Malakas na palo sa balikat ang gumising sa akin, nakita ko agad ang salubong na mga kilay ni Warren, akma sana akong tatayo nang maramdaman ko na may kung anong bagay ang nakakabit sa aking kaliwang kamay, doon ko lang naalala na nasa ospital pa nga pala ako. Mag-aapat na araw na ako dito at kung papalarin ay makakauwi na rin ako bukas, iyon ang sabi sa akin ni Mama, yun nga lang ay hindi na matutuloy ang plano namin na umuwi muna ako sa probinsya gawa nang maselan ang kalagayan ko ngayon.
“Kumain ka, iinom ka pa daw ng gamot mo, pasalamat ka mahigpit ang bilin sa akin ni Mama na pakainin ka kundi hahayaan kitang magutom diyan.” Bakas ang inis sa boses ni Warren kaya naman pinilit kong tumayo kahit dahan-dahan. Kinuha niya ang tray saka iyon ipinatong sa aking mga hita, mainit ang sabaw na nasa isang mangkok kaya nararamdaman ko iyon sa aking balat. Alam kong nakikita ni Warren na hindi ako kumportable ngunit hindi man lang ito kumilos upang tulungan ako o kuhanin man lang ang isang tray holder nasa isang sulok lang ng silid.
“Wa-Warren, puwede bang pakilagay dito yung--” hindi ko na naituloy ang dapat sana ay sasabihin ko paano ay isang matalim na tingin ang ipinagkaloob niya sa akin ngunit kumilos naman siya upang ilapit sa akin ang bagay na iyon. Nagpasalamat na lang ako sa kanya pagkatapos, siya naman ay tahimik na umupo sa couch at kinuha ang cellphone. Gusto ko mang tanungin kung sino ang kausap niya ay hindi ko magawa at baka magalit nanaman siya sa akin, okay na nga nitong mga nakaraang araw, kahit paano ay nababawasan na ang kanyang p*******t, unti-unti na ngang gumagaling ang mga pasa na natamo ko sa mga nakaraan niyang pang bubugbog.
“Pagkalabas mo dito, doon muna tayo kina Mama tutuloy” gusto ko yatang maiyak. Iyon ang unang beses sa loob ng isa at kalahating buwan na malumanay akong kinausap ng aking asawa, tila ba nagbago na ang ikot ng mundo ko nang hindi ko marinig sa kanyang boses ang galit, bagkus ay malumanay niya iyon sinambit sa akin.
“Na-nasabi nga sa akin ni Mama, pasesnya na kung pati sila naabala ko” tinatamad niya lang akong tinignan pagaktapos ay muli niyang itinuon sa kanyang cellphone ang atensyon. Napasaya niya ako ngayon, dahil siguro doon ay naubos ko ang aking pagkain, masaya ko ring hinaplos ang aking tiyan, natutuwa talaga ako, ngunit ang tuwang iyon ay agad na napalis nang makita kong matalim na tinititigan ni Warren ang aking tiyan. Agad kong ipinalibot ang aking mga kamay sa parte na iyon ng aking katawan, ramdam ko rin ang pangininig ang aking kalamnan.
“Wala akong gagawin sa iyo, kaya tigilan mo ang kakaarte mo ng ganyan” wika niya sa akin. Nang lumabas lang siya ng silid ay doon lang ako kumalma, hirap man akong kumilos ay nagawa kong iligpit ang aking pinagkainan at itinabi iyon sa bedside table. Isinandal ko na lang ang aking likod at tumanaw sa bintana, sa ganoong ayos ako naabutan ni Mama at Vernice.
“Hi Ate! Uuwi ka na bukas! Sabi ni Mama doon muna kayo titira ni Kuya? Tuturuan mo ako uli sa mga assignments ko?" tila ba nagniningning ang mga matang tanong ni Vernice, tuloy ay hindi ko napigilan ang mapangiti.
"Pasensya ka na hija, namimiss ka na talaga ni Vernice" wika ni Mama nang makalapit siya sa akin, hinaplos niya muna ang kamay ko bago ibinaba ag mga dala niyang prutas sa table, si Vernice naman ay pumuwesto na ng higa sa akjng tabi.
"Kumusta na anak? Mabuti at naubos mo ang pagkain mo" ani Mama, nang mapansin niya ang mga pinagkainan ko. "Nakausap ko nga pala si Sophia, dalawang linggo ka munang nakabedrest hija" napatango na lamang ako, mabuti nang ganoon kaysa mawala sa akin ang ipinagbubuntis ko. Napag usapan na rin namin ni Mama ng pahapyaw ang balak namin na pag-uwi ko sa probinsya, maaantala lamang iyon ngunit tuloy pa rin ang plano sa oras na umayos na ang kalagayan ko.
"May ginawa ba siya uli?" usal ni Mama, hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Vernice kaya naman nagtanong ito kung ano ang pinag-uusapan namin kaya naman inutusan muna siya ni Mama na pumunta na lamang sa ang dalaga sa clinic ni ate Sophia uoang makapag-usap kami nang sarilinan.
"Sinaktan ka ba uli ni Warren?" tanong uli ni Mama nang makalabas si Vernice, mukhang hindi naman siya nababahala na baka dumating si Warren, marahil ay nagkita na sila ng asawa ko bago sila pumasok dito.
"Hindi na po Mama, galit lang po siya kapag kinakausap ako pero hindi na niya ako sinaktan uli" sabi ko na lang, hindi ko na binanggit ang hinawang paghampas sa akin ni Warren nang ginigising niya ako kanina. Wala naman iyon kumpara sa mga naranasan ko sa kanya nitong mga nakaraan.
"Mabuti naman, dahil kung ipagpapatuloy niya pa rin iyon sa kalagayan mong iyan ay ako na mismo anv magpapakulong sa kanya kahit na anak ko siya"
"Mama..."
"Patawarin mo rin sana ako at ang mga kapatid niya hija"
"wala naman po kayong ginagawa sa akin" napayuko ako, nahihiya kasi ako na tignan siya sa mga mata. Wala naman kasi siyang ginagawang masama sa akin pero heto at humihingi siya ng kapatawaran.
"Meron hija, dahil kahit ako, ikaw ang sinisi ko noon nang mamatay ang Papa mo, pero nang makita ko kung ano ang hirap na pinagdadaanan mo sa kamay ni Warren, at kung paanong hindi nagbago ang pakikitungo ni Vernice sa iyo kahit na nakita niya ang mga nangyari sa opisina nang atakihin si Alfred, para akong natauhan, hindi mo deserve iyon, lalo na at hindi mo magawang ipagtanggol ang sarili mo, ni hindi ka namin bingyan ng pagkakataan na makapgpaliwanag, nahihiya ako sa inasal ko at nang aking mga anak."
"Huwag niyo na pong alalahanin iyon. Naiintindihan ko naman po kayo, sana lang po, maayos namin ni Warren ang problema namin sa madaling panahon. Ayoko naman pong isilang ang bata na galit at hindi siya kinikilala ng Tatay niya."
"Don't worry hija, malapit nang matapos ito, sana lang sa oras na malaman natin lahat ang katotohanan ay hindi pa huli ang lahat para sa inyong mag-asawa"
"Akala ko ba pinagbabantay ka ni Mama sa ospital?" pag-uusisa sa akin ni Walter nang datnan niya ako sa opisina.
"May pinirmahan lang ako, nandoon naman si Mama at Vernice" wika ko saka tinungo ang aking table, saglit na inayos ang mga papeles doon at saka siya hinarap, napakunot pa ang noo ko nang makita ang tila nang-iinis niyang tingin at ngisi sa akin. Kumuha ako ang maaaring ibato sa kanya sa ibabaw ng table, alam na niya ang kasunod noon kaya naman agad na itinaas niya ang dalawang kamay.
"Wala akong ginagawa!" aniya pero tumatawa na ang gago, minsan naiisip ko nakakayamot itong si Walter pero wala akong magawa kundi ang tiisin siya dahil nga kapatid ko siya.
"Huwag mo akomg tignan ng ganyan baka makita mo hinahanap mo" kunway banta ko pa, lumapit ako sa kanya saka mahina siyang sinuntok sa mga braso.
"Aray naman! Inaano kita?" reklamo pa niya, nginisian ko lang din siya saka inakbayan, kahit naman nayayamot ako sa kanya siya pa rin ang itinuturing kong matalik na kaibigan, dalawa lang kasi kaming lalaki sa magkakapatid kaya naman kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan sa mga kalokohan.
"Kuya" hinarap niya pa talaga ang mukha niya sa akin kaya nalukot nanaman ang mukha ko, sanay naman na siya sa ugali kong iyon kaya tinatawanan na lang niya. "Hindi mo ba hihiwalayan si Althea?" inalis ko ang pagkakaakbay ko sa kanya saka humalikipkip.
"No, wala akong balak, mas gusto ko yung nakikita ko siyang nasasaktan" tiim-bagang kong wika.
"Sigurado ka? Eh di ayos lang din sa iyo na dalhin ng anak niya ang apelyido mo? Pag nangyari yun, para mona ring inako ang anak niya sa ibang lalaki, isa pa, magiging legal na Saavedra yung bata, magkakaroon pa iyon ng karapatan sa pera mo."
"Mamamatay muna siya bago niya magamit ang apelyido natin Walter"
"Ikaw kuya, nasasaiyo naman iyan, desisyon mo iyan, ang sa akin lang mas okay na rin siguro na hiwalayan mo na yang asawa mo, puro kamalasan ata dala niyan, saka baka mabrainwash pa niyan si Vernice."
"Pag-iisipan ko" sabi ko na lang, nagpaalam na siyang babalik na sa kanyang opisina, bahagya pa akong natawa dahil wala pa naman talagang balak bumalik uli ang isang iyon, nakita niya lang ma sumilip na sa pinto ang sekretarya niya kaya napilitang umalis.
Napaisip ako sa sinabi ni Walter, may punto naman kasi siya, siguro nga mas mabuti kung hihiwalayan ko si Althea, pero sisiguraduhin ko muna na wala siyang makukuha kahit na singko mula sa akin at sa pamilya ko. Agad kong inabot ang telepono, hanggat hindi pa nakakapanganak ang babaeng iyon, aasikasuhin ko na ang pakikipaghiwalay sa kanya. Tama si Walter, maigi nang hiwalayan ko ang babaeng iyon, hindi naman doon matatapos ang pag-ganti ko sa kanya, sisiguraduhing kong magiging impyerno pa rin ang buhay niya kahit magkahiwalay na kami.