Kapapasok lang ng babaeng doktor at base sa mukha nito, ramdam ko na ang masamang balita. “Good morning, Doc.,” pagbati ko sa babaeng doktor. Tumango lang ito sa akin at diretso ang hakbang patungo kay Ella. Sinuri ang katawan nito at may mga tinanong na iba pa, tungkol sa nararamdaman ng aking asawa. Malumanay na hinawakan nito ang kamay ni Ella. “D–Doc, bakit parang wala na akong maramdaman ngayon?” umiiyak at nanginginig ang boses ni Ella, habang sapo ang kanyang tiyan. “I'm sorry,” sabi ng doktor. Na para bang granada na binato sa amin. Umiyak ng malakas si Ella at si Oceano, tahimik lang na nakaupo sa tabi. Wala akong mabasa na kahit na anong emosyon sa mukha ng aking kakambal. “Salamat, Doc,” sabi ko sa doktora na ngumiti sa akin ng alanganin. “Kung kailangan ninyo ng tulon

