Sa nakalipas na apat na araw mula ng magkasagutan kaming mag-asawa ay walang ibang kaharap si Warren kundi ang laptop niya o kaya ang mga papeles mula sa opisina na ipinadala niya pa dito sa bahay. Hindi siya pumapasok pero panay ang pagtatrabaho niya sa library o kahit sa silid naming dalawa, kung may meeting naman ay through video call lang siya. Hindi pa rin kami nag-uusap, sa tuwing magkakasalubong kami ay tila ito nagmamadali, sa hapag kainan naman ay ay ganoon din, pagdating naman sa mga bata, wala naman siyang pinagbago nakukuha niya pa ring alagaan si Zuriel sa hatinggabi at makipaglaro naman kay Angelique bago matulog. Ako lang talaga ang iniiwasan niya nitong mga nakalipas na araw. Naiinis ako oo,minsan naman ay tila ako inuusig ng kunsensya sa ginawa kong pagbibintang sa kanya

