Kabanata 4

2148 Words
KABANATA 4 "Magpapakamatay ka ba ha? Nakita mo namang may paparating na motor pero tumawid ka parin," ang nakakarinding galit na sabi sa akin nong may ari ng motor pagkababa na pagkababa palang niya sa motor na sinasakyan niya. Nanalaki naman ang mga mata ko dahil sa tinuran niya, kasabay niton ay nag pag-usbong ng galit sa puso ko. Aba'y tarantadu to ang lalaking to ah, ako ba naman ang sinisi e dapat nga'y siya ang dapat na sisihin dahil imbes na magdahan dahan siya sa pagmamaneho dahil sa kadahilanang may pedestrian lane ay nagpaharurot pa ito. Hindi ba nito alam ang batas ng daan ha? Ma samplelan nga ang lalaking ito. Ang siga e. "Hoy mister whoever you are ikaw pa talaga ang may ganang sisihin ako? E, samantalang ikaw nga ang dapat na sisihin dito dahil ikaw na yong muntikan na makasagasa sa akin!! Hindi mo ba alam ang batas ng—" Hindi ko na natapos pa ang balak kong sabihin ng mapatulala nalang ako dahil sa kadahilanang literal talaga na nag slow motion ang lahat ng makita ko kung paano dinahan dahan sa paghubad ng lalaking iyon ang helmet na suot niya. At hindi ko inaakalang na ang pagkakatulala kong iyon ay mas ma dodoble pa ng tuluyan na niyang mahubad ang helmet na suot suot niya. Shit! Ang hot mga sess parang artista. Sigaw ng utak ko ng makita ko na ng tuluyan ang perpekto niyang mukha. Pointed nose, heart shape lips, thick eyebrows, perfect jaw lines, messy curly hair and intimidating eyes. Ang mga katangian na iyon tungkol sa isang perfect character ay ang mga karanasang nababasa ko sa mga nobela at hindi ko inaakala na ang mga katangian na iyon ay ma idedescribe ko rin sa isang lalaki pagdating ng araw. Hindi ko inaakala na ang mga karaniwang katangian ng mga perfect-fictional characters sa mga nobela na nababasa ko ay ma idedescribe ko rin sa isang totong tao balang araw.. and the worst is that sakanya pa talaga. Sakanya pa talaga na muntikan ng sumagasa sa akin. "Did you know miss that it is rude to stare someone while bitting your lower lip?" Napaayos ako ng tayo dahil sa tanong niya na iyon. Kasabay niyon ay ang pamumula ng mukha ko ng mapagtanto ko ang sinabi niya. s**t. Did I just bit my lowerlip while staring at him? Damn. Lord ipalamon niyo nalang ako sa lupa please.. sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko inaakalang maiihiling ko ang mga katagang iyon dulot ng labis na pagkakapahiya. He chuckled nang makita niya siguro ang pamumula ng pisnge ko which made me more red and bow my head down, so that I can hide the redness of my cheecks kahit papano man lang, "And besides I know the law about the road miss, it is the Republict act no. 10913 and—" Hindi na nito natapos pa ang balak nitong sabihin ng isang nakakabingi na busina ang umalingawngaw sa gitna ng daan. At nang sinilip ko ang likuran niya ay doon ko nakita ang nakahilerang sasakyan sa likod niya na siyang nagpapakawala ng sunod sunod na pagbusina at dahil sa mga busina na pinapakawalan ng mga ito ay doon palang pumasok sa utak ko ang katotohanang nasa gitna pala kami ng daan and we just f*****g damn caused a traffic. Dali dali kong ipinagpatuloy ang paglalakad ko ng mapagtanto ko na mali ang nagawa namin—ng mapagtanto ko na kami ang naging sanhi ng traffic. At bago paman ako tuluyang makalayo sa puwesto ko'y narinig pa mismo ng dalawang tenga ko kung paano mapamura ang lalaki na iyon, kalauna;y narinig ko na lang ang muling pagpapaharurot nito sa motor nito. Muli akong napatigil sa paglalakad ko ng makarinig ako ng isang malakas na pagalingaw-ngaw ng bell. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin ng bell noon, kasabay ng panlalaki ng mga mata ko ay ang wala sa sariling paggalaw ng mga paa ko, na tila ba'y may sariling buhay ang mga ito. Inis swipe ko ang Id ko sa machine na naghihintay sa akin pagkadating na pagkadating ko palang sa gate. Sinaladuhan naman ako ni kuya guard ng makita ako nito, natatawang napailing nalang tuloy ako bago pumasok sa loob. Ang malawak na gymnasium na puno ng nagmamadaling mga estudyante ang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko palang. Napailing nalang tuloy ako dahil sa nakita ko. Looks like hindi lang ako ang ma la-late nito. I take my deep breath as I start to walk again, to walk towards the psychology department. Hindi na ako nagtaka pa ng madatnan ko ang ilang estudyante na nasa harapan ng elevator, 'cause like what I've said halos kaming lahat sa mga oras na ito ay nagmamadali. And this elevator is the fastest transportation that we can use as of now. Kasi kung mag hahagdan pa kami'y paniguradong hindi na namin maabutan pa ang certain time ng klase namin. Agad agad akong nakipag siksikan sa mga estudyante na katulad ko rin ay naghihintay ng makita ko kung paano bumukas ang elevator na nasa harapan ko. Ng makapasok na ako'y hindi na 'ko nag-atubili pang pindutin ang button na nasa harapan ko dahil paniguradong sa iisang floor lang naman ang tungo naming lahat na nadidito. Pareho kasi kami ng uniform na suot suot magkakaiba nga lang 'yong mark ng sakanila. Nang bumukas ang elevator ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras dali dali na akong lumabas atsaka tiningo ang classroom namin. Ang classroom ng Psycho-1, means that Psychology 1st year college. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang magulong classroom at magulong mga kaklase ko, isang palatandaan na wala pa si ma'am at hindi pa ako late. Mabuti naman kung ganoon. "Marsyy dito!" Wala sa sariling napatingin ako sa gawi nong pinanggalingan ng boses na iyon ng marinig ko ang pagtawag ng kung nino man sa palayaw ko. At wala sa sariling ako'y napangiti ng makita ko ang nakangiting mukha ng bestfriend ko habang kumakaway ito sa gawi ko. Agad 'kong tinungo ang kinaroroonan nito upang doon umupo sa upuan na katabi ng inuupuan niya, "Marsyy may chika ako." Hindi pa man ako tuluyang nakakaupo sa upuan na nakalaan sa akin ay iyon na agad ang ibinungad niya sa akin, wala sa sariling napailing tuloy ako, pag chissmiss ang usapan, asahan mo ng nangunguna ang kumag na ito. Dakilang chissmosa kasi ito e. "Ano naman?" tanong ko sakanya sabay lapag sa bag ko sa tabi nong kinauupuan niya atsaka umupo dito. At asahan mo na rin na kapag chissmosa ang kaibigan ay chissmosa rin ang kaibigan nito. "Alam mo ba na si Ma'am Buenaventura ay mag re-resign na?" tanong niya sa akin. Napatango naman ako. Alam ko na naman kasi ang tungkol sa bagay na iyon e, ,mismong si Ma'am Buenaventura pa nga ang nagsabi sa akin. "Alam mo na?" gulat niyang tanong sa akin. Na tila ba'y hindi niya inaasahan na mas mangunguna pa ako sa pagkalap ng mga balita. Baka nakakalimutan ng kumag na ito, na ako ang student assistant ni Ma'am Buenaventura kaya natural lang talaga na malalaman ko. Bagot naman akong tumango sa tanong niyang iyon bago kinuha ang libro ko sa psychology na siyang major subject namin ngayon. "Paano mo nalaman? At saka, kalian mo nalaman at ba't hindi mo man lang sinabi sa akin?" sunod sunod niyang tanong, isang palatandaan na nagsisimula na siyang mag hysterical. Ganyan naman talaga yan e, nag he-hysterical talaga yan, lalo na kapag nalaman niya na huli na pala siya sa balita. Ewan ko ba kung bakit, pero mukhang sakit na niya 'yan. "Nong nagbalak palang si ma'am na mag resign at saka isa pa, baka nakakalimutan mong ako ang student-assistant niya?" ani ko sakanya na siyang nagpabigla naman sa gaga. "Nong nagbalak palang si ma'am na mag resign?" gulat niyang tanong, napalakas pa ang boses niya habang sinasambit ang mga katagang iyon na siyang naging dahilan kung bakit nakuha niya ang atensiyon ng mga kaklase naming magugulo. Akala ko noon, sa high school lang magulo. Pero ng makita ko kung gaano kagulo ang mga kaklase ko ay doon ko napagtanto na possible rin pala iyon dito sa college. Akala ko kasi nong una na serious ang lahat ng estudyante dito sa college, pero may shunga shunga rin pala dito. Pinandilatan 'ko ng mata ang babaeng katabi ko, isang palantandaan na hinaan niya ang volume ng bibig niya dahil nakukuha na naman namin ang atensiyong ng iba. Ini-nguso ko pa ang gawi nong mga kaklase ko upang mapagtanto niya kung ano ang tinutukoy ko. Gulat itong napatakip ng bibig ng mapagtanto niya siguro ang nagawa niya, pagkatapos ay nag peace sign ang gaga sa mga kaklase namin, bago nagpakawala ng isang hilaw na ngiti. Napailing nalang tuloy ako. Gaga talaga. "So nong nag balak pa si ma'am na mag resign ay alam mo na?" pagtatanong niya, like she clarify that she heard it right. Tumango naman ako. "My ghad! Ba't hindi mo sinabi sa akin Marsyy? Nakalimutan mo na ba na may maganda s***h chissmosa kang kaibigan? Huhuhu. Ansama mo!" pag iinarte nito na siyang naging dahilan kung bakit ako napailing. Shunga itong kaibigan ko, kaya hindi na bago para sa akin ang pagdradrama niya na iyon. Shunga siya pero aminado naman siya na chissmosa talaga siya which is good. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ay alam ko na ang bawat liko ng bituka niya ganon rin siya sa akin, kaya hindi na ako nagulat pa ng makita ko ang reaksiyon niya na iyon. "Paano ko naman masasabi saiyo? E samantalang ito pa lang ang ikalimang araw mula ng magsimula ang klase? At alam mo naman na ang hectic hectic ng schedule ko nitong mga nagdaang araw at saka isa pa may marami akong aalahanin, kaya paano ako magkakaroon ng time na sabihin ang mga iyon sa'yo?" Mahaba kong paliwanag sakanya ng sa gayon ay tumigil na ang gaga sa pag-iinarte niya. May ganito kasi siyang attitude na kung saa'y kapag mahaba ang paliwanang mo ay tsaka palang siya titigil sa pag-iinarte niya. Pag maliit naman ang paliwanag mo'y mas titindi pa siya sa pag-iinarte niya. kung kaya't ganon ganon nalang talaga ang pagkakabilib ko sa jowa niya, dahil nakaya nitong alagaan ang kaibigan kung may ugali na hindi mo maiintindihan agad lalo na kapag mainitin ang ulo mo. Napaisip ito sa mga sinabi ko, "Oo nga 'no, ba't di ko naisip 'yon?" rinig kung ani niya, sinabayan niya pa ito ng pagtango. Napabuntong hininga nalang ako. Itong kaibigan ko talaga na ito e no. kakasimula palang ng klase namin pagkat kakagaling palang namin sa aming halloween sem break. At sa susunod na lunes nga'y wala na naman kaming pasok dahil sa christmass break namin. Ewan ko ba doon sa Ched at kung bakit hindi nalang rin nila binakasyon 'yong two weeks na klase namin, e samantalang 'yong sa mga public school naman ay bakasyon nila. Kami lang talaga itong may klase, 'yon tuloy tambak kami sa exams at projects. "Pero mars, may alam ka ba na sinabi ni ma'am saiyo, tungkol sa magiging kapalit niya?" tanong niya, umiling naman ako. Tanging sa impormasyon lang na iyan ay wala akong alam. Samantalang alam ko na kasi ang mga impormasyon tungkol sa mga rason ni ma'am kung bakit siya nag resign. At iyon ay ang doon niya daw sa ibang bansa balak ipagpatuloy ang pagtuturo niya dahil sa kadahilanang mag ma-migrate na daw sila ng pamilya niya. Mahilig mag kuwento si ma'am sa akin tungkol sa buhay niya dahil sa kadahilanang kami naman ang palaging nagkakasama dito sa paaralan. Ako kasi ang napili ni dean na maging student assistant ni ma'am kaya palagi kaming magkasama dito sa school na siyang ipinagsasalamat ko naman dahil naka-ka free ako ng lunch. Palagi kasi akong nililibre ni ma'am ng lunch, hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil iyon sa kadahilanang naawa siya sa akin, naawa siya sa kalagayan ng buhay na merona ko. Minsan ko na kasing nasabi sakanya ang mga hinaing ko sa buhay nong minsanan na niya akong tinanong kung bakit ko daw pinili na maging scholar ng school samantalang ang hirap raw non lalo na para sa working student na kagaya ko. Dito kasi sa school namin, bawa't guro dito ay may student assistant, student assistant na kung saa'y kinuha nila sa mga scholar ng school. Bali ang pagiging student assistant lang namin at ang pagiging palaging may mataas na grade ang pambayad ng fifthy percent ng tuition namin. Bali ang kung noo'y one hundred percent na binabayaran namin sa school kapag nagiging scholar ka ay fifthy percent nalang which is good for a poor student like me. Napatigil ako sa ginagawa kung pag-iisip ng mahagip ng mga mata ko ang pagpasok ng kung nino man sa room, kasabay niyon ay ang pagsitahimikan ng mga kaklase namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD