Kinikilabutan ako, hindi ko alam kung ano ang nangyari at bigla na lamang umayos ang pakikitungo sa akin ni Warren, hindi maganda ang pakiramdam ko sa bagay na iyon, tila ba siya isang bagyo na nag-iipon lamang ng lakas. Sa una ay hindi mararamdaman ngunit kapag nakalapit na sa tinutumbok na lugar ay doon mo mararamdaman ang hagupit nito, ganoon ang pakiramdam ko kay Warren kaya naman abot abot ang dasal ko na umayos na aking lagay at ng batang ipinagbubuntis ko nang sa gayon ay makauwi na kami sa probinsya. Kilala ko siya, kapag ganitong kalmado siya ay mayroon siyang pinaplano mabuti man o masama.
“Ate, ang daming marks sa tummy mo” nanumbalik ang atensyon ko kay Vernice na matamang tinititigan ang aking tiyan, limang buwan na iyon at talaga namang halata na, may mga maiitim na marka doon bunga ng araw-araw kong pag-inject ng gamot.
“Mawawala din naman siguro iyan pag naipanganak ko na si Baby” wika ko na lang, masuyo kong hinaplos ang aking tiyan, natutuwa ako dahil talaga namang bigla ang paglaki nito.
“Hindi ka ba nasasaktan kapag nag-iinject ka? Saka diba parang nakakasawa na lagi ka na lang may iniinom din na gamot? Nakita ko iyong iniinom mo, ang dami! Hindi ka nasusuka ate?” sunod-sunod na tanong nito, natatawa na lamang ako, hindi naman kasi alam ni Vernice ang lagay ng katawan ko ngayon. Akala ko ay makakauwi na ako sa ming probinsya nang matapos na ang dalawang linggo kong pagkaka bedrest ngunit hindi ako binibigyan ni Ate Sophia ng go signal upang makapagbiyahe ako ng malayo-layo, ayaw na raw ipagsapalaran ang lagay ng bata lalo na at hindi maganda ang nangyari sa akin ng mga nakaraan.
“Ikaw na bata ka, hindi ka pa ba inaantok? Maaaga pa ang pasok mo bukas”
“Hindi pa ate, mamaya pa ko matutulog, ang dami kong nakain kanina eh” aniya ngunit humiga naman ito sa akin tabi, kinuha niya pa ang kumot ko saka humarap sa akin.
“Oo na, dito ka na matutulog” sabi ko na lang, alam ko namang naglalambing lang siya sa akin, napagalitan kasi siya kanina ni Warren habang nagdi-dinner kami, wala ni isa sa magkakapatid ang pumigil dito, nasa ibang bansa kasi si Mama dahil niyaya ng mga kaibigan na magbakasyon.
“Thanks ate!” aniya, papahiga na sana ito nang bumukas ang pinto ng aking silid at pumasok doon si Warren na seryoso ang mukha, bigla tuloy akong kinahan lalo na at matiim na tingin ang pinagkakaloob niya sa akin.
“Vernice, bumalik ka na sa silid mo, may pag-uusapan kami ni Althea” seryoso niyang sambit sa kapatid, si Vernice ay hindi na umalma, tahimik na lamang itong lumabas ngunit kitang kita sa kanyang mukha ang pag-aalala, sinulyapan niya pa ako bago tuluyang umalis, isang tango na lamang ang isinagot ko na sinabayan ko pa ng ngiti.
Tahimik akong tumayo mula sa kama at nagtungo sa isang gilid ng silid, habang si Warren ay may kung anong inilalabas na mga papeles mula sa isang folder, isa-isa niya iyong inilatag maliit na mesa, nang matapos ay saka niya ako pinalapit.
“Magpa-file na ako ng petition for Annullment, alam mo na kung bakit. Napapagod na rin ako, gusto ko nang makawala sa impyernong pagsasama na ito.” wala akong maisip na sabihin, nagulat ako sa kanyang desisyon, inaamin ko naman na kahit halos mapatay na niya ako sa mga ginawa niyang p*******t ay ni minsan hindi ko ninais na tapusin na ang aming pagsasama. Naramdaman ko na lang ang panginginig ng aking katawan, ang mga luha ko, walang patid na nagsibagsakan.
“Just sign the papers, ang abogado ko na ang bahala pagkatapos niyan. Pwede ka pa namang tumira dito hanggang sa makapanganak ka, alam ko namang hindi mo kakayanin ang mga gastos, kaya dumito ka na lang.” bahagya siyang sumandal sa pader at mataman akong tinitigan. “Uunahan na kita, kahit kailan, hindi magagamit ng anak mo ang apelyido ko, hindi ko aakuin responsibilidad ng iba” matalim niyang wika saka inabot sa akin ang isang ballpen, tuluyan na akong napahagulgol, para akong sinasaksak ng paulit-ulit, hindi ko akalain na sa ganito kami matatapos na mag-asawa.
“Huwag kang umiyak, alam ko namang masaya ka dahil, magiging malaya na kayo ng kalaguyo mo.” puno ng sarkasmo niyang sambit sa akin.
“Warren…”sa wakas ay nakuha ko na ring bigkasin ang pangalan niya. “Please… please, mag-usap tayong dalawa, ha…hayaan mo akong magpaliwanag sa iyo”
“Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, just sign those papers para matapos na to” halos ingudngod na niya ako sa mesa, wala akong nagawa kundi pikit matang pirmahan ang mga papeles na iyon.
“Pipirmahan mo lang ang dami mo pang arte” aniya saka mabilis na lumabas ng silid, naiwan na lang akong umiiyak, halos hindi na ako makahinga, napayapa lamng ako nang dumating si Nanay Lupe at Vernice kapwa nila ako yakap. Wala na… tapos na… tapos na ang limang taon namin bilang mag-asawa, natapos nang wala man lang sapat na dahilan.
Hawak ko ang mga litrato na siyang ebidensya raw sa diumanoy pagtataksil ko sa aking asawa, naaalala ko na kung kailan ang mga ito, ito yung araw na nalaman ko na nagdadalang tao na pala ako, nasa business trip si Warren kasama si Papa, dalawang linggo rin silang wala sa bansa. Ilang beses akong hinimok noon ni Warren na sa mansyon muna ng kanyang mga magulang ako mamalagi habang wala siya, hindi raw siya mapapanatag kung ako lang mag-isa sa bahay, inayawan ko naman ang mungkahi niyang iyon dahil gusto ko ring mag-ayos ayos. Anim na buwan na mula nang makalipat kami ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin sa ayos ang aming mga gamit, wala naman kasi kaming kasamabahay, sadya kong hiniling iyon kay Warren, gusto ko kasing ako mismo ang gagawa ng mga bagay na may kinalaman sa kanya. Hindi naman din kasi ako sanay na umaasa na lang sa iba.
Kasama ko sa mga larawang iyon si Matheo, nanligaw siya sa akin noong dalawang na taon na kaming mag-asawa ni Warren, bagay na pilit kong tinututulan, sa simula pa lang ay tinapat ko na siya na wala siyang mapapala sa akin dahil may asawa na ako, ipinaalam ko rin iyon kay Warren, kinausap niya si Matheo ngunit pursigido talaga ito kaya naman napilitan si Warren na manirahan na muna kami sa Australia at tahimik na namuhay doon. Nakapagtrabaho si Warren bilang isang consultant sa isang kumpanya at ako naman ay bilang waitress sa isang restaurant, doon na rin ako muling nabuntis sa dapat sana ay ikalawa naming supling ngunit sa kasamaang palad ay nakunan din ako , doon ko rin nalaman na mayroon akong APAS na siyang dahilan kung bakit hindi natutuloy ang aking pagbubuntis..
Makalipas ang dalawang taon ay napagpasyahan naming umuwi na ng Pilipinas nang mabalitaang inatake sa puso si Papa, pagkarating namin ng bansa ay si Warren na ang pansamantalang humawak sa kupanya habang namgpapagaling at nagpapalakas si Papa. Masyado daw itong naapektuhan nang muntik nang malugi ang mga negosyo ng pamilya dahil naging mahigpit ang naging kumpetisyon sa pagitan ng mga Saavedra at Navalta na pag-aari ng pamilya ni Matheo, ngunit sa bandang huli ay nagkaayos ang dalawang partido. Naging magkaibigan si Warren at Matheo nagpakumbaba kasi ang huli at inamin ang kanyang naging pagkakamali sa aming mag-asawa, dumating pa sa punto na nakatanggap ng merging proposal si Warren mula sa kampo nina Matheo
Bagay na pinag isipang mabuti ni Warren at ni Papa, isa sa mga dahilan kung bakit sila nagpunta sa ibang bansa ay para pag-aralan ang mga business na binabanggit ni Matheo.
Dalawang araw bago ang nakatakdang pagbabalik ng bansa ng mag-ama ay natanggap ko ang pinakamagandang biyaya. isang biyayang kay tagal naming hinintay at ipinagdasal.
"Positive" hindi ko mapigilan ang mapaluha nang makita ang dalawang guhit sa home pregnancy test naginamit ko, sobrang saya ko!! ! Matapos ang ilang taon nakabuo na uli kami ni Warren. "Promise baby, aalagaan kitang mabuti, kung kinakailangang magbedrest ako gagawin ko, wag ka lang mawala sa amin ng daddy mo. " masuyo kong hinahaplos ang impis ko pang tiyan habang kinakausap ang anghel sa loob nito.
Oo nga at dalawang beses akong nagbuntis. pero dalawang beses din akong nakunan, kahit anong pag-iingat ang gawin ko ay nawala pa rin sila sa akin, kaya naman nagpasya na akong magpunta sa OB ko,umaasa ako na sa pagkakataong ito ay maayos na ang lahat.
.............
"Congratulations hija, you're one month pregnant."
"Thank you po doc, kumusta po ang baby?" Kinakabahang tanong ko.
"The baby is fine, unlike your previous pregnancies na sa simula pa lang ay mahinana ang kapit ng bata, this time ay healthy ang baby mo, pero you must take care of yourself laol na at may history ka ng miscarriages. "
"Ano po ba ang dapat kong gawin? "
"Well, eat healthy foods, drink your vitamins, for now, I advice you na huwag kang magpagod, magbuhat ng mabibigat na bagay, take a lot of rest, and please don't stress yourself makasasama sa bata kapag stressed ang mother. Reresetahan din kita ng mga gamot para ma-manage natin ang kalagayan mo. Puwede pa naman ang pag-makelove pero be sure nacomfortable ka, saka hindi dapat maipit si baby, kaya remind your husband to be gentle. "
Marami pang ibinilin si doktora sa akin, mga bagay na itinatak ko sa isipan ko,natitiyak kong matutuwa ng sobra si Waren kapag nalaman niya ang magandang balita.
Nag-grocery muna ako, ok lang naman siguro,hindi naman ako magbubuhat at may dala naman akong sasakyan. Mamimili na ako ng mga kakailanganin para sa mga ihahanda ko sa pagbabalik ng bansa nila Warren. Iimbitahan ko na rin sina Mama para ibalita sakanila ang pagbubuntis ko..
Tulad namin ng asawa ko ay sabik na rin silang magkaroon ng batang mangungulit sa kanila, yung magbibigay sa kanila ng kakaibang saya at papawi sa mga pagod nila, kaya naman sa bawat negatibong resulta sa mga pregnancy test na ginawa sa akin ay karamay ko sila, mula kasi ng makunan ako noong nasa Australia kami ay nahirapan na akong magbuntis.
Napangiti ako nang makita ang laman ng pushcart na hawak ko, sa sobrang saya at excitement ay hindi ko namalayan na naparami na ang nakuha ko. Okay narin yun, para marami kaming stocks sa bahay.
Puno ako ng pagtataka nang may makita akong sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay namin, wala naman akong inaasahang dadalaw na kaibigan. Ipinark ko muna ang sasakyan ko para buksan ang gate kasabay nun ang paglabas ng isang babae at isang lalaki mula sa sasakyan.
"Good afternoon Althea! " masiglang bati sa akin ni Matheo, hawak hawak na nito ang kamay ng babaeng kasama niya na sa pagkakatanda ko ay ang bagong sekretarya ni Papa.
"G-good afternoon din Matheo, napadalaw ka ata? Pasok muna kayo. Hi Minerva"
"Good afternoon po Ma'am" isang ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya, nagtataka kasi ako kung bakit sila magkasama.
Pinasok ko muna ang sasakyan ko, saka kinuha ang mga pinamili, agad naman akong tinulungan ni Matheo ng makita niya na may karamihan din ang mga iyon.
"Ang dami ng pinamili mo ah! " pag-oopen niya ng topic, si Minerva naman ay nakasunod lamang sa aming dalawa.
"Sa makalawa na kasi ang dating nila Warren, balak kong maghanda ng konti para sa pagdating nila. " sagot ko habang papasok ngbahay.
"Wow! Sweet mo naman! Sana pag naikasal na kami ni Minerva ganyan din siya sa akin" nakangiti niyang sabi sa akin, nakasunod parin siya hanggang sa kusina.
"Kayo na pala?! Akala ko ba may girlfriend ka? "
"Mahabang kuwento, ang alam ko lang mahal na mahal ko siya. "
"Masaya ako parasa inyong dalawa. Ay nga pala, pakilagay na lang ang mga iyan sa counter, ako na ang bahala. Hintayin ninyo na lang ako ni Minerva sa living room sandali lang ako at ipaghahanda ko kayo ng merienda. "
"Tulungan na kita"
"Naku huwag na, kaya ko na ito, madali lang naman. Sige na at samahan mo na si Minerva doon."
"Sigurado ka? Okay lang nam-"
"Kaya ko na to noh! Saka bisita ko kayo kaya sige na hintayin nyo na lang ako doon" pilit ko pa sa kanya, sa totoo lang kasi ay hindi ako komportable na may kasama akong ibang lalaki maliban kay Warren. Kaya naman kahit na anong pilit niya ay tinatanggihan ko.
Tig-isang slice ng cake at juice ang inihanda ko para sa kanila, ako mismo ang nagbake ng cake na iyon.
"Ito oh, kumain muna kayo. "
"Salamat"
"Salamat po" sabay pa nilang sagot sa kin.
"Nga pala, ano pala ang sadya ninyo dito?"
"Ah iyon? Ano kasi..." nagkamot pa si Matheo ng batok na tila ba nahihiya sa
sasabihin.
"Ipapaalam ko lang na nobya ko na si Minerva, baka kasi kung ano ang isipin nila Warren eh"
"Ah ganun ba? Sa makalawa pa kasi ang dating nila hindi mo ba alam? " nagtataka kong tanong sa kanya, sa pagkakaalm ko kasi ay kasama siya nila Warren sa business trip na iyon dahil siya ang nagpropose nun kaya nagulat ako ng makita ko siya mismo sa tapat ng bahay namin.
"Nawala sa isip ko, masyado akong napasaya ni Minerva nung sagutin niya ako sa telepono kaya ayun napauwi ako kagad ng bansa. "
"Ganun ba? Tiyak na magugulat sila pag nalaman nila ang tungkol sa inyong dalawa. Ay sandalil ang ha, sagutin ko lang ito. Si Warren. " tukoy ko sa hawak ko ng phone, tumatawag kasi si warren.
Lumayo muna ako sa kanila para kausapin ang pinakamamahal kong asawa, namimiss ko na siya at the same time excited na akong sabihin sakanya ang magandang balita.
Medyo natagalan ang pag-uusap namin na tila ba sampung taon naming hindi narinig ang boses ng isa't-isa. Pagbalik ko naman sa kinaroroonan nila Matheo at Minerva ay napangiti ako ng di sinsadyang nakita ang panakaw na halik sa labi ni Matheo sa nobya.
"Ehem" bahagya pa akong natawa ng manlaki ang mga mata ni Minerva nang makita ako.
"S-sorry" ngingisingising hingi ng paumanhin ni Matheo.
"Okay lang. Pasensya na at natagalan ha, si Warren kasi eh ang daming kwento, kalalaking tao napakadaldal. "
"Okay lang busy din naman kami eh" pilyong saad nito kaya naman bahagya pa siyang nahampas ng nobya sa braso.
Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya naman kinuha ko ang aking baso na naglalaman ng juice, saka sumimsim doon.
Nagkukuwentuhan kaming tatlo ng bahagya akong makaramdam ng pagkahilo, ipinilig ko ng marahanan ang ulo ko, saka dahan dahang tumayo, kukuha sana ako ng tubig para uminom uli,ubos na kasi yung juice ko, hindi pa man ako nakakalayo ay nagdilim na lang bigla ang lahat at tanging ang pagtawag lamang ni Minerva sa pangalan ko ang huli kong naalala.