Nakangiti ako na hinawi ang kurtina sa bintana. Pasikat pa lang ang haring araw, ang dalawang asawa ko, nakahiga pa sa kama. Habang ako, hindi ko alam kung bakit mas nauna pang magising ngayong araw. Napabuntong-hininga ako. Grabe ‘yung bakasyon namin sa probinsya. Pagbalik ko, todo iwas na lang ako sa mga alaala. Ang totoo, galit lang ang nararamdaman ko sa tunay kong ama. Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko, "Bakit?" Si Jenika, kapatid ko sa ama, ang ganda ng buhay. Habang ako? Kung hindi pa ako nagbenta ng katawan, wala pa akong mapapala. Dahil para lang makakain noon, para mabuhay si Lola, 'yun ang ginagawa ko. Kung hindi dahil sa pamilyang Monsanto—Lacson, hindi sana magiging maayos ang buhay namin, lalong-lalo na ako. Lumipas ang mga buwan, parang bumalik na sa normal

