Dalawang oras na ang nakalilipas mula ng makauwi na kami sa bahay , at sa loob ng mga oras na iyon ay nilulukob ako ng kalungkutan. Kinailangan kasing maiwan ni Baby Zuriel sa ospital at manatili doon ng ilang linggo, ayoko pa sanang umuwi kundi ko lamang inaalala si Angelique, mula kasi ng manganak ako ay hindi ko na masyadong natututukan ang aming prinsesa. Araw-araw man siyang dumadalaw sa akin ay hindi ko pa ring maiwasan ang malungkot, sanay ako na palaging nakatutok sa kanya at sa mga pangangailangan niya. "Nanay? " nakalapit na pala siya sa akin ng hindi ko man lang namamalayan. "Yes baby? " "Malungkot ka po? " "Hindi naman, may iniisip lang si Nanay. Asan si ate Carmen? " "Naghahanda po ng snacks natin, sabi po kasi ni Tatay pakainin daw po kita eh. " wika niya saka umupo sa

