Chapter 7

1523 Words
Masakit ang ulo nang magising ako kinabukasan, gusto ko pa sanang matulog kaya lang naalala ko sina Minerva, asan na kaya sila? Ano bang nangyari sa akin?Maingat akong bumangon mula sa kama at nagtungo sa cr para maghilamos at magtoothbrush, pilit kong inaalala kung ano ang nangyari pero lalo lang sumakit ang ulo ko. "Ma'am Althea?" Napapitlag ako nang marinig ang pagtawag sa akin ni Minerva, kung gayon ay hindi sila umuwi? "S-sandali, palabas na ako." Sagot ko sa kanya habang pinupunasan ang basa kong mukha, pagkatapos ay pinadaanan ko lang ng suklay ang mahaba kong buhok saka itinali. "Good morning po Ma'am" "Good morning din, hindi ka umuwi kagabi?" "Napagpasyahan namin ni Matheo na huwag ng umuwi, nag-aalala kasi kami sa kalagayan mo. Bigla ka na lang kasing nawalan ng malay." Saad niya habang nakasunod sa akin na papalabas na ng kuwarto. "Salamat ha, kung wala kayo baka kung anong nangyari sa amin baby ko" marahil, kaya ako nawalan ng malay kagabi ay dala na rin ng pagbubuntis ko. "Bu-buntis po kayo?" Tanong niya sa akin, ngumiti ako saka dahan dahang tumango. "Congrats po ma'am" "Salamat ha, pero sana huwag mo munang babanggitin ang tungkol dito kina Warren kahit kay Papa, gusto ko sanang masorpresa sila eh." "Naku ma'am wala po kaying magiging problema sa akin, makaaasa po kayong walang makakaalam." "Salamat Minerva." ............. Ito na ang araw ng pagdating ninaznagprisinta silang tulungan ako sa 7pagluluto ng mga paboritong putahe ni Warren. "Bakla!!! Anong arte yan?! Dalawang linggo lang nawala yang asawa mo hindi anim na taon! Kung makaarte ka naman dyan!" Angil sa akin ni Jane nang mapansin ang pagkaaligaga ko. "Kinakabahan kasi ako, hindi ko kasi alam kung pano sasabihin kay Warren" "First time mo te? Pangatlo na yan ngayon ka pa kinabahan." "Eeeh basta kinakabahan ako. " "Hay naku oh eto uminom ka muna, mamaya ka na kabahan pag nandyan na sa harap mo si Warren. " "Puwede ba yun? " "Oo!hala sige mag beauty rest ka na dun sa taas, kami na ni Dora the explorer ang bahala dito."taboy sa akin ni Jane "Oo nga, kailangan mong magpahinga medyo matagal natigang ang asawa mo kaya lagot ka mamaya" pinandilatan ko si Dora kahit kailan talaga walang matinong usapan ang nagaganap pag nagkasama yang dalawang yan at tulad ng dati, ako lagi ang napagkakatuwaan nilang dalawa. Mabait daw kasi ako eh, hindi pinapatulan ang kabaliwan nilang dalawa. Pumunta na lang ako sa silid ko, para magpahinga, ayoko namang abusuhin ang katawan ko lalo na ngayon, mabuti nga at hindina naulit nangyari ang pagkakawalan ko ng malay.Ano kayang magiging reaksyon ni Warren pag nalaman niya? Nilingon ko ang orasan na nasa bedside table, 11am, tiyak kong nandito na sila sa bansa, yun nga lang sa opisina sila didiretso ni Papa dahil na rin sa tambak na trabahong naghihintay sa kanila. Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ng sunod sunod na busina, nagmamadali kong sinuot ang tsinelas ko para mapagbuksan ng gate si Warren, umuwi na kasi sina Jane matapos nilang magluto at mag-ayos dito sa bahay para daw may quality time na kaming mag-asawa pagdating niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti ng masilayan ko ang kotse ng asawa ko, ito na!!! Masasabi ko na sa kanya ang sorpresa ko kaya naman agad kong binuksan ang gate para makapasokk na siya, pero ang ngiting nasa mga labi ko ay biglang nawala ng makita ko ang madilim na mukha ni Warren. Bigla ang ragasa ng takot sa dibdib ko ngayon ko lang nakita ang ganitong emosyon ng asawa ko. Pero bakit? Ano ang nangyari? Sa pagkakatanda ko ay maayos pa ang naging pag-uusap namin sa telepono kanina ng para ipaalam na nakarating sila ng matiwasay sa opisina.Kahit na natatakot ako ay pinili ko ang lumapit sa kanya, paano ko malalaman kung ano ang nangyayari kung hindi ako maglalakas ng loob para tanungin siya? Isang makas na sampal, iyon ang ibinigay sa akin nang tuluyan akong makalapit sa kanya, imbes na masuyong haplos ay sampal na nagpayanig sa pagkatao ko ang isinalubong niya sa akin. "W-warren? " bakit niya ginawa iyon? Ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Pero bakit? Ano ba ang ginawa ko? Marahas niyang dinaklot ang buhok ko na nakapagpangiwi sa akin dahil sa sakit, hindi pa nga ako nakakabawi sa pagkabigla sa ginawa niyang p********l ay heto nanaman siya. "Malandi kang babae ka!" Mahina pero may diin na bintang niya sa akin. "A-ano ba ang s-sinasabi mo? " tanong ko sa kanya habang pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa pagkakasabunot sa buhok ko, ngunit imbes na sumagot ay marahas niya akong hinila papasok ng bahay. Nagmamakaawa na ako sa kanya na tigilan niya na ang ginagawa niya pero hindi niya ako pinakikinggan. Lalo niya pang binilisan ang paglalakad habang hilahila niya pa rin ako sa buhok napaiyak na ako ng tuluyan dahil sa sakit at takot na nararamdaman ko...bakit? May nagawa ba ako? Gaano ba kalaki ang kasalanan ko at ganito ang ginagawa niya sa akin? Nang makarating kami sa silid ay ibinalibag niya na lang ako sa kama, kaya naman napahawak ako sa tiyan ko, hindi maari ito, hindi pwede!!! kung magpapatuloy si Warren sa ginagawa niyang p*******t sa akin ay baka makasama sa baby ko. Kaya naman nagmamadali akong tumayo mula sa kama pero sa kasamaang palad ay nahablot niya ang braso ko. "Warren please, maawa ka! Ano bang nangyayari? May nagawa ba ako?" "Nagtatanong ka pang hayop ka!!! Malandi ka!!! Habang nasa trabaho ako kung sinong lalaki ang nagpapakasasa sa katawan mo!" Nakakapanghilakbot na marinig mula sa kanya ang mga paratang na iyon. "Wala!wala Warren! Please maniwala ka Ikaw lang! Kaya kong patunaya- arrrgh" naputol ang mga nais kong sabihin ng walang sabi sabi niya akong sinakal, hindi na ako makahinga sa higpit ng pagkakahawak niya sa leeg ko, para na ngang sasabog ang ulo ko dahil sa pwersa ng kanyang kamao. "Minahal kita!!! Lahat binigay ko sa iyo! Inahon kita sa kahirapan tapos tatarantaduhin mo akong hayop ka!!!" Patuloy pa rin ako sa pagtanggal sa malabakal niyang kamay sa leeg ko, hindi na talaga ako makahinga, tila natauhan naman siya ng makita niyang nahihirapan na talaga ako, dahan dahang lumuwag ang kamao niya saka tuluyan na akong binitawan. Napaupo na lamang ako dahil sa panghihina, hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak, naguhuluhan na talaga ako. Saan niya ba nakuha ang mga bagay na ibinibintang sa akin? Gusto ko sana siyang lapitan pero sa nakikita kong galit sa mga mata niya ay nagbago ang isip ko. Nanatili na lamang ako sa kinauupuan ko pinanatili ang distansya sa pagitan naming dalawa. "Tang ina! Sana nakipaghiwalay ka na lang ng maayos hinsi yung ginagawa mo akong gago!!! Nagpabuntis ka pa!" Dumadagundong ang boses niya sa silid naming dalawa, inihsgis niya ang maga unan, at lahat ng laman ng bedside table,ibinato niya rin ang vase sa wedding picture namin dahilan para mabasag ito. paano niya nalaman na nagdadalangtao ako? At sa paniniwala pa niya ay hindi siya ang ama ng bata! "Warren! Ikaw ang ama nito! Wala ng iba ikaw lang! maniwala ka naman sa akin; alam mo kung gaano kita kamahal. Please maniwala ka, pag-usapan natin to please." Kasalukuyan na siyang nakatalikod sa akin habang nakaupo sa gilid ng kama, alam ko na umiiyak siya sa mga oras na iyon, kung sino man ang nagbigay sa kanya ng ideya na hindi siya ang ama ng barang dinadala ko ay magbabayad sa akin ng mahal. "Mamili ka, sasama ka ba sa lalaki ko o mananatili ka dito sa pamamahay ko." "Warren naman, maniwala ka sa kin wala akong lalaki-" "Mamili ka!!! Damn you woman!!! All you have to do is to choose!!! Hindi ko na kailangang marinig ang mga kasinungalingan mo!!! Now tell me, aalis ka ba o hindi?!!!" Mabilis ang ginawa niyang pagkilos, nakalapit na siya sa akin at mahigpit na hawak ang mga braso ko. Nagngangalit ang mga ngipin at nsgliliya ang mga mata niyo sa galit, malayo sa masuyo at tila anghel niyang ugali noon. Kung aalis ako, para ko na ring sinabing totoo ang ibinibintang niya sa akin, hindi maaari iyon, nangako ako sa harap ng Diyos na mananatili ako sa tabi ng aking asawa ano man ang mangyari. Patutunayan ko sa kanya na tapat ako sa pagmamahalan naming dlawa. "H-hindi kita iiwan. mahal na mahal kita" umiiyak king sagot sa kanya habang diretso ko siyang tinignan sa mga mata, ngunit nagkamali ako ng ginawa dahil binalot ng takot at pangamba ang buo kong pagkatao nang marinig sa kanya ang mga salitang kanyang binitawan. "Good .prepare youself honey,,, welcome to hell..." Iyan ang katagang lubos kong kinatakutan, dahil mula noon ay araw araw niyang ipinaearanas sa akin ang mamuhay sa sakit at paghihirap, lalo pang lumala ang mga p*******t niya sa akin ng atakihin si Papa at ako ang itinuturong dahilan. Sana nga ginawa ko na lang, sana nga pinagtaksilan ko na lang siya para naman karapat dapat sa akin ang araw-araw niyang saktan, pero hindi. Kahit minsan hindi ko naisip na pagtaksilan ang asawa ko, paano ko iyon magagawa kung buong buhay ko siya lang ang minahal ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD