"Panginoon, kung ito ang kabayaran sa mga nagawa kong pagkakasala noon sa aking kabiyak at sa aming supling, nawa ay patawarin mo na ako. Lubos ko nang pinagsisishan ang lahat ng aking ginawa, magmula sa hindi pagtitiwala sa katapatan ni Althea, sa aking pakikiaapid, at sa mga pisikial na pasakit na naging dahlilan upang mawala sa amin si Angelo, patawad Panginoon, hinding hindi ako magsasawang humingi ng kapatawaran sa lahat ng kamaliang nagawa ko sa aking pamilya. Ngunit, ako na lamang ang iyong parusahan, huwag na si Althea, huwag si Angelique. Ako ang nagkulang, ako ang naging masama, kung kaya ako na lamang ang iyong pahiirapan. Sapat na ang mga naging paghihirap ni Althea sa aking mga kamay noon. Kung mayroong nararapat na parusahan ay ako lamang. Pakiusap, ako na lamang" Pa

