Kung nakamamatay lang pag-irap ay kanina pa tumimbuang itong babaeng may sa higad yata ang lahi na panay ang pasimpleng pagdidikit ng dibdib niya sa braso ng asawa ko. Akala niya siguro ay nagugustahan ni Warren ang ginagawa niya dahil nakukuha pa nitong ngumiti, yun ang akala niya, dahil ang mga ganyang ngiti ni Warren ay ang isa sa pinakatatakutan kong makita. Sa loob ng ilang taon naming mag-asawa ay gamay ko na ang mga kilos at ugali niya, alam ko kung kailan siya seryoso at kung kailan siya nagbibiro, at sa itsura niya ngayon, hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon para komprontahin ang babaeng higad kahit na kanina pa ako nagngingitngit sa inis. Hahayaan ko na si Warren kung anong balak niya sa babaebg higad, hindi ako makikialam. "Tell your boss that I'll talk to him in 10 minut

