"Warren!!! Oh my gosh! Hindi ko akalain na makikita kita dito" napalingon ako sa likod ko nang marinig ang boses ng babaeng tumawag kay Warren, sa tono pa lang kasi ng pananalita may halong landi na eh, pero ang inis na nagsisimulang bumangon kanina sa akin ay napalitan ng drum na insecurities dahil ang babaeng papalapit sa table na kinaroroonan naming mag-asawa ay tila isang diyosa. Napahawak tuloy ako sa mag-aapat na buwan kong tiyan baby masyado na yatang malaki si Nanay, hindi ka pa ba tapos sa mga hilig mong pagkain? Bilog na bilog na ang mga braso at hita ni Nanay eh, walang panama sa ganda ng katawan nung babaeng papalapit sa table natin. Lihim kong pagkausap sa bata sa aking sinapupunan, alam ko namang walang epekto kay Warren ang kaseksihan at kagandan niya, kaya naman kinalma ko

