Nakatulog na si Ella habang umiiyak. Pero ako, aligaga at hindi dalawin man lang ng antok. Sa baba, halos puro nag-iinuman na lang ang mga tao pag silip ko kanina. Nakailang balik na rin ako dito sa kama at hindi talaga ako makatulog. Ngayon ay nagpasya na lang ako na bumangon, nagbihis lang ako ng plain t-shirt at maayos na pajama. “Bakit gising ka pa?” tanong ni Mama Esther, ang ina ni Ella. Tumutulong na ito sa pagliligpit, kasama ang ilang kumare nito at dalawang kasambahay. “Sige na, mag sharon na kayo. Wag kayong mahiya, hati-hatiin na ninyo, pati itong natira na lechon, pwede pa yan paksiw o kaya sinigang,” sabi pa nito sa lima na mga kaibigan. “Excuse me, Ma. Pwede ba tayo mag-usap?” magalang na tanong ko sa matanda. Nilingon ako nito at tinanguan. “Sige na! Ibalot na ninyo a

