"Ano? Dadalhin na ba kita sa ospital?" Nag-aalalang tanong sa akin ni warren matapos niya akong tabihan sa kama, kasalukuyan kasi akong nakakaramdan ng contractions. "Huwag muna, baka mamaya false alarm lang" nakangiwi kong sagot, pero sa totoo lang pakiramdam ko talaga lalabas na ang prinsesa namin, iba na kasi ang sakit na nararamdaman ko, yun nga lang kailangan ko munang magpanggap na ayos lang ang lahat para hindi mataranta si Warren, nung nakaraan kasi ay tinakbo niya kaagad ako sa ospital nung sabihin ko na naninigas ang tiyan ko. "Sigurado ka?" "Oo, sige na kumain ka na ng dinner. Magpapahinga na lang muna ako. " "No, hindi pwedeng hindi ka kakain masama sa iyo ang malipasan ng gutom misis, dadalin ko na lang ang pagkain dito kung hindi mo kayang bumaba. " "Okay" "Su

