Habang naglalakad ako papunta sa room, iba’t-ibang mga klase ng estudyante ang nakakasalubong ko, may mga nakataas ang isang kilay sa akin at may mga humahanga rin naman. Alin man sa kanila, wala akong pakialam. Dahil hindi ako nabubuhay para paligayahin sila.
Pagdating ko sa loob ng classroom, tahimik lang ako na naupo sa aking pwesto at pinagmasdan ang mga classmates ko na nagkukwentuhan. Kanya-kanyang umpukan.
“Hi Lorna! Pagbati sa akin ng aking kaeskwela na si Bella. Ngumiti lang ako dito, dahil wala naman kaming pag-uusapan.
“Alam mo ba, bet na bet ka pala ni Thompson, sinabi niya sa post n’ya kahapon sa faceb**k.” kwento nito.
“Oh? Talaga ba?” tanging sagot ko, para hindi naman ito mapahiya. Ipinakita nito ang post ng captain ball dito sa University. Hindi ko bet ang lalaki na mukhang Mama’s boy.
Hanggang naagaw ng attention namin ang ingay sa kabilang gilid. Iniwan ako saglit ni Bella at pinuntahan ang umpukan, bago muling bumalik sa aking pwesto.
“Si TakeAbite pala, kilala mo ba ‘yun? Ang bagong kinababaliwan ng mga lalaki at kinaiinisan ng ibang mga kababaihan. Pwede daw itapat kay Ivana Alawi. Feeling ko, chaka ‘yun. Kasi, bakit puro katawan lang at likod ang pinapakita? Baka hipon. Hahahah!” sabi pa nito na nginitian ko lang.
Dahil kung may laging papuri man sa akin mula pa noong bata ako, mukha ko ang unang napapansin bago ang aking katawan. So, I don't mind, sa issue na hipon ako.
“Ba-bye na! Andyan na si Prof.” sabi ni Bella na agad bumalik sa kanyang kinauupuan.
Natapos ang oras ko na tutok lang ako sa pag-aaral. Dahil running for c*m laude ako. Hindi ako pwedeng magpabaya sa pag-aaral. Pagdating ko sa gate, nagulat ako na driver lang ang nagsundo sa akin, at hindi si Kuya William.
“Good afternoon, Manong. Daan tayo sa drive thru, nag merienda ka na ba?” tanong ko dito na umiiling.
“Hindi pa nga Ma’am, ang init pa naman ng panahon ngayon. Nakadalawang bote na nga ako ng mineral water,” sabi nito. Kaya't dinukot ko ang aking wallet sa loob ng bag, at inabutan ko ito ng paper bills.
“Ako ba Ma’am ang oorder mamaya?”
“Hindi po, pang merienda mo ‘yan. Uminom ka ng mas maraming tubig, mahirap na. Sobrang init pa naman ng panahon,” sabi ko dito na ngumiti at nagpasalamat.
Hindi nagtagal, nakauwi na rin kami sa bahay nila Kuya William. Huling araw ko dito, dahil babalik na ako bukas sa bahay.
Nakaupo ako ngayon sa labas ng bahay. Tanging driver lang ang sumundo sa akin sa school at hindi ang aking pinsan. Baka nasobrahan na ako sa kalokohan ko, kaya naisipan ng lalaki na manligaw na lang ng babae, ang nakakatawa pa, si Gail ang kinaiinisan nito ang plano pormahan, malabo pa sa katotohanan na magustuhan niya ang babaeng ‘yun.
“Why is my favorite niece so quiet? What are you thinking about, baby Lorna?” napalingon ako kay Uncle Sancho. Napakabait din nitong tao, niyakap ako nito at hinalikan sa ulo.
“Paano po ba Uncle, hindi mahalin ang tao na mahal mo?” tanong ko dito.
“Hahahaha! Mukhang mahirap ‘yan ah?” tumatawa na sagot nito sa akin, sabay biglang seryoso ng mukha.
“Ang ganda ko po, para mabaliw ano?” nakangiti na sabi ko pa sa lalaking matanda, habang pinapapungay ang aking mga mata, na parang isang bata na naglalambing sa kanyang paboritong Tiyuhin.
“All I know is, when you love someone, you have to understand the word sacrifice. You have to be willing to do things that hurt, as long as it makes the person you love happy. That's my own definition of love. Kanya-kanya tayo ng paniniwala. Kaya't kung ano man ang iniisip mo, baka tama ka, at mali ako.”
Napangiti ako na muling yumakap dito. Hindi ko mapigilan na hindi lumuha. Dahil ito ang pangalawang broken heart ko, kung sakali. Dahil ang una, noong nalaman ko na pakboy pala si Oliver, at kung sino-sino ang babae na ginagalaw.
“Is that Oliver?” tanong ni Uncle na nginitian ko lang. Dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na, anak niya ang problema ko, sa pagkakataon na ‘to.
“Oliver is kind and respectful man. I've always felt comfortable around him. In fact, if it weren't for him, his mother and he wouldn't have grown their business. He's such a hard worker. The woman who marries him will be very lucky. The only thing is, he's been acting a little wild lately.” sabi pa ni Uncle Sancho habang natatawa na umiiling.
“Asus! Kung hindi nga si Olivia ang ina ng bata na ‘yun, iisipin ko na anak mo sa ibang babae ‘e. Dahil pareho lang naman kayo, when you were younger. You were such a playboy wayback our school days,” pagsingit ni Auntie Felisa, ang asawa nito.
“Hahahaha! Ikaw naman, siniraan mo na naman ako kay Lorna. Nasisira ang image ko sa magandang pamangkin ko ‘e,” pagbibiro nito na nagkatinginan lang kami ni Auntie sabay natawa.
Ganitong relasyon ang gusto ko. Masaya, at nagkakaintindihan. Kahit gaaano ka abala ang bawat isa, may oras pa rin sa kwentuhan at pagbibiruan. Hindi katulad ng mga magulang ko, parang mga mag tropa lang na tanguan lang, at ang bahay ay parang boarding house. Natutulog lang sila at kumakain, tapos aalis.
Matapos namin mag kwentuhan, nagpaalam na ako na aakyat na sa taas. Sa silid ko, hindi sa silid ni Kuya William. Wala ako sa mood ngayon para mangulit.
Agad akong naligo pagkapasok ko pa lang sa loob ng silid. Wala itong bathtub, katulad ng kay Kuya William, kaya't tanging tubig na lang mula sa shower ang pinabuhos ko sa aking katawan. Hindi ko alam kung ilan ang mga babae o may babae ba na katulad ko, naliligo habang kinukuhaan ng video ang aking sarili.
This my way to appreciate my skin, my beauty. Sabi nga sa nabasa ko, habang bata ka pa. Kunan mo ng maraming larawan ang mukha at katawan mo. Dahil hindi mo mapapansin ang mabilis na paglipas ng mga taon, kulubot ang iyong balat at sino ang maniniwala na minsan sa buhay mo, ikaw ang naging pinakamagandang babae.
Matapos ko magbabad sa shower, nagbihis lang ako ng manipis na damit, nahiga ako sa kama at muli kong kinunan ng larawan ang aking sarili, sabay upload sa aking social media account. Nag pop up agad ang mga notification na hindi ko tiningnan. I don't use my real name on IG.
Tanging “TakeAbite” lang na name ang gamit ko. Meron akong million followers at isa na dito si Kuya William at Oliver. Hindi ko alam kung aware sila na ako ‘yun, dahil wala naman akong mukha na ipinakikita sa bawat post ko. Tanging bracelet lang na kulay pula. Na ang alam ko, limited edition ito ng kilalang jewelry brand dito sa Pilipinas.
“Lorna,” mahina na mga katok ang narinig ko mula sa labas ng pintuan. Mukhang madaling-araw na at bakit kaya kumakatok si Kuya William. Kaya't tumayo ako at tinungo ang pinto. Pagbukas ko, amoy ng alak ang sumalubong sa akin.