Malawak ang bahagi ng bahay namin kung saan gaganapin ang aking ikalabing walong kaarawan. Ang mga bulaklak na kulay rosas at lilac, na mga paborito ko, ay nagkalat sa paligid, tila isang malambot na karpet na sumasakop sa lupa. Ito ang pinaka-espesyal na dekorasyon, simple ngunit elegante. Walang masyadong palamuti, dahil ayaw ko ng masyadong magarbo. Tamang bulaklak lang talaga, kahit sa kisame at wall ng bahay, bulaklak lang ang nakalagay. Mas gusto ko ang natural na ganda ng mga bulaklak at iniwasan ko talaga ang mga balloons, na sa pakiwari ko ay parang sa bata. Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin, ang repleksyon ko ay tila isang estranghero. Napakaganda ng aking suot na gown, isang simpleng disenyo na kulay puti, na may habi ng mga kumikinang na bato. Hindi ito kasing bong

