Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang mataman kong pinapanood si Warren na kasalukuyang nakayukyok sa hospital bed, marahan kong hinaplos ang kanyang ulo na siyang nakapagpagising sa mahimbing niyang pagtulog. "Misis! Kumusta pakiramdam mo? May masakit ba? May gusto kang kainin? Tell me! " hindi magkandaugaga niyang tanong sa akin napatayo pa nga at akmang pupunta kung saan, mabuti na lamang at nahawakan ko kaagad ang isa niyang kamay. "Wala, maupo ka na" "Sigurado ka? May pagkain naman dito, ipinagluto ka ni Nanay ng corn soup diba paborito mo iyon? " gusto ko sanang matawa sa sinabi niya, oo paborito kong kainin iyon noon...nung naglilihi palang ako, pero ngayon mas gusto ko pa yatang kumain na lamang ng tuyo. Hindi na rin naman ako naglilihi...hindi na rin naman ako buntis. Napaha

