Hindi ko alam kung ano ang iisipin at dapat kong gawin. Parang naiiyak ako na may nangyari na kina Lorna at William. Ayos lang naman sa akin, pero pakiramdam ko, wala na talaga akong pag-asa sa dalaga. Hindi sa masama ang loob ko, dahil kung okay naman sila. Bakit naman ako manggugulo pa? Ang makita ko na masaya si Lorna at William, masaya na rin ako. Matapos namin kumain ni William, muli kong hinarap ang aking trabaho. Pagtingin ko sa aking orasan, alas sais na pala ng hapon. Ang aking kaibigan ay nagpaalam na mauuna na daw, dahil pupuntahan nito si Lorna. Habang ako, kailangan ko tapusin ang mga dapat tapusin, dahil nag-aaral pa ako. Mahirap pag nagkasabay-sabay. Napayuko ako matapos ko ma-review ang mga papel, mukhang may anomalya sa accounting at alam ng ibang head. Kabilaan ang

