"Warren..." "Hon..." agad kong ibinaba ang pagkaing hawak ko ng bigla siyang umiyak at pilit na nagsusumiksik sa headboard ng kanyang hospital bed. "Huwag!! ! Tama na Warren!! ! Tama na please?! Maawa ka...maawa ka sa baby natin" napaatras ako sa nakikita ko, nakayuko at nakasiksik siya sa head board habang ang mga kamay ay magkalapat at humihingi ng awa. "Parang awa mo na Warren! Maniwala ka! Ikaw...ikaw ang ama ng baby ko. Huwag mo kaming saktan maawa kaaaa! " Pati sina Nanay na kanina ay mahimbing na natutulog ay nagmamadaling napatayo sa couch at lumapit kay Althea. "Anak...tama na anak, ayos na ang lahat, nandito kami ng Nanay mo. " mahigpit na niyakap ni Tatay si Althea halata rin ang takot at lungkot sa mukha nito. Si Nanay naman ay lumabas ng silid para tawagin ang do

