"Warren!!!" Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko ng makita ko kung paano ihagis ng magaling kong asawa si Angelique sa pool, tatawa tawa lang itong tumingin sa akin saka mabilis na dinaluhan ang aming anak na kasalukuyang nagpapapasag sa tubig. "Baliw ka talaga!!! Umahon na nga kayong dalawa at kumain na kayo rito! Mamamatay ako sa kunsumisyon sa inyong dalawa eh!!!" Tungayaw ko ng tuluyan na akong makalapit sa poolside habang karga ko si baby Zuriel na nagpapapasag din na tila ba gustong daluhan ang ama at ang ate niya sa tubig. "Sandali na lang misis, diba ate? " baling nito sa aming anak na ngayon ay nakapasan na sa balikat ng ama. "Opo. Nanay sandali na lang po, ikaw po di ka po magsu-swim? " "Mamaya na lang ate pag hindi na masyadong maaraw." "Si baby Zuriel po? " "Mamaya n

