"Althea" "Huwag kang lumapit sa akin Warren! " napatigil ako sa tangkang paglapit sa kanya, galit...iyon ang nakikita ko sa mga mata niya kaya naman kahit labag sa kalooban ko ay hindi ko na muling tinangka na ihakbang pa ang aking mga paa. "Jane, Dora yung baby ko san nila dinala? " "Sis" "Saan dinala ang baby ko?" Paulit ulit niyang tanong, napatingin sa akin sina Jane na tila ba humihingi ng tulong, kaya naman hinigit ko na ang lahat ng lakas ng loob na maaari kong makuha sa katawan ko para sagutin ang tanong niya. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Na-nakalibing siya, ka-katabi ni Papa" isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin, kitang kita doon ang poot. Ang buong akala ko ay sisigawan niya ako, pero mariin niya lamang na ipinikit ang kanyang mata na tila ba pinipigil a

