Chapter 4

1650 Words
“Dito na muna kayo manirahan uli ni Althea anak” natigil ako sa akmang pagsubo ng aking pagkain, itinuloy ko kasi ang naudlot kong pag-aalmusal kanina dahil sa babaeng iyon. Napakaraming arte, kaya naman palang tumayo upang uminom ng gamot gumawa pa ng eksena kanina. Kahit kailan ay kulang sa pansin ang lintik na babaeng iyon. Kung wala lang si Mama kanina sa silid ay iningudngod ko na siya sa sahig, kaya lang talagang binantayan siya nina Mama at Vernice hanggang sa mapainom ng gamot. “Okay naman ako sa bahay Ma, nakakakain naman ako” sabi ko na lang saka itinuloy ang pagsubo. “Hindi ikaw ang inaalala ko Warren, si Althea. Sa mga nakita ko kanina, hindi ako matatahimik kung kayong dalawa lang ang magkasama sa bahay. Hindi ka ba naaawa sa asawa mo? Isa pa, alam mong buntis si Althea, alam mo rin kung ano ang kondisyon niya bakit mo ginagawa iyon? Paano kung may mangyaring masama sa bata, kakayanin ba ng kunsensya mo na ikaw mismo ang dahilan kung bakit nawala ang anak mo?” “Ma, ilang beses ko bang sasabihin na hindi sa akin iyon? Pasalamat nga siya kinukpkop ko pa siya, hindi ko siya pinalayas kahit iniputan niya ako sa ulo. Saka bakit ka concern sa kanya? Ma, siya ang dahilan ung bakit namatay si Papa, kung hindi dahil sa kanya at sa kalandian nya buhay pa sana si Papa ngayon” naiinis kong wika, nawalan na ako nang ganang kumain, naiinis kong pinunasan ang aking labi saka uminom ng tubig. “Mauna na ako Ma, may kausap ako mamayang alas dies” paalam ko, ngunit hindi pa man ako nakakatayo sa aking kinauupuan ay mahigpit na akong hinawakan ni Mama sa isang braso. “Hindi ka aalis Warren, mag-uusap tayo hanggang sa tumanim diyan sa isip mo na mali ang ginagawa mo sa asawa mo!” “Ano bang mali Ma? Hindi ba at nakita mo na ang mga ebidensya ng kalandian niya? Sino ba ang kasiping niya sa mga litratong iyon? Ako ba? Hindi ba si Matheo?” “Nakita ko! Pero ako anak, pinaiiral ko ang isip ko, hindi ang damdamin ko! Nagpapaimbestiga ako, ikaw ginawa mo ba? Kailan mo titigilan ang p*******t kay Althea? Kapag patay na ang asawa mo? Kapag nalaglag na ang bata sa sinapupunan niya? Kailan mo paiiralin ang isip mo? May pera ka! Kaya mong magbayad ng mga private investigators para kumpirmahin ang mga ipinupukol mo sa asawa mo, bakit hindi mo gawin anak?” “Sapat na sa akin ang mga nakita ko Ma” wika ko saka mabilis na umalis sa dining area, nakasalubong ko pa si Walter na mukhang hindi rin nagustuhan ang mga sinabi ni Mama. Habang nasa sasakyan ay walang tigil ang pagbabalik ng mga nangyari nitong mga nakaaang buwan, gustong gusto kong sakalin si Althea lalo na sa mga oras na ito. Hindi ako makapaniwalang pati si Mama ay nagawa niyang utuin, napangisi na lang ako, hanga talaga ako kay Althea, napakagaling niyang artista. Nagising ako mahihinang tapik sa aking balikat, kahit hirap na hirap akong imulat ang aking mata ay ginawa ko pa rin, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Mama, marahan niyang hinaplos ang noo ko. “Kaya mo bang tumayo?” malambing niyang tanong sa akin. Tango lamang ang nagawa kong isagot, marahan akong kumilos, inalalayan naman ako ni Mama, nahihiya pa nga ako dahil sa nangyari kanina, naabala pa sila sa pag-aagahan. Lalo na si Mama at Vernice na talaga namang hinintay pang matapos ang pagtingin sa akin ni Ate Sophia bago umalis ng silid. “Salamat po, naabala pa po kayo, uuwi na rin naman po kami mamaya ni Warren” nahihiya kong sambit sa aking biyenan. Kinuha niya ang isa kong kamay at mahigpit iyong hinawakan, hindi naman ako nasasaktan pero gulat akong napatingin sa kanya, doon ko nakita ang mga luhang unti-unting namumuo sa kanyang mga mata. “Mama--” “Pasensya ka na anak” napahagulgol na si Mama, ako naman ay natigilan dahil wala akong maisip na gawin nang mga oras na ito. Binitawan niya ang aking kamay at marahan niyang hinaplos ang aking mga braso, paulit-ulit iyon, hanggang sa ang mukha ko naman ang marahan niyang hinaplos habang wala siyang tigil sa pag-iyak. Ako naman ay nahihirapang na ring huminga dahil sa pagpipigil ng aking mga luha. “Sumama ka sa akin Althea, ihahatid kita sa Nanay at Tatay mo, ilalayo muna kita kay Warren. “Pero Mama… paano po si Warren? Magagalit siya nang husto sa akin, natatakot po ako, baka madamay sina Nanay at Tatay pati na ang mga kapatid ko kung aalis ako sa poder niya.” “Huwag mong intindihin ang asawa mo, ako na ang bahala sa kanya. Kanina inisip ko na dito na lang kayo tumira, pero narealize ko na kahit nandito kayo, kung gusto kang saktan ni Waren ay magagawa niya, hindi ko kayang mangyari pa sa iyo ang mga pinagagagawa niya sa iyo nitong mga nakaraang buwan, kaya naman iuuwi na lang muna kita sa probinsya ninyo hanggat sarado pa ang isip ng asawa mo” “Salamat po Mama…Pero baka po pati sa inyo magalit si Warren, tama na po na sa akin na lang siya magalit, mas kailangan niya po kayo lalo na ngayon.” “Huwag mo nang intindihin ang asawa mo hija please, isipin mo na lang ang bata, maawa ka rin sa anak mo, hindi nyo dapat ito nararanasan hija, hindi ka dapat nasasaktan ng ganito. Diyos ko, Althea maawa ka sa sarili mo. Anak ko si Warren pero halimaw na ang tingin ko sa kanya sa mga oras na ito, kilala ko ang batang iyon masama talaga siyang magalit, hindi dito natatapos ang mga p*******t niya sa iyo, kaya naman hanggat may pagkakataon umalis ka na dito” wika ni Mama, kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pinaghalo halong emosyon ngunit mas nangingibabaw doon ang desperasyon. “Ito dalhin mo ito” iniabot niya sa akin ang isag tseke, ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang nakasulat. Isang milyong piso, masyado na itong malaki para sa amin na simple lang ang pamumuhay sa probinsya. “Ma, masyado pong malaki ito-” “Hindi anak, kulang pa nga iyan, isipin mo na lang ang mga gamot na kailangan mong inumin pati na rin ang pang-inject mo, gusto kong makasiguro na maayos mong mailuluwal sa mundo ang apo ko. Kapag nakapagpahinga ka na doon, ay magbukas ka ng account, at ipaalam mo sa akin ang mga detalye upang makapag deposit ako kahit na ano mang oras.” “Sobra-sobra na po ito” umiiyak ko na ring tugon, ayoko mang iwan si Warren ay kailangan ko nang gawin, masakit mang aminin pero hindi na kami ligtas ng ipinagbubuntis ko sa piling ng kanyang ama, ayoko mang talikuran ang sumpaan namin sa harap ng altar ay pikit mata akong aalis sa piling niya, mayroong isang walang muang na bata ang maaaring mapahamak, tama na ang dalawang sanggol na nawala sa amin noon. “Patawarin mo sana si Warren sa mga ginagawa niya sa iyo, huwag kang mag-alala, malapit na itong matapos” “O-opo, mahal ko po si Warren, naiintindihan ko naman po ang pinanggagalingan ng galit niya, pero po sana Mama, maniwala po kayo na wala po talaga akong alam sa mga ibinibintang niya, hindi ko po sya kailanman pinagtaksilan” patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko, lahat ng mga nais kong sabihin nitong mga nakaraang buwan ay nagawa kong bigkasin kay Mama. “Oh siya sige, kumain ka na, inumin mo itong gamot, pagkatapos ay maligo ka na, ipinakuha ko ang mga damit ninyo kanina sa bahay.” pagtatapos niya sa aming usapan. “Sige po” muli niyang hinaplos ang aking pisngi pagkatapos ay tumayo na rin at lumabas ng silid, ako naman, kahit nanghihina at wala pa ring gana ay pinilit na maubos ang inihandang pagkain, kailangan iyon para mabilis na manumbalik ang aking lakas. Itinabi ko na ang tray sa side table at maingat na tumayo mula sa kama, ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay biglang umikot ang aking paningin pagkatapos ay tila nagdilim ang aking paligid. “Hinayaan nyo na lang sana na sa bahay na lang yan Mama, magagastusan pa ako niyan” sita ni Warren sa ina, nasa isang ospital sila ngayon kung saan dinala si Althea at kasalukuyang naka confine, tumawag sa kanya ang ina kanina habang nasa kalagitnaan ng meeting at ibinalitang isinugod nga nila ang babae sa ospital dahil nadatnan itong walang malay sa kanyang silid. Hini naman siya nag-alala sa katunayan ay tinapos na muna niya ang nasabing meeting at naglibot-libot muna sa isang mall bago niya puntahan ang asawa bagay na ikinagalit ng kanyang Mama, matagal tagal din siyang sinermunan at tumigil lamang nang may pumasok na nurse. “Ako ang magbabayad! Sobra ka na Warren! Wala ka talagang pagpapahalaga sa asawa at anak mo! Sige umuwi ka na, ako na ang bahala kay Althea” pagtatboy nito sa kanya saka siya tinalikuran, inis naman siyang lumabas ng silid na iyon, hindi naman siya aalis, babanatayan din naman niya ang babae, mahirap na at baka makatakas pa ito sa kanyang poder. Kapag nangyari iyon ay hindi siya makakaganti. Nagtungo lamang siya sa smoking area, yamot na nagbuga ng usok nang maalala na sa mansyon na nga pala sila pansamantalang mamamalagi, lalo pang tumibay ang desisyon ng kanyang ina nang malaman na kailangang mag bedrest si Althea. Wala sa loob na napatingin siya sa kanyang kamao, tila ba nagangati ang mga ito at gustong manakit sa mga oras na iyon, sayang nga lang at kasama ngayon ng kanyang Mama si Althea, dahil kung sila lang na mag-asawa ay walang sabi-sabi niya paliliparin ang kanyang kamao sa ano mang parte ng katawan ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD