Napangisi ako sa grand entrance ng aking kaibigan na si Oliver. Medyo madilim ang langit ngayon at umaambon. Nakasakay ito sa mamahaling sasakyan na kulay pula. At lahat ay napapatingin, ng bumukas ang pinto at iluwa ang lalaki. “Nice,” sabi ko sa kanya. Nakipag-apir pa ito sa akin at inakbayan ako. “Kanino mo ba binenta ang kaluluwa mo? Ang yaman mo na,” sabi ko pa. “Tigilan mo ako, pakyu ka! Saan ba opisina ko?” tanong nito sa akin. Humakbang na kami papasok sa loob, hanggang sa elevator at paglabas namin, nagbubulungan pa rin ang mga empleyado. Pinupuri kaming dalawa. Pero mukhang malakas talaga karisma ng aking kaibigan pagdating sa kalokohan. Panay kindat kasi nito sa mga sexy at maganda na empleyado. Pagdating namin sa opisina nito, sinalubong kami ng sekretarya nito na matanda a

