Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon, lungkot dahil kasalukyan ko ng inaani ang bunga ng ginawa ko at masaya dahil maayos na ang kalagayan ng asawa ko ngayon. Kahit sina Mama ay hindi maitago ang tuwa sa nangyari, sa init pa lamang ng pagsalubong nila kay Althea ay talaga namang masasabi ko na namiss nila ang masayahing Althea. Pinili ko munang lumayo sa kanila na masayang nagkukwentuhan sa garden ng mansion, kahit naman hindi sabihin sa akin ni Althea, ramdam ko naman na ayaw niya akong napapalapit sa kanya o kahit man lang maramdaman ang presensya ko sa paligid. Nauunawaan ko naman iyon kaya pinili ko na lamang na umiwas na rin, hindi ko pipilitin si Atlhea na mapatawad ako, kung nakaya niya akong pagtiyagaan sa loob ng ilang buwan, ako, kahit gaano katagal,

