"Tumawag si Warren, tinatanong kung nandito ka" pagbibigay alam sa akin ni Dora, sa kanya ako pansamantalang nakituloy matapos kong layasan si Warren, hindi ako nagpunta kay Jane dahil malalaman kaaad ng magaling kong asawa. "Anong sabi mo? " nanlalambot kong tanong, masakit kasi ang ulo ko mula ng magising ako, dala na rin siguro ng galit kahapon, hanggang ngayon umaalingawngaw pa rin sa isip ko kung paano ako sinigawan ni Warren, umiyak lang sa kanya si Cassidy, iyong babae na yun kaagad ang kinampihan, hindi pa rin siya nagbabago, kung ano lang ang nakita niya, kung ano lang ang narinig niya, iyon na kaagad ang paniniwalaan, hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na maipaliwanag kung ano talaga ang nangyari. Basta umariba nanaman yung pagiging bintangero niya kaya ako g

