Ang sikmura ko'y parang may sariling buhay, araw-araw, sadyang maaga ako nagigising at inaabangan ang paliwanag, ang pagsikat ng araw. Parang may kung anong bumabaliktad, isang kakaibang pag kirot na nawawala naman kapag tinamaan na ng sikat ng araw. Kaya naman, naging ugali ko na ang pagbubukas ng malaking bintana sa kwarto namin, para salubungin ang umaga. Pagkatapos, maliligo na ako, dahil okay na! Pababa ako ng hagdan nang makita ko si Lyra, nakangiti, nakaupo sa sofa, kumakaway pa sa akin. Nakaraang linggo lang siya hinimatay dito sa bahay, tapos ngayon nandito na naman siya, at mukhang alam niyang ako lang ang nandito—wala si Wisley, ang ex-boyfriend niya, ang asawa ko. Kinilabutan ako. Parang may nagsasabi sa akin na may masamang balak ito sa akin. Ramdam na ramdam ko. Pero ayoko

