"Saan ba kasi tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong kay Warren na abala sa pagmamaneho, kanina ko pa siya inuusisa kung saan niya ako dadalhin pero hindi niya ako sinasagot ng maayos, nagulat na lang ako nang paggising ko ay may mga bag na sa paanan ng kama namin, saka niya ako pinagmadaling maligo. "Itatanan kita" napangiwi na lang ako sa isinagot niya, mukhang matagal niyang inensayo ang tugon niyang iyon dahil yun lang ang lumalabas sa kanyang bibig mula kanina. "Puro ka kalokohan, malayo pa ba tayo? " "Itatanan kita. " "Isa Warren, naiinis na ako ah, ano malayo pa ba tayo? " "Itatanan kita" "Bahala ka nga sa buhay mo, tinatanong ka ng maayos eh! " "Sungit" "Eh kung sana sinasagot mo na yung tanong ko eh di hindi kita susungitan, oo o hindi lang naman ang sagot sa tanon

