"Hayop ka! Wala kang kasinsama! " sigaw ko sa kanya na sinabayan pa ng sunod-sunod sampal at hampas sa iba't ibang bahagi mg kanyang katawan, ang mga kasama kong bodyguards ay agad na nagsibabaan sa sasakyan at nagtungo sa direksyon namin. "Bitawan niyo ako!!!" Sigaw ko sa isa sa aking mga tagapagbantay na umaawat sa ginagawa kong p*******t kay Beatrice na hindi man lang gumanti, tanging ang imoit niyang pag-iyak ang naririnig ko sa kanya. "Ang kapal ng mukha mo! Wala kanh karapatan na ipagbunyi anhmg pagkawala ng anak ko! Kahit sino, hindi magagawang matuwa kung ang walang kamalay malay na bata na ang naapektuhan!" Umiiyak na ako habang patuloy sa paghablot ng kanyang mahabang buhok, may isang pares ng braso ang mahigpit na yumakap sa akin at pilit akong pinatitigil. Kahit hindi k

