Larawan ni Oliver habang pumipirma ng marriage certificate ang pinadala sa akin ng sira ulo kong kaibigan. Masakit ang ulo ko na tumayo mula sa higaan at humarap sa bintana. Tumingin ako sa itaas at mapait na napangiti “Ama, ang sakit pala magmahal. Lalo na’t wala akong magawa para ipaglaban ang babaeng mahal ko,” medyo emosyonal na kausap ko sa langit. Ang sumunod na mga oras ay mas lalong naging masakit para sa akin. Halos buong buhay ko, si Lorna lang ang babaeng minahal ko, pero katulad ng inaasahan kong mangyari, hindi talaga kami ang end game. Pakiramdam ko, napaka-miserable ng buhay ko. Kung hindi dahil kay Oliver, hindi maisalba ang kumpanya namin. Kung hindi pa rin dahil sa kanya, wala akong alam sa nangyayari kay Lorna. Dinampot ko ang aking cellphone at tinawagan si Oli

