa pisnge niya ang isinagot ko sa tanong niya, hindi na ako nag-abala pang sagutin ang tanong niyang iyon, dahil alam ko naman na kahit iulit-ulit ko pang isagot sakanya ang mga sagot sa tanong niyang iyon ay uulit parin siya sa pagtatanong dahil sa kadahilanang nakalimutan na naman niya ang sagot. Ganon siya e. "Abang bata 'to oh, di man lang ako sinagot." Rinig ko pang pagmamaktol niya ng makita niya siguro kung paano ko siya tinalikuran upang kumuha ng pinggan atsaka mga kutsara. Ipinagsawalang bahala ko ang mga tinuran niya, bagkos nga'y inilagay ko na sa hapag ang mga pinggan at kutsara na kinuha ko. Tila naging hudyat naman iyon para sakanya upang ihain na sa hapag ang mga niluto niya. Wala sa sariling ako'y napangiti ng maamoy ko ang aroma ng pakbet na niluto niya. Makakalimutin ang lola ko pero pagdating sa pagluluto ng pagkain, ay iwan ko ba kung ano ang meron sakanya at kung bakit niya parin naaalala ang tungkol sa mga sangkap na kakailanganin niya para sa pagluluto niya. Tanging ang panenermon lamang ni lola tungkol sa pag-umaga ko raw sa pag-uwi at ang pagkakalampagan ng mga kubertos ang tanging maririnig habang kumakain kami. Ako naman ay nanatili lamang na tahimik habang nakangiti, nakangiti habang pinakikinggan ang panenermon niya. Naaaliw kasi ako kay lola e, naaaliw ako dahil sa kaisipang kahit papano'y nag-aalala parin pala siya tungkol sa maganda niyang apo. Ngunit ang ngiti ko na iyon ay nawala ng maalala ko ang oras. Shit! ang tanging naibigkas ko bago ko dali daling tinapos ang pagkain ko. Nang matapos sa pagkain ay agad kong inilagay ang pinagkainan ko sa lababo atsaka dali daling umakyat sa itaas para mag-ayos ng gamit at magpalit ng damit. Nang maihanda ko na ang mga gamit ko pati narin ang sarili ko ay tsaka palang ako muling bumaba sa ibaba. Hindi ko na nagawang maligo pa dahil sa pagmamadali ko, mabuti narin 'yon dahil kahit papano'y makakatipid kami sa bayaran ng tubig. Ng makababa ay agaran akong nagpaalam ka'y lola na ngayon ay busing busy sa paghuhugas ng mga pinggan, nagpaalam ako sakanya na aalis na ako para pumunta sa eskwelahan kahit ang totoo'y para pumunta sa una kong trabaho. Hindi niya kasi alam na nagtratrabaho ako kaya 'yon ang ipinaalam ko sakanya, at hindi narin ako nag-aksaya pa ng panahon na sabihin sakanya ang mga impormasyon na iyon, dahil paniguradong pagbabawalan lang ako nito lalo na't dahil sa hika ko. At sa tuwing tinatanong niya ko kung saan 'ko kinukuha ang pera ko na ginagawa kung pangtostos sa aming dalawa ay sinasabi ko nalang sakanya na galing ito sa AFAM ko, kaya ayon batok ang palaging naabot ko sakanya. Sinasabi ko sakanya ang mga katagang iyon upang maiba ko ang usapan namin ngunit sa kasawiang palad ay inuulit niya ang tanong niyang iyon sa akin, kaya ayon napipilitan tuloy akong magsinungaling. Sinasabi ko sakanya na galing iyon kay mama at sa awa ng diyos ay naniniwala naman siya. Ang alam niya kasi ay nag-abroad si mama kung kaya't hindi na namin ito nakakasama, at dahil doon ay naniniwala siya sa tuwing sinasabi ko sakanya na ang perang ginagasta ko ay galing ka'y mama... but little did she know, it was from me.. from my work.. but little did she know, my mom is in the jail because of a sin na hindi naman niya ginawa. They accused her, and we can't do anything about it because of our status in life, and it is the sad reality that we must accept. The reality where those people who have the power is the one who have the prevelige in life. "Aling bebang puwede po bang pakisuyo ulit kay lola?" tanong ko kay Aling Bebang pagkalabas na pagkalabas ko palang sa bahay namin. "Aalis na po kasi ako," dagdag ko pang ani sakanya. Napatigil ito sa ginagawa nitong pagdidilig atsaka nito nilingon ang gawi ko, "O sige iha, ako ang bahala," sagot niya sa tanong ko na siyang nagpangiti sa akin. "Yes! Thank you po Aling Bebang the best ka po talaga," ang nakangiti kong ani sakanya dahil sa labis na kagalakan. Since then, si Aling Bebang ang naging takbuhan ko sa tuwing kakailanganin ko ng magbabantay kay lola sa tuwing umaalis ako para sa trabaho at pag-aaral ko and Aling Bebang never failed to do that favor for me. At ang mas masama pa'y ginagawa niya ang favor ko na iyon for free kung kaya't hindi ko talaga naiiwasan na huwag mahiya sakanya. Inaamin ko, nahihiya ako sa tuwing inihahabilin ko si lola ko sakanya, nahihiya ako pero wala akong magawa dahil siya lamang ang tanging kakilala ko na maaring magbabantay sa lola ko, kung kaya't napag isip isip ko minsan na bigyan siya ng dalawang libo kada buwan, para pambawi man lang sa pagiging mabuti niya sa amin ng lola ko. Ngunit hindi niya tinatanggap ang dalawang libo na ibinibigay ko sakanya 'pagkat ay sinasabi niya lang sa akin na gamitin ko raw ang pera na ibibigay ko sana sa kanya sa pang kain at pang tuition ko. At sa tuwing tinatanong ko naman siya kung bakit ang bait bait niya pagdating sa amin ay ang tanging isinasagot niya lang sa akin ay, dadating rin ang panahon na ako ang mangangailangan ng tulong mo pero habang ikaw pa ang nangangailangan ng tulong ko'y ako muna ang tutulong sa iyo, at tanging ang hiling ko lang ay sana kung maabot muna ang mga pangarap mo'y sana hindi mo ko makakalimutan. Those words are the exact word na palagi kong naririnig sakanya sa tuwing itinatanong ko saknaya ang mga katagang iyon at itinatak ko talaga ang mga katagang iyon sa utak ko, dahil para sa akin, isa siya sa mga tao na naniniwala sa kakayahan ko and because of that I do need to treasure her and her words. Napatigil ako sa pag-iisip ko ng marating ko na ang carenderia na unang pagtratrabahuan ko. Nang dahil sa lalim ng pag-iisip ko'y hindi ko man lang namalayan na narating ko na pala ang destinasyon ko. Ang carenderia na ito ay walk in lang mula sa bahay namin kung kaya't hindi ko na kailangan pang sumakay ng jeep para lang marating ko ito na siyang ipinagpasalamat ko naman dahil kahit papano'y nakaka save ako ng pera. Dahil imbes na ang pera na gagamitin ko sana sa pamasahe ko sa jeep ay iniipon ko nalang. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko hinanda ang sarili ko sa maaring kahihitnanan ko sa pagtapak palang ng mga paa ko sa pintuan ng carenderia. "Bakit ngayon kalang?!" ang galit na tanong ng kung nino man sa akin pagkatapak na pagkatapak palang ng mga paa ko sa pintuan ng carenderia na siyang naging dahilan kung bakit ako napatigil sa paglalakad. Isang nag aanlinlangan na tingin ang ibinigay ko sa taong bumigkas sa mga katagang iyon. At wala sa sariling ako'y napalunok ng sunod-sunod ng makita ko ang talim ng mga titig niya. I'm doomed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD