Chapter 2

2592 Words
Nagising ako sa sinag ng araw na humahaplos sa aking pisngi, tinatamad pa akong bumangon pero kailangan kong gawin iyon para maipaghanda ko ng agahan si Warren. Linggo ngayon kaya umaasa akong maghapon ko siyang makakasama, kahit na puro p*******t at paninigaw ang inaabot ko sa kanya ay gustong gusto ko pa rin siyang makita. Naghilamos muna ako at nagsipilyo bago bumaba. Alas-siyete pa lang naman, malamang ay tulog pa siya sa mga oras na ito. Garlic rice, bacon, ham at itlog na sunnyside up ang paglakaluto ang inihanda ko para sa kanya. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagbaba niya papunta sa kusina kaya naman inihanda ko na ang mga plato at kubyertos niya, ipinagtimpla ko na rin siya ng kape. "G-goodmorning , kain ka na." Bati ko sa kanya, matalim na sulyap lang ang ibinigay niya sa akin saka umupo sa hapag kainan para magalmusal. Nanatili lang akong nakatayo sa di kalayuan para kapag may iniutos siya ay madali ko iyong magagawa. "Maghanda ka, may pupuntahan tayo." Malamig na utos niya pero may hatid iyon na tuwa sa akin dahil na rin sa narinig ko mula sa kanya. "O-oo sige, aakyat na ako. Iwan mo lang diyan ang mga pinagkainan mo ako ng bahala diyan mamaya." dali dali akong nagpunta sa silid ko, para maligo hindi ko maiwasang matuwa dahil sa unang pagkakataon sa loob ng apat buwan ay ngayon na lang uli ako makakalabas ng bahay. Kaya naman nagmamadali ang ginawa kong pagkilos baka mamaya mainip pa si Warren at biglang magbago ang isip. Halos kalahating oras lang ako nag-ayos, mas matagal pa ang ipinaghintay ko na matapos si Warren sa kanyang paliligo at pagbibihis, mahigit isang oras din siyang naghanda kaya naman tinapos ko muna ang mga hugasin na iniwan niya kanina nang mag-almusal siya. Excited talaga ako kya nang makita ko siyang palabas na ng bahay ay agad akong sumunid. “Buksan mo yung gate” utos niya sa akin bago siya sumakay ng kotse, inihagis niya pa sa akin ang bungkos ng mga susi. Habang nasa biyahe kami ay wala man lang nagsasalita, tahimik na tahimik kami sa loob ng kotse, gustuhin ko man siyang tanungin kung saan ang punta naming dalawa ay sinarili ko na lamang iyon, ayokong sirain ang araw niya. Isang oras din ang itinakbo ng aming biyahe, inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang kilalang boutique, na sa pagkakaalam ko ay pag-aari ng kaibigan ng kapatid ni Warren. "Baba" yun lang ang sinabi niya sa akin bago lumabas ng sasakyan at naunang pumasok sa boutique. Puno ng pag-iingat ang mga kilos ko, kanina kasi habang naliligo ako ay nakararamdam ako ng pagkirot sa bandang puson ko kaya naman hindi ko maiwasan ang mag-alala sa batang nasa sinapupunan ko ngayon. Kailangan kong alagaan ng mabuti ang anak ko, matagal ko siyang hinintay, baka mabaliw na ako ng tuluyan kapag nawalan nanaman ako ng anak ... sa pangatlong pagkakataon. Sa totoo lang ay nahihiya akong pumasok, isang tshirt na may kaluwagan, leggings at step in lang ang nakuha kong isuot, isa na lang kasi ito sa mga natirang damit na ako ang bumili, ang lahat kasi ng binili ni Warren para sa akin ay kinuha niya at pinasunog. Papasok na sana ako ng boutique ng hindi sinasadyang napatingin ako sa glasswall nito, halos madurog ang puso ko sa nakita ko. Oo alam ko na may ibang babae si Warren akala ko tanggap ko na iyon pero masakit pala kung harap harapan mong nasasaksihan ang pambabae ng asawa mo. Pinilit kong ayusin ang sarili ko bago pumasok sa loob, hindi ako magpapahalata na nakita ko silang dalawa, magbubulag bulagan na lamang ako, tutal yun naman ang ginagawa ko sa loob ng ilang buwan. Nakalapit na ako sa kanilang dalawa nang hindi nila namamalayan, tumikhim na lamang ako upang ipaalam sa kanila ang aking presensya. "So, it's true...your wife is pregnant. I wonder kung paano mo natatagalan ang makisama sa isang babaeng nagpabuntis sa hindi niya asawa." Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin, wala akong pakialam sa sinasabi niya, nangingibabaw sa akin ngayon ang galit dahil sa nakita kong eksena kanina. "Hindi ko akalain na pati pala sa mundo ninyong mayayaman ay nagkalat ang mga tsismosa," malamig kong tugon sa kanya, napansin ko rin ang pagtaas ng isang bahagi ng kanyang labi dahil sa sinabi ko, samantalang si Warren ay matiim akong tinitignan tila ba nagbabanta ang mga mata nito. "Well, kilalang tao ang lalaking niloko mo kaya bawat pangyayari sa buhay niya ay nalalaman ng mga tao, lalo na at ikaw ang naging dahilan kung bakit namatay si Tito Alfred. "Hindi-" naputol ang sasabihin ko ng mahigpit akong hawakan ni Warren sa braso, tila ba isang bakal ang kamay niyang inipit ang payat kong braso. "Stop it. Huwag kang gumawa ng eksena dito." Nanggigigil na bulong sa akin ni Warren saka marahas na binitawan ang braso ko. Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang, gustong gusto ko sanang ipagtanggol ang aking sarili pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon. "Tss...let's go Warren hayaan na natin ang mga assistants ko ang magsukat sa kanya." Sabi niya saka iniangkla ang mga braso kay Warren. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ako nandito, wala naman kasing sinasabi si Warren kung ano ang meron. "Hi Ma'am!" Bati sa akin ng isang babae na sa hinuha ko ay isa sa mga assistants na sinasabi ng kasama kanina ng asawa ko. Nahihiya akong ngumiti sa kanya, agad naman itong lumapit at iniabot sa akin ang isang portfolio. Namangha ako sa mga nakita kong disenyo ng mga damit doon, napag alaman ko rin na ang babaeng kasama ng asawa ko ngayon ay may mga kliyente ring kilalang personalidad sa ibang bansa. Kaya naman pala niya agad nakuha ang pansin ni Warren, bukod sa maganda at mayaman ay talagang may maipagmamalaki ito. Hindi tulad ko na second year college lang ang natapos. Iginaya ako ng babae na nagpakilala sa aking Clarisse na maupo muna sa isang couch, agad ko naman siyang sinunod pero ilang sandali pa ang lumipas ay napansin kong nakatingin siya sa akin... partikular na sa mga pasa ko sa braso. Isang ngiti lang ang ang ipinagkaloob ko sa kanya, hinawakan niya naman ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Wala mang namutawing kahit na anong salita mula sa kanyang bibig, sapat na iyon para malaman ko na mayroong isang taong nagmamalasakit sa akin. Binilisan ko na lang ang pagtingin sa portfolio at sa mga damit na naka display upang makaalis na kami dito dahi kitang kita ko ang ginagawang paglalambingan ni Warren at ni Clarisse. Tatlumpong minuto lang ay tapos na kami, ang akala ko ay sasabay pa sa amin ni Warren si Clarisse, naringgan ko kasi ang isa sa mga nag-aayos sa akin kanina na isa sa mga imbitado sa okasyon na dadaluhan naming mag-asawa ang kanilang boss, mabuti na lamang at mayroong dumating na kilalang artista kaya napilitan siyang magpaiwan. Dumiretso kami sa Mansion ng Mama at Papa ni Warren, suot ko na ang isang black haltered dress na napili ko kanina sa boutique. Habang pababa ng sasakyan ay iniisip ko kung ano ba ang okasyon ngayon, sa limang taon na pagiging mag-asawa namin ni Warren ay alam ko na kung kailan ang kaarawan ng magulang at mga kapatid niya, at wala kahit na sino sa kanila ang nagdiriwang ng kaarawan ngayon. "Bilisan mo." Malamig niyang utos, kasalukuyan na siyang nasa harapan ko at nakapamulsa, bakas sa mukha niya ang pagkainip at pagkairita. "Ah- oo eto na " nakababa na ako nang ialay niya ang isang kamay sa akin kaya naman nagtataka akong napatingin sa kanya. "Hold my hand, huwag mo akong bigyan ng ganyang reaksyon. Napipilitan lang akong gawin ito dahil nandito ang mga investors, dahil kung ako lang ang masusunod ay hinding hindi ko hahawakan ang kamay ng isang malandi at mukhang perang tao na katulad mo." Bulong niya sa akin pero nakangiti siya habang sinasabi iyon, may mga nagdadatingan na rin kasing nga bisita kaya niya ginawa iyon. Marahil ay nag-aalala siya na mapagpiyestahan nanaman ng ibang tao ang huhay naming mag-asawa. Kaya naman ginawa niya ito kahit labag sa loob niya. Nagtungo na kami sa malawak na hardin kung saan naroroon ang mga bisita, natanaw ko na rin ang mga kapatid ni Warren na masayang nakikipag-usap na ang hinuha ko ay mga kaibigan nila. Ang Mama naman nila ay abala sa pag-iistima sa mga bisita, nakangiti ito pero bakas pa rin sa mga ang pangungulila sa yumaong asawa. Iginiya na ako ni Warren na maupo, pinakamalaki ang table kung saan kami pumuwesto, malamang ay ang Mama at lima pa niyang nakababatang kapatid ang kasama namin sa table na iyon. "Kuya!!!" Napalingon ako sa tumawag sa asawa ko, si Vernice pala, ang bunso niyang kapatid dose anyos pa lang ito pero napakalaking bulas na, sa buong pamilya nila ay ito lamang ang hindi nagbago ang pakikitungo sa akin mula ng mamatay ang biyenan kong lalaki. "Be careful Vernice, ang laki mo na pero isip bata ka pa rin." Sita ni Warren sa kapatid, nakatayo pa rin siya sa tabi ko. "Duh!!! Bata pa rin naman ako eh, oh Hi ate Althea! You look stunning!!!" Namimilog pa ang mga mata nito nang batiin at purihin ako. "Salamat Vernice" nahihiya kong sagot sa kanya pero agad akong nailang ng mapako ang paningin niya sa mga braso kong nakahawak sa aking tiyan. Kinabahan ako bigla baka kasi makita niya ang mga pasa na bunga ng p*******t sa akin ng kuya niya, pero sinigurado naman kanina ng nag-ayos sa akin na hindi iyon mahahalata dahil na rin sa concealer at make up ma ginamit nila kanina. "Oh my gosh!!! May baby bump ka na ate!!!" Naupo pa siya sa silyang katabi ko, kitang kita ang excitement sa mga mata habang nakatingin sa akin. "Oo nga eh, kumusta ka na Vernice?" "I'm doing great, how about you?" " Ayos lang din." Nahihiya kong sagot sa kanya, hindi ko nga siya matingnan sa mata baka kasi mapansin niyang nagsisinungaling lang ako. Nagpaalam si Warren na haharapin muna ang mga bisita kaya nawala sandali ang atensyon ng nakababatang kapatid niya sa akin, tumango lang ako bilang sagot. Nakalayo na ang asawa ko ng muli akong tanungin ni Vernice, ninenerbyos ako, baka kasi magkamali ako ng sagot sa kanya, malilintikan nanaman ako kay Warren pag nagkataon. Hindi na yata maubusan ng tanong at kuwento si Vernice, ilang minuto na rin kasi ang lumilipas pero patuloy pa rin siya sa pagsasalita, natigil lang ito ng nagdatingan na ang iba pang mga kapatid ni Warren, lahat sila binigyan ako ng matatalim na tingin, sumunod na dumating sa table na kinaroroonan namin ay ang Mama at ang asawa ko aabutin ko sana ang kamay ng biyenan ko pero itinaas nito ang kamay tanda na hindi ko na kailangang gawin iyon. Ito na pala ang gabi kung kailan ipapahayag ng Mama na si Warren na ang opisyal na mamamahala sa Kompanyang iniwan ng kanilang ama, wala man lang akong ideya na pormal na pala siyang itatalaga ngayong gabi. Nagdinner din kami matapos ang programme, masasarap ang nga nakahandang pagkain kaya naman naparami ang kuha ko, hindi kasi ako nag almusal at tanghalian kanina puro tubig lang ang laman ng tiyan ko. Si Warren naman ay naglunch kanina kasama yung may-ari ng boutique. "Grabe..." napahinto ako sa pagsubo ng maulinigan ko ang bulong na iyon ng isa sa mga kapatid ni Warren, si Allysa ang pangalawa sa kanila. "Kuya, as far as I remember, nakapangasawa ng slut, social climber at cheap na babae, hindi ko akalain na patay gutom din pala ang yang babaeng yan." Napabitaw ako sa hawak kong kubyertos at napayuko. Dinig na dinig ko ang sinabing iyon ni Allysa, ang iba pa nilang kapatid pati na rin si Warren ay bahagyang natawa sa sinabi nito tungkol sa akin. Samantalang ang kanila namang Mama ay tahimik lamang at patuloy lang sa pagkain, si Vernice naman ay naguguluhang napatingin sa aming lahat. "Nagpabuntis sa ibang lalaki perol kay kuya ipinaako, kapal..." nakangising sabi naman ni Walter. "Ma-mag c-cr lang po a-ako...excuse-" "Oh why? Hindi ka natunawan sa dami ng food na kinain mo? Tssskk." Nang uuyam na sabi sa akin ni Allysa "No, mag-" "Baka naman ate Ally, maghahanap ng maa malaking isda?" Puro pang-uuyam, masasakit na salita ang natanggap ko sa mga kapatid ni Warren, sa kabila noon ay hindi man lang nag-aksaya ng panahon ang asawa ko na ipagtanggol ako,nakikitawa pa siya sa mga kapatid niya, si Vernice ay isinama ng Mama nila para maipakilala ito sa mga bisita. Akala ko, natanggap ko na lahat ng kahihiyan sa kamay ng magkakapatid, nagkamali pala ako, dahil mas lalo akong napahiya sa kamay ng iba pa nilang kamag-anak, at sa mga business partners ng Papa nila na nakakaalam daw sa nangyarai sa buhay ng pamilya namin. Naging maayos naman ang turn over ceremony maliban na lang sa mga mga pasimpleng pang-uuyam at pangyuyurak sa aking pagkatao, gusto ko na ngang umalisa sa lugar na iyon ngunit alam kong may kapalit nanamang sipa at suntok mula kay Warren kung ginawa ko iyon. Nakauwi na ang lahat ng bisita, nandito kami sa loob ng silid ni Warren sa mansion nung binata pa siya, dito na lang daw kami magpapalipas ng gabi dahil naparami ang nainom niya kanina kaya pinigilan na ng Mama at mga kapatid na umuwi. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin magising matapos ko siyang bihisan. Nasa kabilang side na rin kasi ako ng kama at aktong hihiga na. "Ma-matutulog na rin sana ako--aaay!!!" napasigaw ako ng bigla na lang ako nitong itinulak dahilan upang bumagsak ako sa sahig. "Get out!!!! Dun ka sa garden matulog! Wala kang karapatang pumasok sa bahay ng pamilya ko!!! Out!!!!" Hinaklit pa nito ang buhok ko kaya naman napatayo ako kahit na nananakit ang balakang ko dahil sa pagakakabagsak. "Warren, nasasaktan ako...la-labas na ako, bitawan mo lang ako please...." pilit kong iniaalis ang tila bakal niyang kamay sa pagkakahablot sa buhok ko, patuloy siya sa paghila sa akin, natatakot na ako, malapit na kasi kami sa grand staircase ng mansion. "Hindi ba sinabi ko sayo na ayaw kitang makasama sa isang kuwarto?! Tapos ang lakas ng loob mong tabihan ako ngayon?!!!" Tumigil na siya sa paglalakad pero hawak pa rin niya ang buhok ko saka iwinasiwas, pakiramdam ko matatanggal na ang ulo ko sa ginawa niya, hindi na siya nakuntento at dalawang beses akong sinampal ng malakas na naging dahilan para pumutok ang labi ko. "S-sorry hindi na mauulit.." basang basa na ang mukha ko dahil sa pinaghalong luha at dugo na nanggaling sa labi ko. "Talagang hindi na mauulit dahil sa oras na magtangka ka nanamang tabihan ako sa kama ay titiyakin kong mawawala na yang anak mo sa labas! Tandaan mo yan!" Banta niya sa akin. "Nice one kuya Warren!" Sigaw ni Walter, na lumabas pa talaga sa kanyang silid para manood sa ginawang p*******t sa akin ng kapatid niya. Pinilit kong tumayo kahit hilong hilo na ako, pinili kong tumuloy sa garden, doon na lamang ako magpapalipas ng gabi, baka mapahamak pa ang mga kasambahay nila pag pinatulog nila ako sa quarters nila. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa garden, dito na lang ako matutulog, wala na akong pakialam kung malamok at maginaw dito, pakiramdam ko kasi ay malapit na akong mawalan ng malay kaya nagmadali akong makarating dito, may bench naman, pagkakasyahin ko na lang ang sarili ko roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD