"Hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa rin ang sinabi ni Mattheo, Kuya?" bahagya akong napaismid nang marinig ang tanong na iyon ni Walter. Totoo naman, magmula nang banggitin ni Mattheo ang tungkol sa espiya ay hindi na ako natahimik. Ilang beses ko na nga bang pinag-aralan ang mga talaan ng aming mga kasamabahay? Hindi ko na mabilang, kahit na anong gawin ko ay wala akong nakikitang sapat na ebidesnya na makapagtuturo kung sino nga ba ang taksil sa kanila. Maingat kong ibinaba ang kopita na aking hawak, halos nakakapangalahati na namin ang laman ng bote ng alak na galing sa mga koleksyon ni Walter, itutulog ko na lamang ang mga katanungang naglalaro sa aking isip. "Matulog na tayo, baka magalit na naman sa akin si Jane" wika ko nang akmang sasalinan nanaman ni Walter ang aking kopita.

