"Hindi mo pa ba kakausapin ang asawa mo?" Tanong sa akin ni Nanay matapos niyang maihatid sa labas ng unit si Warren, nagkibit lang ako ng balikat saka ko kinuha ang isang magazine sa center table, isang buwan na rin ang nakalilipas mula ng umalis ako ng bahay naming mag-asawa, isang buwan ko na rin siyang iniignora, sa tuwing pupunta siya dito ay nandyang magtulug tulugan ako o kaya ay magla-lock lang sa kuwarto para hindi ko siya makita. "Saka na po Nay, wala pa po ako sa mood na kausapin yun. " sagot ko matapos maupo sa couch. "Aba' y kailan pa? Habang tumatagal lalo kayong nagkakalayo na mag-asawa, hindi mo kinakausap, ni harapin ayaw mong gawin, panay ang tago mo kapag narinig mo nang tumunog yang linsak na doorbell iyan. " "Ayaw ko pa ho talaga siyang makausap nay, saka hayaa

