Halos hindi mapuknat ang ngiti sa labi naming mag-asawa matapos ng monthly check up ko sa OB nagpa ultrasound na rin ako para alamin kung ano ang gender ni baby, wala ngang kaalam alam si Warren na ngayon namin malalaman kung baby boy ba o baby girl ang nasa sinapupunan ko, ang sabi ko lang kasi sa kanya kanina habang nagbibihis ay check-up lang. "Whew!!!" Sigaw nito ng makasakay kami pareho ng sasakyan, nanginginig nginig pa habang hindi mapakali sa pagkakaupo sa driver's seat. "Para kang sira" natatawa kong sabi sa kanya, nagulat pa ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit pagkatapos ay yumuko para halikan ang tiyan ko. "Kapit ka lang baby girl, excited na kaming makita ka, pero diyan ka muna sa tummy ni Nanay ha? Magpalakas ka pa diyan" bulong nito hinhimas himas ang

