Pinilit kong gumising ng maaga kinabukasan para asikasuhin ang mga kakailanganin ni Angelique para sa pagpasok, sa totoo lang ay hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos dahil bukod sa nagloko si Baby Zuriel magdamag ay inaalala ko ang aking prinsesa. Matapos niya kasing maligo ay nagkulong na ito sa kanyang silid para manood ng paborito niyang palabas sa TV hanggang sa makatulugan niya na. Hindi na rin siya nakapaghapunan dahil kahit na anong gising ko ay ayaw niyang bumangon. "Naku Ma'am ako na po diyan" akmang kukunin na ni Carmen sa akin ang hawak kong sandok ngunit pinigilan ko siya. "Kaya ko na Carmen, pakicheck na lang si Angelique kung gising na, saka pakibaba na lang din yung bag niya." "Ah sige po" aniya saka umalis para puntahan ang aking anak. Sa susunod na linggo pa n

