Nasa school ako, at pauwi na. Nagkakagulo ang mga estudyante. Dahil nga public school ito, tapos may nakaparadang mamahalin na sasakyan na Lexus. Alas singko na ng hapon at pauwi na ako. “Good afternoon, Mr. Oliver Hidalgo.” napatingin ako sa lalaki na nakasuot ng pang corporate. Ang abogado pala ni Uncle Matthew. “Magandang hapon, Attorney. Anong dahilan, bakit naligaw kayo dito?” tanong ko dito na pinagbuksan ako ng pinto sa likod ng sasakyan. Ang mga estudyante ay kanya-kanyang bulungan. May iba na humahanga ang mukha, at ang iba naman ay parang nangungutya. Pero mas marami ang para bang nagtatanong. Halata sa mga mata nito ang matinding curiosity. “Mr. Hidalgo, you really need to make an appearance at the company. It's important that they know you. Otherwise, people might suspe

