Habang nakikinig ako sa usapan ni William at ni Lorna. Parang sasabog ang ulo ko sa pag-iisip. Sa aming tatlo, ako ang sobrang apektado. Pero hindi ibig sabihin ‘non, wala silang ginawa sa mga nagdaan na buwan at taon. Lahat kami may mga kanya-kanyang laban na pilit ipinapanalo mag-isa. “Anong ginagawa mo dito?!” malakas ang boses na sigaw ni Daddy kay Lorna. “Shut-up, Daddy! Wag na wag mo pakialaman si Lorna. Kahit bulag ako, I swear, kaya ko kayo iwanan,” nagkikiskisan ang mga ipen na sabi ko sa aking ama. “Aware ka naman na si Kuya ang may kagagawan ng lahat, kung bakit nagkaganito ang buhay natin!” sigaw pa ng aking ama. “This is all you're doing! Your selfishness is to blame. What did you do to Mommy Fe? You kept her from working and enjoying life. And that company Old Man Fac

