"Ma'am andiyan na po sina Ma'am Jane" saglit akong natigilan sa pagsasara ng bag na naglalaman ng mga gamit ni Angelique, para yatang gusto ko ng magbago ng isip, pero ng mapadako ang tingin ko sa aking anak na tahimik na nakaupo sa kanyang kama habang yakap ang kanyang manika, naisip ko na siguro nga na makabubuti muna sa bata na pansamantalang lumayo sa bahay na ito. "Sige, pakibigyan na sila ng juice saka ng cake. Bababa na kami kamo. " baling ko kay Carmen na nakadungaw mula sa labas ng pinto. Isang linggong mamamalagi si Angelique kina Jane, iyon ang napag-usapan namin ng aking anak, nung una ay kinukumbinsi ko pa siya na hindi na iyon kailangan ngunit bandang huli ay wala na rin akong nagawa kundi ang pumayag. Hindi ko na ipinaalam kay Warren ang bagay na iyon, mamaya na

