Chapter 3

2065 Words
Alas tres y medya pa lang ng madaling araw ayon sa suot kong wristwatch, gusto ko sanang pumasok para sana kumuha ng mainit na tubig na maari kong inumin, wala naman akong balak na humingi ng kape o gatas sanay naman ako sa ganun dahil gawain ko iyon sa probinsya pag walang pambili ng kape ang mga magulang ko. Napahawak ako sa aking mga braso,masakit pa rin, pati ang ulo ko ay nananakit dahil sa ginawag pagwasiwas dito ni Warren. Niyakap ko na lamang ang aking sarili, gusto ko na atang sumuko, iwan ko na lang kaya si Warren? Umuwi na lang kaya ako ng probinsya at doon palakihin ang anak ko? Nag-aalala na kasi ako para sa batang nasa sinapupunan ko lalo na at nagbanta si Warren sa kung ano ang maaari niyang gawin sa bata. Kilala ko si Warren kahit na nakainom siya ay alam niya at natatandaan niya ang mga ginawa at sinasabi niya. Anong oras kaya magigising ang mga kasambahay? Nangangatog na ang mga kalamnan ko sa lamig, lalo pang tumindi ang ginaw na aking nararamdaman nang biglang umulan ng malakas, nagmamadali tuloy akong tumakbo upang sumilong. Basang basa na ang aking damit kaya naman hindi ko na alam kung paano pa ako makakatagal pa dito sa labas, nawawalan na ng pakiramdam ang mga paa ko, habang walang tigil sa panginginig ang aking buong katawan. Panay na rin ang aking pagsilip sa loob ng mansion kung may gising na bang kasambahay, ngunit nananatiling tahimik sa loob. Alas kuwatro na nang napansin ko na may nakabukas ng ilaw sa loob kaya naman dahan dahan akong tumayo saka mahinang kumatok sa bintana ng kusina kung saan nakita kong nag-aayos si Aling Lupe ng mga ihahanda niya para sa almusal. Namamadali niya akong pinapasok bakas sa mukha ang matinding pag-aalala. "Naku hija ayos ka lang ba?" Tanong niya habang hinihipo ang noo ko."mataas ang lagnat mo anak, sandali at kukuha ako ng gamot, tuwalya at damit, Naku kang bata ka oh heto oh" iniabot niya sa akin ng isang tasa ng na naglalaman ng mainit na gatas at isang sandwich kaya naman napatingin ako sa kanya. "Para sa iyo iyan, alam kong nagugutom ka na" hinawakan niya pa ang kamay ko saka marahan iyong pinisil. "Mas makabubuti siguro kung iwan mo na si Warren, iligtas mo ang sarili mo at ang anak mo." Hindi ko man gusto na magpakita ng kahinaan kay Aling Lupe ay wala rin akong nagawa nang kusang tumulo ang mga luha ko. Marahil ay tama nga na iwan ko na si Warren para na rin sa kapakanan ng magiging anak ko. Pero mahal ko ang asawa ko, paano na ang ipinangako sa sa harap ng altar na mananatili ako sa tabi niya kahit anong mangyari? At higit sa lahat, wala akong ginawang masama sa kanya sa loob ng limang taon namin bilang mag-asawa. "Pag-iisipan ko po Nanay Lupe" pigil ang paghikbi kong sagot sa kanya. Isang mahigpit na yakap ang ipinagkaloob niya sa akin,dahil doon ay tila naramdaman kong kasama ko lamang ang Inay. "Sandali anak, kukuha lang ako ng gamot sa kuwarto at tuwalya. Nakalimutan ko na tuloy na mas kailangan mo iyon ngayon. Lesak na buhay ito oo.." Paalam nito bago nagmamadaling tumayo para pumunta sa maids quarter. Kinuha ko muna ang gatas at dahan dahang sumimsim doon, nabawasan naman ang nararamdaman kong lamig, wala akong ganang kumain dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Kung hindi lang dahil sa batang nasa sinapupunan ko ngayon ay hindi ko gagalawin ang sandwich na ginawa ni Nanay Lupe mas gusto ko kasing mahiga na lamang at matulog. "Ito hija gamitin mo muna. Pagpasensyahan mo na at puro daster lang ang mayron ako dito,hala sige magpalit ka na ng damit at nababad na iyang likod mo. Pagkatapos ay inomin mo na rin itong gamot ha?” iniabot niya rin sa akin ang isang tableta ng paracetamol. "Inumin mo yan anak ha? sabi ni John Lloyd sa tv ok daw yan inumin kahit buntis." “Opo. Salamat po." Agad kong tinungo ang cr upang maglinis ng katawan at na buntong hininga ang aking pinakawalan. "Mabuti pa at mahiga ka na muna doon sa silid ko hija at nang makapagpahinga ka na, hindi na kasi maganda ang kulay mo masyado ka ng maputla, mataas pa ang lagnat mo." ani Aling Lupe nang matapos akong magbihis, "H-hindi na po Nanay Lupe baka po magalit sa inyo si Warren pag nalaman niya." "Aysus! Wag mo akong intindihin kayang kaya kong harapin ang batang iyon." "Pero po-" "Hala sige na, humayo ka na doon sa kuwarto, ako nang bahala kay Warren, hindi naman ako pagagalitan nun, malaki pa rin naman ang takot sa akin ng batang iyon, subukan niya lang na magalit sa akin, mag-aalsa balutan ako." Wala na akong nagawa ng hilahin niya ang kamay ko para tumayo, hinatid pa ako ni Nanay Lupe sa silid na ginagamit niya. Sa anim na katulong dito sa Mansion si Nanay Lupe lang ang may solong silid, mayroon pa itong aircon, matagal na kasi siyang naninilbihan dahil ito pa ang nag-alaga sa Mommy ni Warren noon. Bumungad sa akin ang isang malaking kuwarto, pati ang kama ay malaki rin, may sarili rin itong cr. Ganito nila pinahahalagahan si Nanay Lupe, sana naman maramdaman ko rin muli na pahalagahan ni Warren. "Mahiga ka na hija,ako na ang bahala. Huwag kang mag-alala." "Salamat po talaga Nanay." "Walang anuman hija." Tinungo ko na ang kama, saka humiga, sana paggising ko tapos na ang lahat ng masasakit na pangyayaring ito sa buhay ko. WARREN Kanina pa ko paikot ikot dito sa mansion pero hindi ko pa rin makita ang babaeng yun, ang sabi ko sa garden sya matulog, kanina pagkagising ko ay agad akong nagtungo sa garden para icheck kung doon nga siya nagpalipas ng gabi pero wala ni bakas ng malanding yun. Unti unti ng nag-iinit ang ulo ko, hindi ko talaga makita!!! Wala naman akong planong magtanong sa mga kasambahay lalo na kay Nanay Lupe dahil sumama ang loob niya sa akin dahil sa ginawa ko sa babaeng yun, nakita niya kasing kinakaladlad ko yung malandi kong asawa. Matagal na akong pinagsasabihan ni Nanay, pero sa tuwing makikita ko ang pagmunukhani Althea ay sumusulak ang galit ko lalo na at nabuntis pa siya ng lalaki niya na mahigpit na kalaban sa negosyo namin ni Papa. Nagtungo na ako sa dining room, nandoon na kasi sina Mama at ang mga kapatid ko para mag-almusal, wala din doon si Althea, sa oras na malaman ko na nagkita nanaman sila ng lalaki niya mata niya lamg ang walang latay. "Good Morning kuya!" Nakangiting bati ni Vernice sa akin, sa aming magkakapatid siya lang ang bukod tanging hindi nagbago ang pakikitungo sa taksil kong asawa. Nakakapagtaka lalo na at nadoon siya ng atakihin si Papa sa opisina habang kausap si Matheo Andrada, ang lalaking bumuntis sa asawa ko. Wala kaming inilihim kay Vernice, lahat ng nangyari at kung bakit inatake si Papa ay sinabi namin sa kanya, na isa sa mga dahilan kung bakit hindi na namin makakasama pa ang Papa ay si Althea, pero nanatili itong malapit sa babaeng iyon. "Good Morning Ma, morning Vernice" bati ko sa kanila ng makaupo na ako, isang linggo akong bakasyon sa opisina, kaya naman marami akong oras para magpahinga medyo masakit pa din kasi ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. "Kuya asan si Ate Althea? Hindi ba siya gutom? She needs to eat a lot kawawa naman ang pamangkin ko sa tummy niya." Tanong ni Vernice sa akin, mapansin ko naman na natigilan si Mama pati na ang iba ko pang kapatid. "Nandyan lang, wala daw siyang ganang kumain" sagot ko na lang dahil ang totoo ay hindi ko talaga alam kung nasaan ang malanding iyon. "Huh? I looked for her all over the mansion pero hindi ko siya makita, diba both of you stayed here last night?" "Vernice, finished your food, enough of those non-sense questions" kastigo ni Allysa sa aming bunsong kapatid si Mama, nanatili lamang na tahimik samantalang si Walter ay nakatingin sa akin habang nakangisi. Tila naman hindi inintindi ni Vernice ang pagsuway sa kanya ni Allysa dahil nang makita niya si Nanay Lupe ay ito naman ang inusisa niya. "Nanay...have you seen Ate Althea?" "Nasa silid ko hija nagpapahinga" napatingin ako kay Nanay pormal lamang ang mukha niya malayo sa Nanay Lupe na palaging may nakahandang ngiti para sa lahat. "Bakit nandoon siya? Diba dapat na dun siya sa room ni Kuya nagpapahinga?" "Naku anak nasaraduhan daw siya kagabi,nahihiya naman siyang kumatok dahil tulog na tayong lahat kaya pinili niya na lang na maghintay mg umaga sa garden, kaya ayun mataas ang lagnat ngayon." "Oh my! Mama, can we call Ate Sophia?" "Later sweetheart, we will call Sophia to check on Althea's condition." Isang makahulugang tingin lamang ang binigay sa akin ni Mama. Sinunod naman ni Vernice ang sinabi ni Mama hindi na ito nag-usisa pa ng kung anu-ano. Tinapos niya muna ang pagkain saka nagmamadaling pumunta sa silid ni Nanay Lupe. Hindi pa man ito nagtatagal sa silid ni Nanay Lupe ay humahangos itong bumalik sa dining room. "Mama!!! We need to call Ate Sophia now!" Pilit pa niyang hinihila si Mama saka dinala kung nasaan si Althea kaya naman nagkatinginan kaming magkakapatid saka sabay sabay na tumayo at sumunod sa kanila. Nadatnan namin doon si Althea na nakatalukbong ng makapal na kumot na tila ba ginaw na ginaw, kitang kita ang panginginig ng katawan nito kahit na nakapatay naman ang aircon pati ang electricfan. Lahat sila nakatingin sa akin, inaabangan ba nila kung ano ang gagawin ko sa babaeng yan. "Warren, dalhin mo na si Althea sa kuwarto mo." Baling sa akin ni Mama na ngayon ay nasa tabi na ni Althea na tila may magagawa ang pag-akap niya dito para maibsan ang ginaw na nararamdaman ng babaeng iyon. "Ma, alam mo namang----" "Enough Warren, just do what I say. Kailangan siyang macheck ni Sophia. Nanay Lupe pakitawagan si Sophia, pakisabi emergency " Wala na akong nagawa kundi ang lumapit, labag man sa kalooban ko ay kinarga ko siya tulad ng sinabi ni Mama at dinala sa aking silid Doon ay pinalitan siya ng damit ni Mama na hiniram pa mula kay Allysa, pero bago pa pumayag ang kapatid ko ay katakot takot na pilitan pa ang nangyari. Tiyak ko na nakita ni Mama ang mga pasa sa katawan ng babaeng iyon. Sinasadya ko na magmamarka talaga ang bawat suntok at hampas na ibinibigay ko sa kanya dahil gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang nagingitim niyang balat dahil sa mga pasa. Hindi tulad ng ginawa niya sa akin at sa pamilya ko. Walang nakakakita ng sugat na idinulot niya sa akin, sugat na tila hindi naghihilom sa bawat araw na lumilipas. Kung sinabi niya sa akin ng maaga na ayaw niya na sa piling ko ay marahil binigay ko ang gusto niya, pero mas pinili niyang manatili sa tabi ko habang may ibang lalaki palang siyang kinakalantari. Sigurado ako na pera ang dahilan kung bakit hindi niya ako maiwan iwan, dahil kung ikukumpara ang yaman ko sa lalaki niya ay milya milya ang pagitan naming dalawa. Kumabaga nasa kataas taasan ang yaman ko samantalang ang hayop na lalaking iyon ay nasa kailailaliman ng lupa. Nagtungo na lamang ako sa study room ni Papa, ganoon pa rin ang ayos pero bumangon nanaman ang galit ko nang makita ang family picture namin nakasabit sa likod ng swivel chair niya. Nakangiti kaming lahat, wala kaming kamalay malay na may kasama pala kaming ahas picture na iyon. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko, ngayon lang...ngayon lang ako umiyak, kahit nang ilibing si Papa ay wala ni isang luha ang lumabas sa mga mata ko. Ngayon lang habang tinititigan ko ang nakangiti niyang mukha, kung sana ay hindi ko dinala ang babaeng iyon sa buhay namin ng pamilya ko, kung sana hindi ko siya pinakasalan...buhay pa sana ang Papa, hindi namin naranasan ang masaktan at mawalan ng isang ama. Kung maibabalik ko lang sana ang mga nangyari noon ay hindi hindi ko na hahayaang makapasok pa sa pamilya ko si Althea. Si Althea, siya ang napakalaking pagkakamali na nagawa ko. Hindi ko siya mapapatawad, sila ng kanyang kabit, isama pa ang batang nasa sinapupunan niya ngayon. Sisiguradhin kong magiging impiyerno rin ang buhay ng anak nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD