Kabanata 3

1955 Words
KABANATA 3 Napatigil ang mga estudyante na kumakain sa carenderia dahil sa umalingawngaw na tanong na iyon at wala sa sariling ako'y napalunok ng maramdaman ko kung paano nabalin sa akin ang kanilang mga atensiyon. At sa puntong iyon ay doon ko palang naramdaman ang labis na hiyang hindi ko inaakalng mararanasan ko sa tanan' buhay ko, ang labis na hiya na kung saa'y mas pipiliin ko nalang na magpalamon sa lupa at maglaho na parang bula kesa sa manatili sa kinatatayuan ko. Isang hilaw na ngiti ang aking pinakawalan sa gawi ni mada'm nang sa gayon ay maitago ko ang hiya na nararamdaman ko. Nakita ko naman kung paano umisa ang isang kilay nito dahil sa ginawa kong pagngiti, na tila ba'y hindi ito nasiyahan sa inakto ko. Nakapameywang na sinenyasan ako nito, na tila ba'y pinaanyayahan ako nito na lumapit sa gawi nito. Natatakot man dahil sa mga bagay na maari niyang gawin sa aki'y pinilit ko parin ang sarili ko na ihakbang ang mga paa ko palapit sa gawi niya nang sa gayon ay hindi ko na madadagdagan pa ang galit na nararamdaman niya para sa akin. Alam ko kasi na mas magaglit pa siya sa akin kapag hindi ko sinunod ang utos niya kung kaya't kahit na'y natatakot man ako sa maari niyang gawin ay lumapit parin ako sa gawi niya nang nakayuko. Nang nakayuko, nang sa gayon ay maitago ko ang hiya na nararamdaman ko. Ramdam na ramdam ko ang mga tingin na sumusunod sa akin sa bawat paghakbang na ginagawa ko at hindi ko na kailangan pang mag-angat ng tingin para malaman kung kanino galing ang mga tingin na iyon 'cause obviously it was from them. From our costumers which happened to be my schoolmate. Yes, they're my schoolmates, we came from the same university. Katapat lang kasi ng carenderia na ito ang campus namin kung kaya't hindi na kataka-taka pa kung bakit dito kumakain ang mga estudyante. Gano'n gano'n nalang ang pagngiwi na nagawa ko ng maramdaman ko kung paano pingutin ni mada'am ang tenga ko pagkalapit na pagkalapit ko palang sa gawi niya which made them gasp. Kalauna'y ng mapagtanto niya siguro na nakatuon sa amin ang atensiyon ng mga kumakain ay sapilitan niya kong kinaladkad papasok sa kusina nitong carenderia habang hawak hawak parin ang tenga ko na sa pagkakataong ito'y siguradong sigurado ako na namumula na. "Ilang beses ko bang dapat na sasabihin saiyo na huwag na huwag kang ma-lalate ha? Dahil kailangan na kailangan ka dito?!" galit na tanong nito sa akin pagkapasok na pagkapasok palang namin sa kusina nitong carenderia at habang sinasambit niya ang mga katagang iyon ay mas naramdaman ko pa kung paano humigpit ang pagkakadiin ng pagkakahwak niya sa tenga ko na siyang naging dahilan kung bakit hindi ko naiwasan ang sarili ko na huwag mapadaing. "Aray ko po!" Tila natauhan naman ito nang marinig niya ang daing kong iyon dahil dali dali nitong inalis ang kamay nitong nakahawak sa tenga ko. Namamasa ang mga talukap na napahaplos ako sa tenga ko, putspa ang sakit. Ramdam na ramdam ko rin ang init nito, dulot ng ginawa niyang pag pingot sa akin. "So, bakit nga na late ka?" Napa-angat ako ng tingin dahil sa tanong na iyon, atsaka doon ko siya nakita na nakapameywang habang nakaisa ang isa ang kilay habang nakatingin sa gawi ko. "E kasi po, late na po akong nakatulog kagabi dahil nag-aral po ako para sa exam namin ngayon," nakatungong sagot ko sa tanong niya. Nakita ko naman kung paano lumamlam ang mga mata at mga balikat niya dahil sa naging sagot ko na iyon. "Gano'n ba?" Sa pagkakataong ito'y ramdam na ramdam ko na ang pagkaawa sa boses niya na tila ba'y nakokosensiya ito sa ginawa niya sa akin. Tumango ako bilang sagot sa taong niya, narinig ko naman kung paano ito mapabuntong hininga, "O siya, hugasan mo na 'yong mga nakatambak na mga plato na nasa lababo nang sa gayon ay makapag-aral ka na ulit," aniya na siyang naging dahilan kung bakit ako napangiti. Ang pagiging maunawain ni mada'm at ang kanyang pagiging matulungin ay ang isa sa mga rason kung bakit magpahanggang ngayon ay nandidito pa rin ako nagtratrabaho sa carenderia niya, na kahit na'y may marami naman akong rason kung bakit ko kailangang umalis sa trabaho na ito. At ang isa sa mga rason na iyon ay ang pagiging strikta niya, pero kahit ganon pama'y naiintindihan ko naman siya dahil alam ko na ang kapakanan lamang ng carenderia at ng mga trabahante niya ang iniisip niya. Ang kapakanan na kung saa'y at the end ay kami lamang ang makikinabang. At isa pa'y nagiging istrikta lang naman siya pagdating sa mga trabahante niyang pabaya..kagaya ko. Niyakap ko siya, naramdaman ko naman kung paano siya mapatayo ng matuwid dahil siguro sa pagkabigla dulot ng ginawa ko, "Thank you po," bukal sa loob na paghingi ko sakanya ng pagpapasalamat. Somehow, masasabi ko pa rin na grateful pa rin ako dahil sakaniya—sakanila kasi despite sa mga nagawa kong mali ay nandiyan pa rin sila na handang umunawa at tumulong sa akin. Kumalas ako mula sa pagkakayakap ko sakanya atsaka ko isinabit ang bag ko sa sabitan ng mga bag bago ko kinuha ang apron ko atsaka ito isinuot nang sa gayon ay maiwasan ko na huwag madumihan at mabasa ang uniform na suot suot ko. Mahirap na't wala pa naman akong extrang uniform lalo na't kalalaba ko palang kagabi sa isang uniform ko. Dalawang uniform lang kasi ang meron ako, kung kaya't sa bawat paghubad ko sa uniform ko ay ang paglaba ko naman dito, para sa makawala ay may maisusuot na naman ako. At saka isa pa, kailangan ko talagang magsuot ng apron lalo na't puti ang uniform ko. Mahirap pa namang tanggalin ang mantsiya at dumi sa kulay puti na uniform. Lumapit ako sa gawi ng lababo at wala sa sariling ako'y napabuntong hininga ng makita ko ang nakatambak na pinggan na siyang huhugasan ko. Kinuha ko ang sponge na may sabon na nakalagay sa lalagyan bago ko sinimulan ang paghuhugas ko sa mga pinggan. Hindi na bago para sa akin ang ganito karaming hugasin dahil sa bawat araw na nadidito ako'y palaging ito ang trabaho ko, ang maghugas ng napakaraming hugasin. But somehow ay hindi ko parin maiwasan ang huwag mabigla sa tuwing nakikita ko ang mga ito, hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil ito sa kadahilanang hindi ako sana'y na maghugas ng pinggan sa amin. Dahil kahit na'y matanda na si lola ay inaako niya parin ang mga gawaing bahay para kahit papano daw ay makakatulong siya sa akin na siyang ikinabahala ko naman dahil baka mapano si lola habang ginagawa ang mga bagay na iyon. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko magawa, lalo na't alam ko mismo sa sarili ko na kailangan ko rin ng tulong. "Hi po Ate Elen," ang bati ko kay Ate Elen ng makita ko siyang pumasok sa kusina. Binati naman ako nito pabalik bago nagtanong tungkol sa kung may ginawa ba raw si ma'am sa akin na masama except raw sa ginawa nitong pagpingot sa tenga ko. "Wala naman po Ate Elen," sagot ko sa tanong nito. "Mabuti naman kung ganoon iha," aniya bago lumapit sa gawi nong stove upang siguro'y simulan ang pagluluto niya. Si Ate Elen ang taga luto namin dito sa carenderia, samantalang ako naman ay ang taga hugas ng pinggan. Actually, apat kaming trabahante dito, si Ate Elen ang taga luto, ako ang taga hugas ng pinggan, at si Mark naman at si Jason naman ang taga serve. Samantalang si Madam naman ang nakatuka sa cashier. Nang matapos na ako sa paghuhugas ko'y agad agad kong ipinahid ang basa kong kamay sa apron na suot suot ko. Pagkatapos ay hinubad ko ito atsaka iniligay sa sabitan. At dahil may natitira pa naman akong oras bago magsimula ang unang klase ko'y kinuha ko ang bag ko atsaka doon inilabas ang mga aaralin ko. Iginugol ko ang mga ntitira kung oras sa pag-aaral ko tungkol sa magiging exam namin mamaya at dahil doon ay hindi ko na namalayan pa ang paglipas ng oras mabuti nalang at lumapit si madam sa gawi ko upang ibigay sa akin ang suweldo ko para sa araw na ito na siyang magiging baon ko naman sa pagpasok ko. "Thank you po, mada'm," ang nakangiti kong pagpapaslamat sakanya ng matanggap ko na ang suweldo ko para sa araw na iyon. Ngumiti ito, "Walang anuman," she said, "O siya't ipasok mo na sa bag mo ang mga notebook at libro mo nang sa gayon ay makaalis ka na, mahirap na't ma late ka lalo na't may exam pa naman pala kayo ngayon," dagdag pang aniya na siyang sinunod ko naman. Dali dali kong ipinasok sa bag ko ang mga notebook at books ko nang sa gayon ay makaalis na ako at makapasok na skwela. Nang matapos na ako sa pag-aayos ko ay isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko bago ako tumayo mula sa pagkakaupo ko, then I bowed my head, "Thank you po ulit," ulit ko pang sabi sakanya habang nakayuko. Pagkatapos ay muli akong nag-angat ng tingin atsaka siya tinalikuran, hahakbang na sana ako palayo sa gawi niya, pero hindi ko na ito naituloy pa ng marinig ko ang mga katagang hindi ko inaakalang magpapalambot sa puso ko, "Walang anuman ulit iha at saka sorry pala sa nagawa ko." See? I told you that na kahit gano'n siya'y may parte naman sakanya na mabait. Sa mundong ito ay may dalawang uri na masama, ang isa ay naging masama lang dahil sa ginawa mong bagay na ikinagalit niya ang isa naman ay inborn na ang pagiging masama. And in her case, naging masama lamang siya kanina dahil sa nagawa ko. Nakangiti kong nilingon ang gawi niya, "Ayos lang po iyon, kasalanan ko naman po e kung bakit niyo ko ginanon." Matapos kung sabihin sakanya ang mga katagang iyon ay tinalikuran ko na siya bago ko binuksan ang pintuan na nasa harapan ko. Hindi ko na hinintay pa ang mga katagang susunod niyang sasabihin dahil alam ko na kapag ginawa ko ang bagay na iyon ay mas mapapahaba lang ang usapan namin, which means maari na akong malate sa exam ko. Pagkalabas na pagkalabas ko palang mula sa kusina ay ang mga nag-aalang tingin na agad nila ang nabungaran ko na siyang naging dahilan kung bakit ako napayuko atska dali daling tinahak ang daan palabas ng carenderia. Akala ko nakaalis na ang mga iyon dahil tapos na silang kumain, 'yon tuloy naging kampante tuloy ako sa paglabas ko na wala na sila. Pero siguro yong may mga klase lamang ang umalis, dahil 'yong iba ay nandidito parin kahit na'y tapos na naman ang mga itong kumain na tila ba'y dito nila napili na tumambay. 'Tsaka palang ako nakahinga ng maayos ng makalabas na ako sa carenderia. Isang malalim na buntong hininga tuloy ang napakawalan ko. Hindi ko kasi inaakala na nakaka ilang pala kapag ang lahat ng atensiyon ay nakatuon saiyo. Nakakailang, 'yong tipong magdadalawang isip ka muna bago ka huminga dahil baka pati iyon ay sundan rin nila ng tingin. Nakak suffocate tuloy. Lumapit ako sa gawi ng pedestrian lane upang doon tumawid, at ng makita kong walang sasakyan na paparating sa magkabilaang bahagi ko'y 'tsaka palang ako tumawid. Pero akala ko lang pala iyon because little did I know ay may humaharurot na palang motor na paparating sa gawi 'ko which made me froze and before I could utter any words ay narinig ko na lang ang nakakabinging busina na galing sa motor na iyon kasabayan rin niyon, ay ang pag-alingaw-ngaw rin nang nakakarinding boses na galing sa may-ari ng motor na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD