Napalingon ako kay Lorna, na nakahiga sa puting kama ng ospital. Ang tanging nakakabit na lamang dito, ay ang manipis na tubo ng oxygen, ang dating tubo sa kanyang bibig ay wala na. Mapayapang natutulog ang babaeng mahal na mahal ko, ang mukha nito ay maaliwalas, ngunit ang katawan ay payat na, halos isang linggo pa lang, magmula ang aksidente, pero ang bilis bumagsak ng katawan nito. “Kamusta?” ang mahina kong tanong. Dahan-dahan nitong minulat ang mga mata, isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Ngiti na hindi man lang umabot sa kanyang tenga. Inangat nito ang kanyang kamay at hinawakan ang aking mukha. Ang init ng palad nito, ay sumalubong sa akin, isang init na hindi ko maipaliwanag. Puno ng pagmamahal, ang bawat paghaplos ng malambot na palad nito sa aking pisngi ay ang sarap sa

